29

50 4 4
                                    

Amber's POV

Matapos ang masayang pagligo namin kanina, hito kami ngayong anim, nakayuko sa harap ni tatang Robin ang teacher Hong.

"Did I say that your all allowed to swim already?" tatang Robin.

Kanya kanya naman kaming shake ng mga ulo namin habang nakayuko parin.

"Look at you all!? Hindi na pantay yang mga balat nyo sa mukha nyo! May photoshoot kayo bukas hindi nyo ba naisip yun!?" teacher Hong.

Pantay parin naman balat namin ah. Tyaka bukas mawawala din naman to. Hnng.

Nakunsensya ako dahil ako naman talaga ang nauna sa dagat. Wala naman talaga ako balak mag swimming eh. Binasa ko lang katawan at buhok ko para sa picture. Nako naman.

"What did I tell you boys after the filming before!?" tanong ni teacher sa kanila.

"Rest for tommorow's photoshoot" sagot nilang lima.

"And what did you do!? You all swim!!, do you think your a fish or something!?" medyo galit na na sabi ni teacher.

My ghad kinakabahan ako.

Nag bow ako ng 90 degree sa harap ni Tatang Robin and Teacher Hong. Papanindigan ko to.

"It's my fault tatang and teacher. I'm sorry. Please don't get mad at them." sabi ko habang naka bow parin. Actually masakit sa likod kasi 90 degree.

Kunting katahimikan. Maya maya.....

"Yes!! It's Amber's fault Tatang and teacher!"

Putang gala!! Sino yun?

Napatingin ako don sa nagsalita habang naka yuko parin.

Walangyaka Josh. Inipit mo pa ko lalong pandak ka.

"Yeah yeah! It's really her fault. We saw her at the beach alone so we think that we should join her." Justin.

Isa pa talaga!! Really!!? Justin!?

'So kasalan ko pa palang nagmalasakit kayo sakin mga hinayupak kayo!?'

Mga walang pusooooooo!!

"I'm sorry!" nagpipigil ng inis na sabi ko.

"Then what should we do to her? She needs a punishment for her to learn a lesson!" tatang robin.

Mamaaaaa!!! Bakit ganon? Wala ba talagang tutulong sakin?. Di ko naman kasi alam na maliligo mga hinayupak na to eh. Di ko din alam nq may photoshoot pala. Lord please help me.

"Anong maganda? Suggest kayo!?" tanong ni teacher Hong sa lima.

Patay na talaga. Ayoko nalang mabuhay. Isinusumpa ko tong si Josh at Justin. Humanda kayo sakin, hindi ko to palalampasin ang ginawa nyong pagtatraydor sakin.

"Pwedeng punishment ang no food allowed in a day for her except radish. I saw a lot of radish there" Ken.

Isa ka pang butanok ka. Ayoko ng gulay!!!! Naiiyak na talaga ako. Akala ko ba friends tayo.

"How about matulog sa lobby?" suggestion ni Stell.

Balak ata nilang lahat traydorin ako. Wala na akong maasahan sa kanila. Masakit na rin ang likod ko, gusto ko na sumuko.

"Don't make her a debut ever!!"

Bigla akong nanghina don sa sinabing yun ni Sejun. Alam ko cold syang tao pero bakit naman ganon? Hindi ko na kinaya kaya matamlay akong umupo sa sahig. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay ko at don humagulgul ng iyak.

Ppop WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon