15

55 4 0
                                    


Yes! it's Saturday walang pasok! pero nanlumo ako ng maalala na buong araw ay puro pag-eensayo ang gagawin ko. Kahapon halos manakit ang katawan ko sa pinapagawa sakin ng leeron na yun. Maagang nagising si Aira kaya naman sa kaniya ako nagpasama bumili ng pinabibili ni Leeron dapat kahapon ito pero dahil late ako nagising direstso ako sa courts ng martial art clubs. Atleast magkakaroon kami ng bonding ni Aira sayang nga hindi ko nayaya si Kris.

Nang mabili namin ang dapat bilhin bumuli din kami ng para sa amin. Naisipan kong I treat ang sarili ko ng milk tea. Masaya kaming bumalik sa Girls dormitory. Basta talaga kami ni Aira nagsama, walang araw na hindi masaya.

"Pupunta ka na kay Leeron?" tanong niya sakin. Nga pala ang dinahilan ko ay ng dahil sa utang kaya ko to ginagawa. Personal Yaya kung baga. Ewan nga sa dami-dami ng palusot yan ang naisip ko.

"Sama ka?"

"Pwede b..ba?"

"Oo naman."

Sinama ko si Aira para din maliwanagan na siya kung ano talaga meron samin ni Leeron. Siyempre sa boys dormitory kami dumaan hindi pwede don sa dinadaanan ko. Record ko kaya yun ako lang nakakaalam sa daan na yun. Maliban lang kay Leeron dahil tinuro ko sa kaniya yun daan.

Malapit na kami sa bahay ni Leeron ng may isang lalaki na humarang samin. Namukhaan ko agad siya. Siya yung leader nong pitong lalaki. Naalarma agad ako. May hawak itong Electrical cigarette, naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni aira.

"Apple. Kay leeron kayo papunta?" banggit nito at napatingin ako sa binili kong apple.

"Hindi."

"Oo."

Salungat na sabi namin ni Aira. Nako nalintikan na. Bakit si Leeron lang ba mahilig sa mansanas? mahilig din naman ako sa apple ah. Natawa ito samin ni aira. Tsk.

"Samahan ko na kayo." sabi niya at wala kaming nagawa kundi sumunod sa kaniya. Alam ko kaya bahay ni Leeron.

Nang makapunta kami, huminyo ito sa may labas, hinila ko si aira para malayo sa lalaking yun. Bago ako kumatok nilingon ko muna yung lalaki at halos kilabutan ako ng ngisian ako nito at naglakad din ito paalis.

Kumatok ako sa pintuan. Bumukas agad yun pero hindi si Leeron ang nakita ko kundi si Daniel.

"Oh Paupau." gulat na sabi nito at napatingin sa likod ko. Napatingin tuloy ako kay aira na halos mamilog ang Mata ng makita si Daniel.

"Ahm siya si Aira. Kaibigan ko." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"N..Nice m..meeting y..ou." utal-utal na sabi ni Aira kaya halos matawa ako. Siguro bet niya si Daniel.

"Nice meeting you too. Tuloy kayo." pinapasok kami ni Daniel sa bahay ni Leeron. Kinuha ni Daniel ang pinamili namin at kami naman duretso sa sala. Agad din naka-upo si Daniel said tabi ni Leeron.

"Si Aira kaibigan ko."

"Hi!" masayang bati ni Aira pero hindi siya pinansin ni Leeron. Suplado talaga.

Nanatili kaming tahimik sa harap ng lamesa.

"Nabili ko na yung, pinapabili mo." pagbasag ko sa katahimikan.

"Good. My personal yaya." ngising-ngisi nitong sabi sakin.

"Personal yaya?!" takang tanong ni Daniel.

"Ikaw!" dinuro ko siya. Nanggigil ako sa kaniya. Oo kasalanan ko tinext ko siya about sa palusot ko para kung sakaling pumunta ako kay leeron yung ang iisipin niya. Ngayon nagsisi na ako mukhang trip ako ni Leeron na asarin ngayon.

Binaba ko din ang kamay ko ng mapagtanto na hindi lang pala kami ni Leeron ang mag-kausap ngayon. Gulat na nakatingin sakin si Daniel at Aira. Nako lagot ako nito.

"I mean ikaw..siyempre susundin ko ang kahit anong utos mo." kalmadong sabi ko at nainis ako ng tumawa si Leeron. Alam ko mukha akong tanga sa ginagawa ko.

"Tingin ko mauna na kami ni Aira sa inyo mukhang may pag-uusapan pa kayo." naiilang na sabi ni Daniel at niyaya si Aira umalis. Pipigilan ko sana sila kaso nagsalita si Daniel.

"Don't worry Paupau, ihahatid ko si Aira sa dorm niyo." sabi ni Daniel at nakampante naman ako. Tuluyan na silang umalis naiwan kami ni Leeron sa sala.

"May ipapagawa ka ba sakin?" tanong ko.

"Wala."

"So pwede na akong umalis?"

"Hindi."

Tamo. Ang gulo ng lalaki na to. Sabi walang ipapagawa tapos bawal naman umalis.

"Magpahinga ka na muna." sabi nito at naglakad paalis sa harap ko.

Magpahinga? pero bawal umalis. Tsk. Nahawak ako sa couch sa sobrang lambot nito ang sarap matulog.

••

Dahan-dahan kong minulat ang Mata ko at gulat na gulat ako ng makitang nasa ibabaw ko si Leeron at kita ko rin ang pagkagulat sa Mata niya. Hindi ako makasigaw o maka hiyaw dahil sa sobrang gulat. Shit! anong binabalak niya sakin. May naramdaman akong tela sa katawan ko kaya tinignan ko yun at napagtantong isa yung kumot.

Nagmamadali siyang umalis sa harap ko at tumalikod sakin. Teka binalak niya bang kumutan ako? dahil nakatulog ako? kahit papaano pala may puso parin pala ang lalaki nato.

"Gabi na. Pwede ka ng u..umalis." sabi nito sakin at nabigla ako sinabi niya na Gabi na.

Gabi na?!

"Umalis kana, habang wala pang curfew."

Napatingin ako sa orasan niya at nakitang isang oras na lang curfew na. So sobrang haba ng tulog ko?!
Nagmamadali akong tumayo at pinunasan ang mukha ko mamaya tulo laway ako o may muta. Shit nakakahiya. Ihahatid na dapat ako ni Leeron sa pinto pero parehas kaming nagulat ng biglang bumukas ang bintana niya at may isang tao na balot na balot sa itim ang pumasok. Agad akong prinotektahan ni Leeron.

Sumugod yung taong naka-itim samin kaya naman nagmama-dali akong nagtago dahil sa takot. Si Leeron ang nakipaglaban sa kaniya. Masyadong mabilis ang galaw nong taong nakaitim pero lahat ng sugod niya naiwasan ni Leeron, nang makakuha ng tiyempo sinipa ni leeron ito sa sikmura pero napigilan ito ng taong nakaitim gamit ng kamay niya. Si Leeron naman ang sumugod, nasuntok niya ito sa sikmura. Pero nasipa naman siya sa tagiliran na kinaatras niya.

Leeron.

Siniko ni Leeron ang mukha nong taong nakaitim dahilan para mapaatras yun pero laking gulat ko ng makitang mamilipit sa sakit si leeron ng sipain siya sa binti niya at balak pa tong sipain ang dibdib niya.

Nagmamadali akong tumakbo para pigilan yung taong nakaitim pero na huli ako nasipa niya sa dibdib si Leeron dahilan para tumalsik ito. Nilapitan ko yung taong nakaitim at hinanda ang sarili ko sa pakikipaglaban pero bigla na lang ito nagmamadaling umalis.

Pinuntahan ko agad si Leeron. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiiyak na ako.

"Sorry Leeron. Hindi man lang kita napagtanggol." naiiyak na sabi ko. Hindi ko kayang makitang namimilipit ito sa sakit at lalong lumakas ang pag-iyak ko ng mawalan ito ng malay. Yung oras na yun malakas na bumukas ang pinto ng bahay ni leeron at niluwa non si Daniel at may kasama din itong isang babae. Nagmamadali silang puntahan si Leeron at tinignan ang pulso.

"Kailangan natin siyang dalhin kay Dr. Edward." tarantang sabi ni Daniel sa babaeng kasama niya. Aalalayan na nila to pero gumising si Leeron na kinatuwa ng puso ko.

"Hindi...kaya ko. Dalhin niyo lang ako sa kwarto ko." paki-usap ni Leeron. Walang nagawa si Daniel kundi ilagay sa kwarto si Leeron.

Naghintay lang ako sa may couch hinayaan ko silang asikasuhin si leeron. Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagtatanggol sakin ni Leeron nasaktan tuloy siya.

-----------------------------------------------------------

To be Continued ❤

Master, Wo Ai Ni. ❤ (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon