Sobrang saya ko dahil balik skwelahan na naman at akalain mo nakapasok ako sa isa sa pinaka-sikat na school. Kung saan halos ata anak ng mayaman o mga business woman at mga artista dito nag-aaral.
Ang Shaolin High, kung saan iba ito sa ibang school na alam niyo. May ibat-ibang faculty at mau 5 main courses dito and balita madadag-dagan na ito ng engineering next year.
First the Business course. well lahat naman ng school may business course pero gaya nga ng sabi ko iba dito dahil once an business course ang kunin mo sakop mo na lahat ng sa business. Walang CPA, operating, marketing. Pinag-isa na nila ito kaya masasabi kong napakaganda sa school nato dahil lahat ituturo nila sayo. Higit sa lahat nandito yung mga Pinaka-magagaling na guro when it comes to math, computation, analyzation wala ka ng hahanapin pa. Karamihan ang nag-eenroll dito yung mga studyante na paglabas sa school nato deretso kompanya kasi yung mga family nila malakas ang influence at nasa business industry talaga.
Second the culinary course. Actually ito yung course na pinakamahirap para sakin, ang alam ko lang kasi kumain ng kumain. Well back to topic like in the business course pinagsama-sama na din dito ang mga major. Either you like baking or cooking parehas ituturo sayo yan. Kaya nga mahirap eh kasi daming kabisaduhin na ingredients pag-nagkamali ka ulit ka at ito ang course na madaming rules. Kaya hindi talaga ako belong sa course nato, siguro sa iba na hilig talagang magluto o gustong matuto magluto basta ako okay sa sakin na tagalamon lang ako. Well swerte ako dahil ang sissy si ko na si Shanaira Lopez aka 'Aira' ay kabilang sa course nato ako. Halos lagi akong busog sa dorm namin dahil ang dami niya laging pagkaing dala.
Third the Computer course. Ito kung mahilig ka sa technology dito ka dapat pumunta. Super dabest ang pagtuturo nila dito. Actually this is my second choice sa course kung hindi man ako palarin sa napili kong course. Ito ang dahilan bat sobrang daming exchange student dito galing pang ibat-ibang bansa, may Chinese, Japanese, Taiwanese, american at iba pa. Well kilala talaga ang Shaolin high sa larangan ng technology.
Fourth the Art Course. Ang pangarap kong course at sa wakas kabilang na ako dito. I'm super happy na nakapasok ako sa course nato kahit Hindi ako kagaling sa arts. Alala ko bata palang ako gumuguhit na ako, pinaka-gusto ko landscape drawing yung mga tanawin. Para sa iba ang course na ito ang pinaka boring sa lahat pero sakin Hindi. Masaya kayang magdrawing, lalo na pagmag-isa ka at tsaka maraming magandang spot dito sa Shaolin high. Nandito din si 'Teacher Frank' isa sa pinaka-mahusay na artist. Kaya naman swerte ko dahil siya ang adviser ko. Pangako ko sa sarili ko na pagbubutihan ko ang pag-aaral ko para magiling katulad niya.
And Last the martial arts course. Isa din ito sa dahilan kung bakit sikat ang shaolin high. San ka ba naman kasi makakita na course na about martial arts? diba ang weird. Sabi nila wala naman talagang martial arts course dati kasi itong P.E pero sa ngayong henerasyon dumadami na ang nagka-interest sa martial arts kaya naman ang shaolin high naisipan gawin na itong course. Ilan sa mga naririg kong ginagawa o activity dito ang taekwondo, judo, boxings at mix martial arts. Actually curious ako sa course nato kasi naman bihira ko lang makita ang studyante sa martial arts club. Minsan pumupunta sila ng canteen at isa pa sila lang naman ang kinababaliwan ng babae dito sa Shaolin high, simple dahil martial arts puro lalaki ang nandito, malimit ka lang makakita ng babae na sumali sa gantong course. Well isa sila sa pinakaswerte na course dito dahil kumpleto sila may gym, court, kumpleto sila sa equipments at may place for fighting events. Saan kapa? astig diba?
••
I am Paula Climente aka 'Paupau.' Simple lang naman yung buhay ko dito sa shaolin high. Pagwala akong schedule sa art class edi tengga ako sa dorm. Hindi kasi ako gala katulad ng sissy ko na si Aira. Mas gugustuhin ko pang matulog ng buong araw kaysa maglakwatsya.
Tsaka si Aira lang naman ang kaibigan ko sa shaolin high. Pakiramdam ko nga kung hindi ko siya kadorm-mate hindi kami magiging close kaya thankful narin ako nakilala ko siya. Tsaka may trust issue/ Anti-social akong tao. Hindi naman ako nerd..duh hate ko ngang magbasa or mag-aral hilig ko lang talaga mag-drawing.
Pero...
Nagbago ang lahat ng makilala ko si Leeron Wu aka 'Mr. President' Oo tama kayo. Siya yung president ng school nato, siya ang nagpapatupad ng school regulations. Hindi ko masasabing teacher's pet siya dahil ang tigas kaya ng ulo niya, Ayaw niyang inuutusan siya. Lahat ng gusto niya gagawin niya. Napaka-streight forward niyang tao wala siyang pake kung masaktan ka sa sabihin niya. Ganyan siyang tao, hindi ko nga alam kung tao siya eh.
Ito pa siya lang naman number 1 school heartthrob dito sa Shaolin high. Nagtataka nga ako ang dami-dami namang gwapo sa school nato pero siya ang laging nangunguna sa Poll. Yes, every year may pa-poll dito sa Shaolin high for Ms. and Mr. shaolin representative, once na makabilang ka sa top 10 or top 5 lahat ng mata ng studyante na sayo, bawat galaw at kilos mo bantay nila, talagang titignan nila kung karapat-dapat ka maging representative ng Shaolin high at siya si Leeron yung laging nagunguna like eww. Halos lahat ng babae nagkakagusto sa kaniya well not me. Swear not gonna happen. Hindi ko lang maintindihan bakit? bakit nila nagustuhan ang isang supladong lalaki. Tama kayo suplado siya ni-ngumiti nga hindi niya magawa. Siguro bungi siya o kulang-kulang ipin, joke! basta tsaka gwapo? Oo gwapo siya pero suplado kaya wala rin.
At higit sa lahat siya lang naman ang sumira sa tahimik kong buhay dito sa Shaolin high!
BINABASA MO ANG
Master, Wo Ai Ni. ❤ (Book 1 Completed)
RomanceUlila at mag-isa na sa buhay si Paula Climente/Chou o ma's kilala bilang 'Paupau.' Walang gaanong kaibigan o kakilala dahil kailangan niyang itago ang tunay niyang pagkatao para mabuhay ng tahimik at payapa. Hindi marunong manamit ng tama at walang...