11

58 3 0
                                    


"Paupau may relasyon kayo ni Leeron?!" bungad na tanong sakin ni Aira. For Pete's sake kagigising ko lang narinig ko na agad ang pangalan niya.

"Ano bang kahibangan yan aira ang aga-aga!" sigaw ko kay aira

"Eh ano to?" at nagmamadaling binigay ang phone niya sakin at halos manlaki ang Mata ko ng makita na naman ang picture namin ito yung kahapon. Yung nag-usap kami at yung picture na kung titignan hinalikan ako ni Leeron pero ang totoo binulungan niya lang naman ako. Kaya naman lahat sa comment section puro kiss ang topic. Napatingin ako sa headlines ng shaolin high at nanlumo ako ng makita nanagunguna ang pangalan namin ni Leeron.

Leeron Wu aka Mr. President kissed Junior Paula Climente. Are they dating? or are they already in a relationship?

Ito na ang pinakawalang kwentang headlines na nabasa ko sa tanang buhay ko. Wah anong gagawin ko?

"Hindi ba totoo yan? o nagkiss ba talaga kayo?" intriga sakin ni Aira. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa tao sa tao sa paligid ko. Nagmamadali akong lumabas. Mamaya ko na ipapaliwanag kay Aira ang lahat. Kailangan kong maka-usap si Leeron for sure nakita niya na tong headlines. Dumaan ako sa sikretong daan at nakapunta sa bahay niya. Nagmamadali akong kumatok pero walang nasagot o hindi man lang ako pinagbuksan ang pinto.

Siguro wala siya dito. Naalala ko una kong nakita si Leeron sa may bandang ilog. Nagmamadali akong pumunta don at tama ang hinala ko nandon siya nakatulala na naman at pinagmamasdan ang rumaragasang tubig.

Pinuntahan ko kaagad siya. Muntikan pa ako matapilok dahil sa bato-batong daan.

"Leeron!" hingal na sabi ko at tinignan ako nito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at nagmamadali akong pinakita yung headlines.

"Nakita mo na to?" tanong ko at wala man lang ako makitaang kaba sa mukha niya. Siguro nakita niya na.

"Leeron. Presidente ka ng school nato. Pwede mong utusan ang newspaper club na burahin ito o hindi kaya pagsabihan mo na wag silang gagawa ng walang kwentang headlines." Sabi ko pero ganun padin ang itsura nito. What? wala man lang siya gagawin?

"Sa tingin mo ba pagpinabura ko yung headlines na yun, titigil na sila?" seryosong sabi nito sakin at napa-isip naman ako sa sinabi niya. Hindi ko gets.

"O..Oo" hindi ko siguradong sabi.

"Tsk." singhal nito at aalis na sana ito pero hinila ko ang kamay niya. Siya na lang pag-asa ko.

"Leeron please. Gawan mo ng paraan yun." paki-usap ko.

"Wala akong magagawa." sabi niya at hinablot ang kamay niya. Argh. Nakakainis. Sinundan ko siya kung saan siya pupunta. Kukulitin ko siya ng kukulitin hanggang sa pumayag siya.

"Leeron. Please. Nakiki-usap ako." pagmamakaawa ko pero hindi niya ako pinansin. Wala talaga siyang puso. Hindi man lang naawa sa akin. Ano na lang sasabihin sakin ng classmate ko? or lahat ng studyante sa shaolin high. Nagulat ako ng hinubad ni Leeron ang damit niya at halos matulala ako ng makita ang six pack abs niya shit. Pakiramdam ko natuyot ang lalamunan ko. Muli akong tumingin sa mukha niya at nataranta ako ng makitang nakatingin ito sakin. Tinakpan ko agad ang Mata ko baka kung ano pang isipin niya.

"Umalis kana."

Kahit kailan talaga. Gwapo lang siya pero sobrang sama ng ugali. Pinanood ko siyang lumublob sa tubig.

"Alis na sabi. Paupau wala akong magagawa don. Kaya umalis kana." iritadong sabi niya. Ang sarap niyang batuhin ng bato. Nag-iinit ang ulo ko ngayon.

"Alis na."

"Leeron naman." maktol ko.

"Pasensya kana Paupau, wala akong magagawa." sabi nito pero hindi ako naniniwala. Tamad lang siguro to. Pumunta ako sa may batuhan malapit sa kaniya. Ayoko ngang mabasa.

"Hindi ako naniniwala."

"Edi wag."

"Leeron please....May magagawa ka---" sabi ko pero hindi ko nakita na umapak ako sa madulas na bato.

"Wah!!!!" sigaw ko pero huli na naramdaman ko na ang sarili ko sa tubig. Nagmamadali akong umahon at niyakap ang sarili ko dahil sa sobrang lamig. Pero itong Leeron nato wagas makatawa para walang bukas. Hindi ko maiwasan pagmasdan siya tumawa para bang pati ang pagtawa niya gwapo... Ngayon ko lang siyang makita tumawa at ngumiti ng ganto. Ang gwapo niya talaga..No erase. Erase. Back to sungit mode. Nagmamadali akong umahon at naglakad paalis. Nakakhiya bat sa dami-dami ng tao sa kaniya ako lagi napapahiya at harap-harapan pa.

Laking gulat ko ng humablot sa braso ko at nakita ko si Leeron na nakadamit na ngayon. Kapwa basa kaming dalawa. Naglakad kami papuntang bahay niya. Pinaghintay niya ako sa pintuan. Tsk. Kala mo naman may nanakawin ako sa loob ng bahay niya. Muli niya akong binalikan at may dala na siyang towel.

"Oh. Hiramin mo muna." sabi niya at inabot sakin yung towel na blue. Agad ko siyang tinggihan mahirap na baka matulad pa yan sa polo niya lalong lumaki ang babayaran ko.

"Wag na. Mamaya mapunit, masunog o mabasa ko pa yan." tanggi ko pero sapilitan niyang nilagay yun sa balikat ko. Ano bang problema niya?!

"Paalala ko lang hanggang ngayong Gabi na lang ang alok ko."

Isa pa yan. Hays ayoko ng isipin pa yun pero siya lagi nagpa-paalala sakin.

"Umalis kana." sabi niya at sinaraduhan ako ng pinto. Tamo. Bastos to. Saraduhan ba naman ako.

Naglakad ako pabalik sa dorm at gaya ng inaasahan ko ang daming tanong ni aira.

"Bat basang-basa ka?"

"Wag mo ng itanong."

"Ano bang nangyari sayo?"

Hindi ko na pinansin ang mga tanong at diretso ako sa banyo para maligo.

-----------------------------------------------------------

To be Continued ❤

Master, Wo Ai Ni. ❤ (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon