Kevin's POV
Nandito ako ngayon sa office ng CEO kasama ang manager namin. Kaming tatlo lang..
"Anong kailangan nyo?" Walang ganang sagot ko.
"We just want to apologize." ani ng CEO namin na mukhang hindi naman sincere at napilitan lang.
Napatawa ako kunyari sa sinabi nya.
"Haha. Apologize?. Matapos nyong sirain ang relasyon namin ni Amber?. Ano pang magagawa nyan?." sagot ko dito.
"Kevin!" suway sakin ni manager.
Nag smirk naman ang tanginang CEO namin na si Mr. Perez
"Ginawa namin yun para sayo.!!" Manager.
"Ha! HAHAHA! Wow. Sakin? Segurado kayo.? Pano naging para sakin yung ginawa nyo!? Ha!?" sarcastic na tanong ko sa kanila.
"Alam mong sa lahat ng artist dito ikaw ang pinaka iniingatan namin at ayaw naming ma involve ka sa kahit anong scandal kaya namin ginawa yun! Intindihin mo naman Kevin! Sa isang post ng ng article about sa inyo nung Amber na yun! Sira na career mo pati ng mga ka grupo mo. And you are about to debut solo artist, pero ayaw mo. Lahat ng artist alam mo ba na gustong gusto maging solo tapos ikaw tinanggihan mo lang.? Alam mo bang malaking kawalan din yun sa agency natin. Mag isip ka. Kaya sana sumunod ka nalang" kunot noong sabi ni Manager.
Sinamaan ko lang sila ng tingin. Mga mukhang pera talaga. Di nyo man lang inisip ang mga ibang artist, ang sa inyo basta lang kumita kayo.!
"At bakit naman sa punta sa solo artist ang usapan!?" kunot noong tanong ko rin.
"That's the reason why your here." sabat ng CEO.
Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ng CEO.
"We would like to ask you again. Be a solo artist Kevin. Pinapangako naming magiging isa kang top solo artist sa bansa at pati na rin worldwide. Ang ang kinikita mo ngayon magiging doble pa pag naging solo ka, in every release mo ng song mo at naging patok, hindi lang doble ang kikitain mo Kevin.." nakangiting paliwanag nya.
Sabi ko na nga ba, kaya nag sosorry kahit labag sa kalooban dahil may kailangan.
"I'm an artist that not after money! Kaya tigilan nyo ako sa ganyang offer. Di ko aabandonahin ang mga ka grupo ko dahil lang dyan sa mga kagustohan nyo.!!. At kung pwede na akong umalis, aalis na ako dahil may practice pa kami.." agad na akong tumayo pagkasabi ko non at naglakad na papunta sa pinto.
"Kung sakaling magbago ang isip mo. Sabihan mo lang ako!" pahabol na sabi ng CEO.
"Hinding hindi magbabago ang isip ko.!"
Pagkasabi ko non sinara ko ng malakas ang pinto ng office.
Nakakainis! Gusto ko mag mura! Gusto ko maging performer na normal na walang dumidikta sa ano man ang gawin ko, tao ako hindi aso. Nakakainis talaga!!.
May nakiya ako basurahan sa hallway ng building namin at sinipa ko yun ng malakas.
Dave POV (Luckey's Manager)
Lumabas na si Kevin ng opisina at naiwan kaming dalawa ni Mr. Perez sa loob.
"Mukhang mahihirapan talaga tayong kumbinsihin si Kevin. Hindi basta basta ang batang yun. Matigas ang ulo." sabi ko kay Mr. Perez.
Pinatong nya ang ulo nya sa kamay nya na parang nag iisip habang nakatingin ng diretso sa pinto.
"Mr. Perez? Anong iniisip nyo?" tanong ko.
Nag smirk sya sabay tingin sa akin.
"Paen ang kailangan ng batang yun para kumagat sa gusto ko. Alam kong si Amber ang magiging kahinaan ni Kevin. At si Amber lang ang pwedeng maging paen. Haha. Tingnan natin kong hindi pa ba magbabago ang isip ng batang yun." may nakakalukong ngiti na sabi ng CEO.
BINABASA MO ANG
Ppop World
AcakAmber. Ang babaeng lihim na nakiki pagrelasyon sa isang member ng Ppop boy group na LUCKEY. At sa hindi inaasahan nakilala nya at naging malapit sa SB19 member na si Ken kung saan ang SB19 at LUCKEY ay isang matinding magkalaban sa ngalan ng Ppop in...