21

63 5 0
                                    

Amber's POV

I can't believe na I just confess to him right now.

Pero kanina, sa mga oras na sinasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko merong part sakin na umaasang, sana sabihin nya na gusto nya rin ako kahit kunti. Ewan! Ang gulo ko no!?

Umasa talaga ako kanina na sabihin nyang may feelings din sya.

Pero naisip ko din, Bawal pala yan dito sa company. HAAAAY. No choice

Now! pano pa ako haharap sa kanya. Nakakahiya.

Bumalik na ako sa ng practice room at bago pumasok, sinilip ko muna ang bintana, tinitignan ko kung andon pa sya. Nang makita kong wala ng tao pumasok na ako.

Nag warm up na muna ako ng vocals ko pati na rin ng katawan. Habang nagwawarm up ang dami kong niisip.

Like, yung ginawa ko kaninang pag amin kay Kenji, anong kakantahin ko sa concert, at tyaka isang araw nalang ipapakilala na nila ako.

Ano kaya mangyayari pag nakita ko si Ken ulit?

Naging dependent kasi ako masyado kay Ken kaya nangyari sakin to eh. Sya yung laging nandyan pagkailangan ko ng tulong at higit sa lahat sya yung palaging nandyan tuwing umiiyak ako dahil kay Kevin. Hindi ko din naman inakalang magkakagusto ako sa kanya like wtf! Sa bagay di naman sya mahirap magustuhan, gwapo sya, at cute at the same time, magaling sumayaw, magaling kumanta, seryuso sa passion nya, pwede maging coach, may magandang personality, at higit sa lahat malambot ang puso.

Isang malamin na buntong hininga ang binitawan ko at nagpatuloy sa pag wawarm up.

Maiba naman tayo.

"Ano nga palang magandang kantahin sa concert? Tsk. Ang hirap nga talagang mag isip" ako sa sarili ko.

Cover song lang naman ang kakantahin ko pero gusto ko yung tipong I can rock the whole stage. Hindi ko man concert yun pero gusto ko e feel na parang concert ko na din. Live life the fullest.. Mangarap lang tayo, libre naman yun.

Bigla namang tumunog ang phone ko sa gilid. Kinuha ko at binuksan. Si Ken ang nag text. Binasa ko yung text nya sakin.

From Kenji

"Those who wish to sing, always find a song."

Nagulat naman ako kaya tumingin tingin ako sa paligid at sa pinto, nandito ba sya? Narinig nya ba tanong ko sa sarili ko?

Tumunog ulit phone ko.

From Kenji

"Kantahin mo kung anong gustong kantahin ng utak at puso mo. Wag kang kumanta para sa kanila, kumanta ka for your self. Wag mo munang isipin kung magugustuhan ba nila ang kinanta mo, unahin mong gustohin ang kinanta mo. At don lang nila mararamdaman ang passion mo for singing kapag nakita nilang nag eenjoy ka sa ginagawa mo. Wag mong pigilan ang sarili mo sa anong gusto mo."

Ang lalim naman nito, pero naiintindihan ko ang message nya.

Felling ko talaga nandito sya. Tumingin ulit ako sa pinto at yun nga, nakita ko sya don, kumaway saglit habang ngiting ngiti at umalis kaagad.

'Kenji! Don't do this to me please? Pano ko matatakasan ang nararamdaman ko para sayo kung ganya ka naman!?'

At some point nakatuloy naman ang words of wisdom na sinabi nya sakin ngayon lang. Dahil don nakaisip agad ako ng kakantahin.

'Thanks again Kenji'

Napangiti nalang ako habang iniisip yun.

Pagtapos ko mag practice dumiretso nako sa practice din ng sb19.

Ppop WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon