10

57 6 0
                                    


Isa lang masasabi napaka-awkward. Sabay lang naman naming naglalakad ni Leeron ngayon at halos lahat ng Mata na sa aming dalawa. Sobrang lakas ng kabog ng puso dahil sa KABA.

Napatigil ako sa paglakad ng makita yung pitong lalaki na nakarambulan ko. Tinignan ko si Leeron pero wala man lang akong nakitang bakas ng takot o kaba. Samantalang ako naginginig na sa takot. Paano kung ipagkalat ng pito na yun ang nangyari nong Gabi? at paano kung ipagkalat nila na marunong ako ng martial arts?

"Dumikit ka sakin." bulong ni Leeron at naiilang akong dumikit sa kaniya. Pinakalma ko ang sarili ko.

"Na-gets mo yung plano diba?" tanong nito sakin at tumango ako. Ang Plano niya italisod ako sa harap ng pito na yun para ipalam na mahina ako, pag-nalaman nilang mahina ako hindi na nila paghihinalaan.

"Show me your acting skills." nakangising sabi nito sakin. Kung walang tao sa paligid. Nasapak ko na tong Leeron nato. Pabor na pabor sa kaniya yung Plano. Nakita ko papunta na samin yung pitong lalaki. Napalunok ako bigla.

"Handa kana." sabi niya at hinanda ko ang sarili ko.

"Isa."

"Dalawa."

"Teka lang!" nagmamadaling sabi ko pero malakas niya akong sinipa sa likod. Sabi ng teka lang! sa ngayon hindi ako nag-aacting lang dahil halos lumipad ako sa ere dahil sa lakas ng pagkakasipa sakin at parang nong nakaraang araw lang napasubsob ako sa sahig at mukhang mangyayari ulit yun. Pero nagslowmo ang paligid ko ng makitang sasaluhin ako ni Leeron ang nangyari tuloy parehas kaming bumagsak sa sahig.

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng makitang magkaharap kami ang seryoso ng tingin niya sakin. Napagtanto ko na yung braso niya ang hinihigaan ko ngayon kaya hindi bumagok ang ulo ko.

"Tsk."

"Hindi naman yung babae. Mahina siya."

"May nakita ako don, sure akong siya yun."

Rinig na rinig kong boses nong mga lalaking naghahanap sakin at nakahinga ako ng maluwag ng umalis na sila. Nagmamadali akong umalis sa pagkakahiga sa sahig. Ganon din si Leeron na nagpa-pagpag ng gabok sa damit niya. Hindi ko alam nakaramdam ako ng ilang sa kaniya.

Nanlalaki ang Mata ko ng makita si Cassy na takot na takot? at kasama niya din si senior marga. Teka nakita ba nila yung nangyari?

"Sorry Paupau. Hindi ko sinasadya na sipain ka." sabi ni senior Cassy at nagmamadaling umalis. So siya ang sumipa sakin? hindi si Leeron? Hindi ko mabasa ang reaction ni Senior Marga pero gaya nong Cassy nagmamadali itong umalis sa harap namin ni Leeron.

Naiilang akong tinignan si Leeron.

"Hindi ikaw ang sumipa sakin?" paniniguro ko. Bakit naman ako sisipain ni Senior Cassy? wala naman akong atraso sa kaniya.

"Yun ba ang planong sinabi ko sayo?" inis nitong sabi napanguso na lang tuloy ako. Gaya kanina tahimik na kaming naglalakad ni Leeron sa daan. Nahihiya akong magpasalamat sa ginawa niya sakin.

Tumigil ako sa paglakad at ganun din siya. Kinuha ko ang panyo niya sa bag ko.

"Ahm ito na ang panyo mo. Nong gabing yun yan talaga ang pakay ko, ibalik sayo tong panyo mo." nahihiyang sabi ko at inilahad ang panyo niya pero hindi niya yun kinuha na kinataka ko.

"Nangangalay na ako." reklamo ko. Choosy pa kasi. Ayaw pang kunin yung panyo. Nagulat ako ng lumapit sakin kaya naman napaatras ako. Hanggang sa ma-corner niya ako. Napalunok ako ng tatlong beses.

"Itago mo muna yan." pabulong nitong sabi sakin. Itago? bakit naman?

"Nakapagdesisyon kana ba?" tanong niya sakin at napatungo ako. Sa totoo lang hindi ko iniisip yung alok niya.

"Hindi pa." seryoso na sabi ko at lumayo siya sakin.

"Pagbibigyan kita. Hanggang bukas ng gabi na lang ang alok ko."

"Bakit naman? hindi basta-basta yun leeron! buhay ko yung pinag-uusapan natin." galit na sigaw ko sa kaniya.

"I said hanggang bukas ng Gabi na lang, so hanggang bukas ng Gabi na lang." sabi niya at aalis na dapat siya pero pinigilan ko siya. Hindi pa ako nakakapag-thank you sa kaniya.

"Yung kanina..Salamat." sabi ko at tinanguan niya ako. Pinigilan ko ito ng akmang aalis na naman. May tanong ako sa kaniya. Dapat nong gabi pa ito. Bakit siya sasaktan ng lalaking yun? yung pitong lalaki? may atraso kaya siya don?

"Ano?" inip nitong tanong.

"Bakit ka inabangan nong pitong lalaki na yun? may atraso ka ba sa kanila? bakit gusto ka nilang saktan?" deretsong pagtatanong ko. Nagulat ulit ako ng lapitan ako nito at ako naman naistatwa sa kinatatayuan ko.
Nilapit niya ang mukha niya sakin. Wah! anong gagawin niya dahil sobrang lapit ng mukha namin pinikit ko ang Mata ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga nito.

"It's none of your business." bulong nito sa tenga ko. Dahan-dahan kong binuksan ang Mata ko at nakita ko siya na paalis na.

Napahawak ako sa puso ko. Sobrang lakas ng kabog non. Siraulong Leeron yun ha.

"Hoy Leeron!" sigaw ko pero patuloy padin siya maglakad palayo. May araw ka din sakin.

-----------------------------------------------------------

To be Continued ❤

Master, Wo Ai Ni. ❤ (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon