20

74 6 0
                                    

Amber's POV

Matapos ang filming namin sa dance and song cover ko, kinabukasan may photoshoot ako for rookie trainee photos. Ewan kong ano yun pero go lang ako, preparation daw kasi to for public apperance ko.

Nandito na ako ngayon sa studio ng photoshoot na gagawin. Hindi ko kasama si teacher Hong ngayon dahil kasama sya ng boys sa pag papractice para sa concert.

Actually hindi lang ako ang nandito may limang babae din na nakaupo sa gilid at nakaayos na, may mga make up na rin sila. Seguro mag pophotoshoot din sila.

Mga trainee din seguro to ng showbt. Sa showbt building kasi kami nag photoshoot.

Napatingin naman sila sakin kaya i smiled and they smiled back. The're all pretty.

"Are you Amber Santos?" may biglang lumapit sakin na babae na nasa edad 30's

Tumango naman ako sa kanya.

"This way, aayusan na kita para makapagsimula ka na." aabi nya at nag lead ng daan, sumunod naman ako.

Pumunta kami sa make up area sa gilid ng studio at pinaupo nya ako sa harap ng salamin na may nakapalibot na light bulb.

Namangha naman ako sa dami ng make ups na nasa harap ko ngayon. As in subrang dami halos lahat ng kailangan mo nandito na.

Sinara ko ang bibig ko kasi nakakahiya.

Sinimulan nya naman na akong ayusan.

Sana lang hindi nya kapalan ang make up ko. Simple lang sana, ayoko kasi ng makapal eh, hehe.

Habang minimake upan ako nagsimula naman na ang lima sa photoshoot nila.

"Girl group po ba sila?" tanong ko sa nag memake up sakin.

"Oo, sila ang YARA. Di pa yan sila nag dedebut pero magagaling na. 3 years na yan silang trainee duto. Sumasali yang group nila sa mga contest." sagot nya sakin.

"Ahh ganon po ba?" nasabi ko nalang.

"Mukhang mauuna ka pa ngang mag dedebut sa kanila eh, haha" sabi pa nya.

Medyo naguilty naman ako don sa sinabi nyang ako ang mauuna mag debut sa kanila. Kasi ilang weeks palang ako dito as a trainee pero andami ko ng natatanggap na special treatment sa companing ito at nauna rin ako sa kanila na ipakilala sa public at ako din ang ginawang guest sa concert abroad ng SB19 na meron naman palang girl group. Nagiguilty ako sa kanila.

Tumahimik nalang ako hanggang sa matapos ang pag memake up sakin at binihisan na nya ako.

Ibat iba daw ang concept ng photoshoot ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ano ang mga yun pero sabi nila base daw sa intsura ko na mukhang innocent at personality ng pagkanta ko, personality ng pagsayaw at iba pa. Chaaar. Basta ganon.

Unang hair style ko ngayon is messy high bun at nakaladlad lang ang bangs ko tyaka may eye glasses.

Tapos na rin ang Yara sa photoshoot nila at nauna nang umalis, ang bilis lang nila, isang concept lang tyaka isang bihisan lang. Now mas nageguilty ako.

Nakita kong may mga books sa carpet sa gitna ng photoshoot at may sofa sa gilid.

'Ahh kaya pala nakasalamin ako. Now i know' Ito seguro yung innocent concept. I look nerd.Haha.

Tinawag na ako nang photographer, kaya pumunta na ako sa gitna at pinadapa nya ako sa harap ng mga book na yun. Ngayon magagamit ko na ang pinapractice namin ni teacher hong na modeling. Wow.
(maglalagay ako ng picture sa baba every concept)

Ppop WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon