21

55 6 0
                                    


"San ka nagpunta?" bungad na tanong sakin ni Leeron. Kakapasok ko palang sa bahay niya parang papaalisin niya na ako.

"Sa labas." simpleng sagot ko at umupo sa bandang tabi niya. Sinure ko na malayo ang agwat naming dalawa. Napakaseryoso ng itsura nito ngayon. Idadamay niya pa ako sa pagiging bad mood niya.

"Nagcutting class kana pero late ka paring nakarating dito." bakas ang galit sa boses nito. Paano niya nalaman na nagcutting ako? Pakealam niya ba?!

"Master personal po yun, mabuti pang magsimula na tayong magsanay." sabi ko.

"Sige kung yan ang gusto mo. Gawin mo ang 30 push-ups, 30 curl-ups, 30 laps, at 30 second planking." diretso nitong sabi kaya naman hindi ko maiwasan Hindi magalit. Ano bang tingin niya sakin robot?!

"Ano bang problema mo master?!" Hindi ko na napigilang Hindi magalit sa kaniya. Alam kong sinasadya niyang galitin ako. Ang hindi ko lang alam bakit?! bakit kailangan niya akong galitin?

"It's mix Training and punishment."

"Ano?!"

"Dahil Hindi makatwiran ang pag-cutting class mo para lang mamasyal sa garden kasama ang freshman." galit na sabi nito na kinagulat ko.

Alam niyang pumunta ako ng Garden. Alam niyang kasama ko si Kris.

"Eh ano naman sayo yun master? kaibigan ko si Kris, wala akong nakikitang Mali don." katwiran ko. Aba siya tong sumosobra na. Pati tao sa paligid ko gusto niyang kontrolin.

"Sayo wala. Sakin meron."

Naguguluhan na talaga ako kaniya. Nakaka-init ng ulo. Tumayo ako at dinuro ko siya.

"Hoy Leeron! Oo studyante mo ako pero hindi ibig sabihin non, susundin ko lahat ng gusto mo. Never kong pinakielaman ang buhay mo kaya please lang wag mo ring pakielaman ang buhay ko!" sigaw ko sa kaniya. Wala na binalot na ako ng galit.

"Dini-disiplina lang kita." inis na sabi nito sakin.

"Disiplina? talaga ba? pakiramdam ko kasi nasasakal ako. Yung disiplina mo nakakasakal tsaka----"

"Paupau!" malakas na sigaw niya umalingawngaw sa buong bahay niya. Kusang namasa ang Mata ko. First time niya akong sigawan ng ganon. Galit talaga siya sakin.

"Pau...I'm so---"

"I hate you!"

Nagmamadali akong lumabas ng bahay niya.

Habang pauwi pinupunasan ko ang Mata ko na walang tigil kakaluha. Bwisit siya! bwisit ka Leeron! I hate him so much! Umuwi ako ng dorm at nagpapasalamat ako wala si Aira. Kung nagkataon hindi ako handa sagutin ang mga tanong niya. Pumunta agad ako sa higaan ko at niyakap ang unan ko at hinayaan ang luha ko na dumaloy lang.

Daniel's POV

"Maghihiwalay din kayo." bitter na sabi ko Kali Cameron at Alexander. Pero syempre biro lang iyon.

Tsk. 2 years na sila at pinagmamalaki nila yun well matagal na silang kasal. Typical na hiwalayan at balikan ang nangyari sa kanila. Para sa akin wala naman yan sa taon. Nandito pala kami sa lagi naming pinagtatambayan sa bahay ni Cameron. Bakit? simple lang kasi dito sa bahay niya at walang masyadong gamit, higit sa lahat siya lang naman may malayo-layong bahay sa Shaolin high saming magka-kaibigan.

"Nako inggit ka lang samin." pang-aasar sakin ni Alexander at dinilaan pa ako ni Cameron na sa ngayon nakayapos kay Alexander. As if naman maaasar ako.

"Tsk ako maiinggit? may nililigawan na ako ulol!" sigaw ko sa kay Alexander. Syempre biro lang ulit iyon, ayoko lang talaga laging inaasar ni Alexander.

Master, Wo Ai Ni. ❤ (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon