Criza's POV
2 linggo ng nawawala si belle mula noong maghiwalay kame sa workshop
pumunta ako sa condo niya pero wala siya, nagtanong narin ako sa school at workshop kung pumapasok siya pero ni isa ay walang nakapagsabi na nakita nila si belle"Sweetie sa tingin mo san pa pwedeng pumunta si belle?" tanong ko kay joao
"Sa past?" natatawa niyang sagot
"Ano ba! hindi ak-" naputol ang sinasabi ko ng bigla kong maalala ang time machine niya, pero hinde. hinde iyon posible. pero pano kung posible?
"Jusko! sweetie sa tingin mo gumana yung time machine ni belle?!" tanong ko pati siya ay nanlaki ang mata gaya ko
sabi ni belle ay malapit nang matapos ang time machine na ginagawa niya, hindi kaya natapos na niya ang time machine at gumana yon?!
"oh my god sweetie! this kenat be! imposibleng gimana yung time machine niya dahil hindi totoo yon!. asan kana ba kase isabelle mariano!" Taranta kong sigaw
kung saan saan na kami napadpad mahanap lang si belle nag report na kami sa police station at nag dikit ng posters sa mga poste pero wala paring belle na lumilitaw
hindi kaya nagpakamatay na ang kaibigan ko dahil hindi nanaman gumana yung time machine niya?! ano ba criza! wag ka ngang magisip ng ganiyan!
"Arghh nababaliw na ako, sweetie!" reklamo ko
asan kana ba kasi isabelle mariano!
Belle's POV
"Sino iyan?"
"Ngayon ko lamang siya nakita rito"
"Kakaiba ang kasuotan niya"
Nagising ako sa mga bulungang naririnig ko pagdilat ng mata ko ay halos lumuwa na ang mata ko sa nakikita ko
"N-nasan ako?!" biglang sigaw ko
"Oh binibini, gising ka na pala" saad ng lalaking bigla nalang sumulopot
naglakad siya papalapit saakin at yumuko ng bahagya para magtapat ang mukha namin
"Sino ka?" naguguluhang tanong ko
"ikaw? anong pangalan mo, binibini?" nakangiti niyang sabi
"Isabelle Mariano ang pangalan ko. Sino ka?" sagot at tanong ko sakaniya
"Donato laxa ang aking ngalan" nakangiti parin niyang saad saakin
"Nasaan ako?" tanong ko
"Andito ka sa bahay ko, binibining isabelle"
"Anong lugar to?"
"Andito ka sa lungsod na pinamamahalaan ng ama ko. Narito ka sa San Ricel" sagot naman niya
"Anong nangyari sakin? bakit nandito ako sa bahay mo?" tanong ko
"Iyon rin ang tanong ko binibining Isabelle, nagising nalang ako ay katabi na kita sa aking higaan" Sabi niya at mas inilapit pa ang mukha niya saakin
Pero teka...
"Ano?! P-pano nangyari yon?"
paano nga ba? tanda ko ay umiinom lang ako ng beer sa kwarto ko at....
"Oh my gosh!" biglang sigaw ko
Gumana yung time machine ko?!
"A-anong sinabi mo?" tanong ni donato
pero teka... kamukha ni donato yung bagong kapitbahay ko sa condominium ano na nga pangalan non Deib? Dondon? Danny? Ahh donny oo tama... Pero bakit andito ako? maling panahon ito ah!
"Señiorito Don, ipinatatawag po kayo ng iyong ama" saad nung babaeng sa tingin ko ay katulong niya
"ganoon ba, Nita ayusan mo ang binibining ito babalik ako mamaya at gusto kong maayos ang kasuotan niya" utos niya
"Maayos naman yung damit ko ah!" singit ko
"Binibining isabelle, kung iyan ang isusuot mo ay pantitinginan ka lang saka saan mo ba nakuha ang damit na iyan? hindi pangkaraniwan ang kasuotan mo" sagot niya saakin at saka lumabas sa kwarto
BINABASA MO ANG
Time machine
RomanceWalang naniniwala sa 'time machine' siguro ang iba, kasama sa iba nayon si isabelle mariano. isabelle lost her family from a fire, naniniwala si isabelle na siya ang may kasalanan kung bakit nasunog ang bahay nila at kung bakit wala na ang pamilya n...