Belle's POV
Hinila ako pa pasok ni donato sa bahay niya, hindi naman na ako nagmatigas pa at nagpahila na sakaniya.
Ngayon ay naiintindihan ko na ang nararamdaman ko, sa ilang buwan na pananatili ko rito ay ngayon ko lang inamin sa sarili ko na gusto ko na si donato.
Pero ngayon ay naguguluhan ako ng sabihin saakin ni donato na gusto niya rin ako, totoo nga bang gusto niya ako? O naguguluhan lang siya dahil niloko siya ni tanya at ako ang kasama niya.
"B-bitawan mo ako.." utos ko sakaniya at binawi ang brasong hila hila niya.
Tinignan niya ako ng nagtatakang tingin.
"Ano bang ginagawa mo?!" Nalilitong tanong ko sakaniya
"Ano ang iyong ibig sabihin?"
"Nasa baba si tanya, bakit ako ang hinila mo at hindi siya?!" Nakatingalang tanong ko sakaniya,
"Hindi ba't sinabi ko na saiyo na ikaw na ang gusto ko?"
"Hindi! Nalilito ka lang! Nasasaktan ka lang.." yumuko ako sa huling salitang binitawan ko.
Tinabanan niya ang baba ko at saka ito dahan dahan na itiningala.
"Hindi ko alam kung paano ko sayo ipararamdam ang aking nararamdaman, pero alam ko.. alam kong simula nuong tumuntong ka sa pamamahay ko ay gusto na kita. Mahirap man paniwalaan ngunit iyon ang katotohanan" pabulong niyang sabi saakin.
"masasaktan lang tayong pareho kapag itinuloy natin ito.." umiiyak na sabi ko
Hinawakan niya ang kanang pisnge ko.
"Handa akong masaktan hanggat ikaw ang kasama ko, sa tingin ko ay ko kayang maging masaya kung hindi ikaw ang aking kasama..."
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisnge ko,
"Hindi ito ang panahon natin, donato..ngunit kung dito ako sasaya, sige. Ikaw ang pipiliin ko sa makasariling mundong ito..."
Yinakap ako ni donato ng mahigpit at yumakap lang ako pabalik. Napakasarap sa pakiramdam, nasasaktan ma'y alam kong masaya ako.
Nang maghiwalay kami ni donato kanina ay dumaretso ako sa lawa upang magisip-isip.
"Kamusta na kayo criza?" Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksiyon ko sa tubig.
"Alam kong nag-aalala kayo saakin pero masaya ako, masaya ako sa ngayon...."
Panigurading alalang-alala na si criza saakin, masaya nga ako rito pero nalulungkotbparin ako sa tuwing iniisip ko kung paano ako makakabalik.
Kinabukasan ang maaga akong gumising dahil ako ang naatasan na magluto ng agahan
Pagtapos mag luto ay ihinain ko na ang pag kain sa mesa, babalik na sana ako sa kusina ng biglang hawakan ni donato ang kamay ko
Pinagmasdan niya ang kamay ko na puro talsik ng mantika pero ang ikinagulat ko ay ng bigla niyang hinalikan ang kamay ko!
Bigla akong napatingin sa paligid dahil baka may na kakita sa ginawa niya, kaagad ko naman binawi ang kamay ko.
"A-ano ba! Wag ka ngang maharot!" Pasigaw na bulong ko sakaniya bago ko siya talikuran, narinig ko naman siyang tumatawa habang paalis ako.
Pagtungtong ng hapon ay naisipan kong diligan ang mga bulaklak sa bakuran.
Sa gitna ng pagdidilig ko ay biglang may yumakap saakin mula sa likod ko. Syempre bilang babae defense mechanism na ang tadyakan ang pinakasensetibong parte ng lalaking yumakap sa likod mo!
Hindi ko inaasan na si donato pala iyon!
"Hala sorry!" Kaagad ko sitang nilapitan, bapaupo na siya sa lapag at namilipit sa sakit.
"B-bakit naman kasi nangyayakap ka!" Hinampas ko pa kunyare ang braso niya
"Kapag tayo ag hindi na ka buo ng bata dahil sa ginawa mo ay araw-araw kitang ikakama..." maloko niyang sabi!
"Punyeta ka napakabastos mo!" Tumalikod ako sa kahihiyan! Ano bang sinasabi neto!
"Pasensiya na kung bigla kitang yinakap, nang makita kasi kita ay bigla akong hinila ng mabango mong amoy at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin ka..." saad niya
"W-wa-wag mo nalang uulitin.." utal utal na saad ko at ipinagpatuloy ang pag d-dilig.
Kinagabihan naman ay ako rin ang nagluto, nung ihahain ko na ang iniluto ko ay naroon na kaagad si donato at nag hihintay.
"Sabayan ko akong kumain.." sabi niya matapos kong ihain ang mga pagkain
"Hindi pwede yon.." buling ko sakaniya
Tumingin muna siya sa paligid bago niya inilapit ang mukha saakin.
"Sasabay ka... o" ngumisi pa siya saglit
"O ano?!" Nanghahamon na tanong ko
"O ikaw ang kakainin ko. Ayos lang naman saakin na huwag kang sumabay basta sa kwarto ko ang deretso mo..."
Wala sa itsura niya ang pagkabastos! Grabe tong lalaking to! Di ko inaasahan.
Kaagad akong naupo sa upuan sa tabi niya "sabi ko nga sasabay eh, anong gusto mong ulam? Itong karne o itong gulay?"
"Iyong pechay.." kagat labi niyang saad
Napalumok ako..
"Sariwa ba ang pechay na iyan? Tanong pa niya
"O-oo kabibili lang kaninang umaga.."
"Kung ganoon ay paniguradong masarap at malasa iyan.."
Juiceq help me! Kinakabahan ako sa lalaking ito baka hindi ako makapagtimpi at mahalikan ko to!
BINABASA MO ANG
Time machine
RomanceWalang naniniwala sa 'time machine' siguro ang iba, kasama sa iba nayon si isabelle mariano. isabelle lost her family from a fire, naniniwala si isabelle na siya ang may kasalanan kung bakit nasunog ang bahay nila at kung bakit wala na ang pamilya n...