Amber's POV
"Bakit ka ba late Amber!? Kanina pa kita tinatawagan bakla ka! Nagagalit na si boss kanina pa, Madaming orders kulang yung taga dedeliver. Saan kaba galing babae ka? Sabi mo papunta kana! Pinatayan mo pa ako ng phone, tinawagan kita ulit di na kita ma contact" Pagsisirmon sakin ng bakla kong kasamahan sa trabaho habang nag aayos ng orders.
Sinuot ko naman ang uniform namin na pulo, pinatung ko nalang, nag mamadali na ako eh.
Kabwisit kasi yung lalaking yun kanina eh. Tsk. Nawalan pako ng phone.
*flashback*
Tapos nako sa shift ko sa milk tea shop na pinagtatrabahuan ko hanggang alas 4 lang kasi ako eh, di ko alam bakit. Ito ako ngayon sa labas ng shop.
"Bat naman kaya di nag tetext yun?" Tinititigan ko ngayon ang phone ko.
Matapos kung replyan ang text ni Kevin kagabe, di na sya nag reply, at hanggang gayon walang text maski isa galing sa kanya? I wonder why? Ni hindi sya nag good morning sakin kanina. Hindi naman sa ubligano nyang mag good morning everyday sakin, nasanay narin kasi ako na nag tetext sya sakin tuwing umaga or kung makalimutan man nya, mag tetext parin sya kahit anong oras, ngayon lang hindi, nag aalala nako.
Nag text ako kanina sa kanya pero, walang reply, tumawag din ako pero turn off yung phone nya. Nag aalala ako pero pinalipas ko nalang muna baka busy lang. Na busy din kasi ako kanina sa shop.Denial ko ulit number ni Kevin at tinawagan ko. Good thing nag riring pero hindi sinasagot. 'Ha? Napano to? Bat di nya sinasagot.'
"Ayssh!" denadial ko ulit number ni Kevin pero biglang may tumawag sakin.
Co-work Jason Calling..........
Answer."Oh bakit?" tanong ko sa tumatawag.
"Anong oh bakit? Hoy bakla ka! Anong oras ka makakarating dito?" Tanong nito sakin.
"Sa oras ng pasok ko. 4:30 pasok ko diba? May 30 minutes pako"
"Pumasok kana now na! Kanina pa nag eestress si boss, madami orders, bilisan mo!?" Sagot nito kaya tumakbo na ako papunta don. Walking distance lang kasi kaya tinakbo ko na, medyo may pagka layo ng kunti, dalawang likong kanto pero keri lang sa takbuhan.
"Teka wait lang! Papunta nako!" Nagsimula na nga akong tumakbo
"Nag aalburuto na si boss! kulang ng mag dedeliver! bilisan mo"
"Oo nga papunta nako dyan, Tumatakbo na nga ako eh!" sabi ko sa kabilang linya habang tumatakbo dahil late nako at maraming orders ngayon. Ano ba yan!!!
Patuloy lang ako sa pag takbo kahit hinihingal na ako.
"Tawag ako ni boss wait lang----
Biglang may bumunggo sakin ng pagkalakas out of nowhere kaya nabitawan ko ang phone ko at SHOCKS!! Naapakan nya.
Sa sobrang gulat ko napahawak ako sa bibig ko.
"Oh! My! Ghad!" Tanging nasabi ko at bumaba para kunin ang phone ko sa ilalim ng paa nya.
Tinabigtabig ko papa nya para alisin dun sa phone ko.Patay, basahna basag. Wala pa akong ipon pambiling bagong phone. Medyo naiiyak na ako.
"Yare na. Miss sorry! Hala ano ba pwede kong sabihin? Ikaw kasi binangga mo ko eh!"
Uminit bigla dugo ko sa katawan dahil sa sinabi nya. Tumayo ako at tumingin ng masama sa kanya.
"Excuse me lang sir ah! Kayo na nga itong nakabasag ng phone ko, at AKO na nga ang nabasagan AKO pa sinisisin nyo? Di naman ho tama yon sir. Mabait po akong tao pero di ko po mapapalampas to, tingnan nyo po basag na basag phone ko" pagtitimpi ko at hinarap ko sa kanya ng cellphone ko para makita nya kung anong ginawa nya.
BINABASA MO ANG
Ppop World
RandomAmber. Ang babaeng lihim na nakiki pagrelasyon sa isang member ng Ppop boy group na LUCKEY. At sa hindi inaasahan nakilala nya at naging malapit sa SB19 member na si Ken kung saan ang SB19 at LUCKEY ay isang matinding magkalaban sa ngalan ng Ppop in...