27

44 5 0
                                    


"Why are so quite?" tanong ni Leeron pero wala akong mukhang maiharap sa kaniya. Nandito ako sa sala.

Kanina yung sa sinabi niya, may parteng Hindi ako sang-ayon sa gusto niya. Mahal ko ang Art clubs, hindi dahil kay sir frank, pangarap kong makapasok don tapos ngayon nandon na ako aalis pa ako. Pero may tiwala naman ako kay Leeron, siya yung Master ko alam kong hindi ako ipapahamak ni Leeron.

Pero Hindi ko parin maiwasan manghinayang sa Art clubs na iiwan ko.

"Tell me." seryoso na sabi ni Leeron. Pumunta ako sa tabi niya.

"K...Kasi"

"Don't worry Paupau, tell me what's on your mind."

"H..Hindi ko kayang iwan ang art clubs." nauutal na sabi ko. Tama lang Paupau ang ginawa mo kailangan mong maging honest kay Leeron.

"Why?"

"Kasi pangarap ko yun, masaya ako don."

"Are you sure? o baka naman kasi nandon yung freshman." mahinang sabi nito pero dahil magkatabi kami rinig na rinig ko. Agad akong tumanggi, Bakit naman nasali si Kris sa usapan.

"Hindi no. I told you masaya ako don." paliwanag ko sa kaniya at umiwas ito ng tingin sakin. Ano bang problema? nagseselos ba siya kay Kris? kaibigan ko lang naman yun eh. Nagulat ako ng tumayo ito para umalis kaya naman agad ko siyang pinigilan. Niyakap ko siya sa likod.

"Leeron, promise hindi dahil kay Kris kaya gusto kong manatili sa art clubs. Masaya lang talaga ako lalo na ginagawa ko ang gusto ko." paliwanag ko sana naman pakinggan niya ako. Humarap sakin si Leeron.

"If that's what you want." sabi niya at tumango ako para malaman niya kung gaaano kahalaga sakin ang art clubs. Naalala ko bigla si Aira na Bi-course ang kinuha.

"Pwedeng gayahin ko na si Aira nagbi-course siya---"

"Paupau I can't let you do the bi-course masyadong complicated yun."

"Kakayanin ko Leeron." pursigido na sabi ko at napabuntong hininga to.

"Okay fine." pikit na sabi nito at muli ko siyang niyakap ng mahigpit at niyakap din ako nito pabalik. Sobrang saya ko.

"Thank you Leeron."

"No. I'm the one who should say thank you Paupau, for being honest." sabi nito at napangiti ako. Humiwalay ito ng yakap sakin.

"Let's promise to each other. We'll be honest to each other." seryosong sabi nito sakin at agad akong tumango.

"Promise. No secrets." masayang sabi ko.

•••

"Anong binabasa mo?" tanong ko kay Leeron pero hindi ako nito pinansin na kinatampo ko. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nito. Sobrang lamig sa bahay niya buti na nga lang naka-jacket ako. Suot ko ang jacket ni Leeron. Walang pasok ngayon kaya tambay muna ako sa bahay ni Leeron kakatapos ko lang ding tumakbo kanina at mag curls-up, nilinis ko na din bahay niya. Kaya ito ako walang magawa kaya guguluhin ko na lang si Leeron.

"Hoy Leeron! ano yang binabasa mo? pabasa naman ako." pangungulit ko sa kaniya at halos maistatwa ako ng lingunin ako nito. Iritado ang mukha nito ng tignan ako.

"Naaral mo na ba ang pinapa-aral ko sayo?" tanong niya. Pinapa-aral? bigla kong naalala ang basic Chinese language na binigay niya, yung libro.

"Tinatamad ako." sabi ko at naalala ko yung notebook niya sa arts. Halos lahat nandon sa notebook niya lumabas sa exam ni Sir Frank.

"Leeron." tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Yung notebook mo sa art, kodigo ba yun?" tanong ko at nakasimangot ako nitong nilingon. Tsk nagtatanong lang.

"Its my outline."

"Lahat kasi ng nasa exam nakasulat sa notebook mo kaya siguro ako ang naging highest. Paano mo nalaman yun?"

"Naalala mo ba naki-sit in ako sa klase mo?" tanong niya at tumango ako. Naalala ko pa yun nandon siya para balaan ako sa pitong lalaki na naghahanap sakin.

"Napansin ko na iba ang pagtuturo ng guro niyo, marami siyang sinulat non sa white board pero nagtaka ako kasi ang mahahalagang detalye hindi niya nilagay, Sinabi niya lang ang mahahalagang detalye sa paraang Hindi niyo mahahalata. Ganun ang klase ng pagtuturo niya tinitignan niya kung nakikinig ba talaga kayo sa kaniya. Kaya kahit magsulat ka ng magsulat wala ka paring mapapala. Dahil pandinig ang kailangan mo." mahabang paliwanag ni Leeron. Nanlaki ang Mata ko sa gulat. Wow ganun pala magturo si Sir Frank. Kaya ako bumagsak nong first semester eh, ang dami-dami kong sinulat at outlines pero walang lumabas ni-isa don. Ngayon alam ko na.

"Ganun pala, ang galing mo naman at napansin mo yun." papuri ko kay Leeron. Tsk siya na talaga ang perfect at kita kong napangiti ito. Napatingin ako sa painting na nasa harap namin, isang magandang tanawin. Sino naman ng painting nito? napatingin ako kay Leeron na nagbabasa parin ngayon.

"Leeron."

"Hmm?"

"Sino nagpainting non?" tanong ko at tinuro ang painting na nakita ko.

"Ako." sabi niya na kinagulat ko.

"I...Ikaw paano?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Walang pinagkaiba ang pag-guhit sa martial arts." paliwanag niya. Walang pinag-kaiba? magkaiba kaya sila!

"Paano mo naman na sabi yun? imposible mag-kaiba silang dalawa."

"Sa pag-guhit kailangan mo ng focus, Balanse, at control para makagawa ng magandang artwork ganun din sa martial arts kailangan alam mo ang focus mo at balanse para hindi ka agad matumba at control kung sa pag-guhit nagkamili ka ng stroke ng brush uulit ka, sa martial arts pagnagkamali ka ng control mo, maaring mapuruhan ka. Sa pag-guguhit iisipin mong mabuti ang iguguhit mo, gaya sa martial art hindi ka basta-basta susugod lang, pag-iisipan mo ang galaw na gagawin mo bago ka sumugod." mahabang paliwanag niya.

"W...Wala akong masabi." Nanga-ngang sabi ko. Ang daming alam ni Leeron.

"Tsaka pagwala ka sa focus pag-guhit papangit ang kakalabasan ng artwork mo ganun din sa martial arts."

"Wow ang galing. Marunong ka palang mag-drawing?! may bagay ka bang hindi kayang gawin? bakit ang perfect mong tao."

"Tsk. Walang perpektong tao."

"Ikaw! ikaw ang perfect na tao na nakilala ko!" sabi ko sa kaniya at napatawa ito.

"Hindi ko nga alam, bat ang isang katulad mo at nagkagusto sa tulad ko." pahina-hinang sabi ko. Hindi parin ako makapaniwala na ang isang Leeron Wu ay mahuhulog sa kagaya ko. Napaka-simple Kong tao di-hamak na mas maraming deserving para sa kaniya.

"Paupau. I like you because I like you." sabi nito sakin na kinasaya ng puso ko. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Kinikilig ako sa mga sinasabi niya.

"I like you too." mabilis na sabi ko. Napangiti kami sa isat-isa. Nong oras na yun, Hindi ko alam na pwede pala akong sumaya ng ganon.

-----------------------------------------------------------

To be Continued ❤

Master, Wo Ai Ni. ❤ (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon