Ch. 16

234 19 3
                                    

Belle's POV

"maayos ka lamang ba?" nagaalalang tanong saakin ni donato

"ayos lang ako, ikaw? ayos lang ba sayong nandito sila kanina?" pabalik na tanong ko sakaniya

"sa totoo lamang at hindi, sinabihan ko na sila na huwag nang babalik pa ngunit hindi sila nakinig... sigurado ako na puro salita lamang si heneral diosyano,dahil sa susunod na pumunta siya dito ay imbitado na siya sa kasal natin.." saad niya

kaagad naman na nag-init ang mukha ko sa sinabi niyang 'kasal natin'.

kinabukasan at sa sumunod oang mga araw ay pare pareho lang ang takbo ng araw ko, kain, trabaho, onting harutan kasama si donato, ligo, tulog. isang linggong ganiyan.

pero sa hindi inaasahan ay nagkagulo sa bayan, nabalitaan namin na may sampung lalaking pinatay at itinapon sa talahibad, ang mga katawan ay nakita ng isang matandang babae na nagsusunog ng basura malapit sa talahiban.

ang sabi saamin ay lahat sila ay may tama ng baril sa ulo, lahat rin ay putol anv mga dila.

pinuntahan ni donato ang lugar kung saan natagpuan ang mga bantay kasama ang ama niya.

Kataka-taka naman na lahat ng biktima ay pare-parehong mahihirap ngunit walang pamilya.

umuwi si donato na pagod na pagod kaya hindi na namin pa nagawang mag-usap.

kinabukasan ay maaga akong gumising para pag lutuan sana siya ng unagahan, pero ang sabi ni nita ay kaalis lang daw ni donato.

bagsak ang balikat ko buong araw dahil hanggang matulog ako ay hindi ko siya nakita.

Donato's POV

isinama ako ng aking ama sa pag imbestiga tungkol sa mga bangkay na natagpuan sa talahiban.

kongklusiyon ko ay pinutol ang mga dila ng mga bangkay upang hindi magsalita o ibunyag ang sikreto nino man, ngunit kinalaunan ay pinatay rin.

ang ama ko ay parang tinitignan lang ang mga bangkay, hindi niya ito pinaiimbestigahan pero inutusan ko ng palihim ang mga pulis na imbestigahan ang mga bangkay.

maaga akong umaalis upang tumulong sa mga pulis na mag imbistiga, gabi na ako kung makaauwi dahil maghapon ako sa stasyon ng mga pulis.

hindi ko nakita magapon si belle at sigurado ako na malungkot siyang hindi ako nakikita.

bukas ay hindi muna ako tutulong sa mga pulis dahil dadalhin ko si belle sa talon, aayain ko siyang doon mag tanghalian.

Gumising ako ng nakangiti dahil aayain ko na si belle na pumunta si belle at doon mananghalian.

nagayos ako ng buhok at isinuot ang pinakamagarbong kasuotan ko bago ako kumatok sa pinto ng mahal ko.

ngunit sa pag katok ko ay walang sumagot kaya naman ay itinaning ko si nita kung saan naroon si belle.

"nita, nasaan si belle?"

"nako señyor donato nagkasalisihan kayo! kaaalis-alis lamang niya sinamahan siya ni tonio na mamili ng rekados para sa pag kain na iluluto ko mamayang hapunan" saad niya

tila napunit ang aking puso.. nuon palang ay ayoko na kay tonio, hindi siya tunay na pinsan ni tanya kaya naman ay sa tuwing magkasama sila noon ay pinipilit ko ang sariling hindi magselos ngunit bakit ngayon ay nagagalit ako kay tonio dahil siya ang kasama ni belle imbes na ako.

nagpalit ako ng damit, iyong mas komportable at pangbahay lamang. naupo ako sa upuan sa sala at doon sila hihintayin.

sa pinto palang ay naririnig ko na ang tawanan nila, hinintay ko lamang sila na tuluyang makapasok.

napatigil si belle nang makita ako, ang mga pinamili niya ay si tonio ang may bitbit.

"Oh donato, bakit nandito ka pa? wala ba kayong lakad ng iyon ama?" nakangiti niyang tanong

"hindi ako sumama upang makasama kita, ngunit hindi ko alam na may kasama ka na pala.." malamig na saad ko. nawala ang mga ngiti sa kaniyang labi.

maging si tonio ay naging seryoso.

"nais sana kitang dalhin muli sa talon at doon mag hapunan...ngunit masyado ka atang nalilibang diyan sa kasama mo..." dagdag ko pang muli.

"D-donato.." mahina niyang saad

"tonio umuwi ka na muna" pagpapauwi niya kay tonio

ibinaba ni tonio ang kanilang pinamili sa gilid at nagpaalam na.

"h-hindi ko alam na aayain mo pala ako.."

"Malamang...sopresa sana iyon, ngunit ako ata ang nasorpresa"

"sinamahan lang naman niya ko eh" nakanguso niyang saad saakin

"bakit hindi ka na lamang saakin nag pasama?!" bahagyang pasigaw kong sabi

"e-eh nandito siya kanina eh, sabi niya sasamahan na daw niya ako..."

"bakit hindi ka tumanggi?"

"Tumanggi ako! k-kaso ang kulit niya eh saka sinamahan lang naman niya akoo..:("

hindi ko alam kung ngingiti ba ako magagalit o matatawa sa utsura niya ngayon.

"w-wag ka na mag tampo..."

bumuntong hininga ako at hinila siya palapit, yinakap ko siya at yumakap siya pa balik.

"sa susunod na mamili ka ay ako ang isama mo, kahit pa kulitin ka ni tonio o nino man ay ako lang ang isasama mo naiintindihan mo ba?"

"o-oo" saad niya at yumakap pa ng mas mahigpit

Time machineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon