Amber's POV
Nanonood ako ngayon sa monitor habang nag peperform ang SB19.
Grabe ang ingay sa dome. Rinig na rinig ko dito sa dressing room..
Malapit na rin aking isalang, pagtapos ng performance nilang ito, may isa pa silang kakantahin at pagkatapos mag pe play pa ng VTR at after ng VTR ako na sunod mag peperform non. 3 minutes lang ang duration ng VTR.
Tiningnan ko ang kaliwang kamay ko. Mas lumala lang sya ngayon dahil pinipilit ko pwersahin. Hindi alam ni tatang at ni teacher to, kasi pag nagkataon lagot talaga ako..
Ayokong masira ang performance ko. Di ko na talaga alam ano gagawin ko ngayon, kinakabahan na ako..
Bahala nalang mamaya. Pepwersahin ko nalang to. Matitiis ko naman.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Si teacher Hong. Ngumiti sya sakin at pumasok ng tuluyan sa dressing room ko.
"Hi." bati ni teacher sakin.
Nag bow ako sa kanya.
"Why are you so shocked? Haha" Teacher.
"I didn't mean to teacher. I'm sorry. " ako.
"No it's okay, i was just kidding." teacher.
"Are you nervous?" tanong nya sakin pa sakin.
"Ahm. Yes? hehe" sagot ko.
Tumawa naman si teacher at hinawakan ang kamay ko.
"Make it feel like it's your stage. give your all. I believe in you." sabi ni teacher at tinapik ako sa balikat.
"Fighting!" dagdag pa nya.
"A-ah.... Teacher......"
Sasabihin ko ba? Pinapangunahan ako ng kaba.
"Yes? What is it?" nakangiting tanong ni teacher sakin.
"Ahmm nothing. Hehe I just want to say thank you for believing in me."
Di ko kayang sabihin ano ba yan!!. Si Lord na ang bahala mamaya.
Ngumiti ulit si teacher sakin at lumabas na ng dressing room ko.
Tiningnan ko ang gitara ko sa gilid.
"Anong gagawin ko sayo?"
Hayy nako naman!!! Kinuha ko yung gitara at umupo.
"Kaya mo to Amber!" pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko.
Nag start akong tumugtog. At habang tumutugtug ako napapangiwi ako sa sakit. Di nga maayos ang tuno dahil hindi ko ma spress ng tudo ang chords.
Ng matapos akong tumugtog, matamlay kong binaba ang gitara ko.
"Are you really okay!?"
Biglang sulpot ni Ken sa dressing room ko..
"Anong ginagawa mo dito!?" gulat na tanong ko. Tiningnan ko naman agad ang monitor at nakita kung nag pe play na ang VTR. Tapos na sila!?
My ghad!! Ako na ang sunod!? Patay na ako nito.! Hindi pa maayos ang pagkakatugtug ko.
Kunot noo syang lumapit sakin at tinignan ang kamay ko.
"Okay lang ako." sagit ko sa kanya.
"Panong okay e di ka nga makatugtug ng maayos!!" sya.
Natahimik naman ako sa sinabi nya.
"Anong gagawin ko? Sa tuwing penepwersa ko lalong sumasakit. Di ko na nga alam anong gagawin ko" malungkot na sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ppop World
RandomAmber. Ang babaeng lihim na nakiki pagrelasyon sa isang member ng Ppop boy group na LUCKEY. At sa hindi inaasahan nakilala nya at naging malapit sa SB19 member na si Ken kung saan ang SB19 at LUCKEY ay isang matinding magkalaban sa ngalan ng Ppop in...