36

57 4 0
                                    


"Leeron." sambit ko sa kaniya at nilingon ako nito.

Binuhat niya ako paalis sa fighting ground. Naiiyak ako sa saya sa wakas bumalik na siya.

Inupo niya ako sa upuan.

"Kung lalaban ka pa kanina pwedeng maging katapusan muna." inis na sabi nito sakin.

"A...Alam ko." nahihiyang sabi ko. Gusto ko lang naman, gawin ang lahat ng kaya ko.

"Shh, Ako na ang tatapos ng Laban." sabi niya at tumayo.

A...Anong Ibig niyang sabihin?

Pumunta muli ito sa fighting ground kung san nandon parin si George Feng.

"Dahil sa ginawa ni Wilbert Song, may karapatan ang shaolin high, na magpalit ng miyembro at ang kapalit ni Daniel Lim ay walang iba kundi si Leeron Wu ang dati ng World Champion ng Martial Arts.

W...World Champion?

Nagsimula ang Laban. Hindi ko maiwasan tignan ang si Leeron. Napakaseryoso ng mukha nito. Aminado ako kinakabahan ako para sa kaniya. Kita ko na tila nag-uusap sila ngayon. Ano kayang pinag-uusapan nila?

Unang sumugod si George Feng sobrang galit na galit ito. Binalak niyang sipain ang binti ni Leeron ka kinatayo ko sa pagkakaupo.

L...Leeron.

Buti na lang naiiwas ni Leeron ang binti niya at nasapak niya si Feng at malakas niya itong tinulak na kinatumba nito pero..Mabilis itong tumayo bagama't hilong-hilo, duguan na ang bibig nito dahil ito dahil sa suntok ni Leeron at sugod ko sa kaniya kanina.

"Kapag lumaban pa siya, mapupuruhan na siya. Kung ako sa kaniya sumuko na lang siya." sabi ni Daniel at alam kong tinutukoy ni Daniel ay si George Feng.

Muling sumugod si George Feng at walang kahirap-hirap na inilagan ito ni Leeron at malakas siyang sinipa sa dibdib na kinatalsik nito at dahilan para matumba.

"Shaoilin high Martial Art Clubs Win!" sigaw ng MC at nagwala ang manonood lalo na ang mga taga shaolin high.

Nanalo kami....

Pero nagulat ang lahat ng may mga pulis na um-eksena at pinusasan si George Feng. Nagmamadali akong pumunta sa kinaroroonan ni Leeron.

"George feng, you have the right to remain silent, Anything you can say will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney, if you cannot afford an attorney, One will be provided for you." sabi ng police officer at dinakip na si George feng, galit itong tumingin sakin.

Sa wakas naipaghiganti ko na ang magulang ko.

Nabigla ako may yumakap sakin at yun sila Cameron. Kumpleto ngayon kami sa fighting grounds.

"Let's all welcome the Champion of Martial Arts, Shaolin High!" sigaw ng MC at naghiyawan din ang tao. Naiiyak ako sa saya. Hindi ko alam ang gagawin ko ng binigay sakin ang mike.

"Speech daw." bulong sakin ni Matthew. Hala wala hindi ko alam na may pa speech, sana naghanda ako. Naginginig ang kamay ko habanh kinukuha ang mike.

"Ahm..Una s..sa lahat, wala akong alam na may speech." sabi ko at nagtawanan ang crowd.

"At pangalawa gusto ko magpasalamat sa taong nasa paligid ko, Magpasalamat sa magulang ko dahil kahit alam kong kahit wala na sila, proud sila sakin at pati narin sa ka-team mate at kaibigan ko na sina Cameron, Alexander, Daniel, Aira, at Matthew. Maraming salamat sa inyo. Ang huli gusto kong magpasalamat sa lalaking unang nagtiwala sakin...at nagparamdam na Hindi ako nag-iisa. yun lang at maraming salamat."

Leeron salamat...Teka speaking of Leeron asan siya? tumingin ako sa paligid ko at nakita ko tong naglalakad paalis.

"Sundan mo na siya!" sabi nila Daniel at ako naman nagmamadaling tumakbo para maabutan si Leeron.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bumalik na siya. Binalikan niya ako.
Nang maabutan ko siya niyakap ko siya ng sobrang higpit sa likod.

Sobrang namiss ko siya. Ramdam ko na nagulat ito. Umalis ako sa pagkakayakap at dahan-dahan akong nilingon nito.

"Leeron na miss kita ng sobra." maiiyak na sabi ko at Hindi ko mapigilan na mapangiti abot tenga. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko na siya.

Pero..

Nagtataka ako ng Hindi ako matignan mata nito at tila wala akong makitaang emosyon sa mukha niya.

"Tapos na." sabi nito na pinagtaka ko.

"H...Ha?"

"Tapos na." pag-uulit niya. Halo-halo tuloy ang emosyon ko ngayon. Ano bang ibig niyang sabihin.

"Leeron, anong ibig mong sabihin? anong tapos na?" Hindi ko alam kung pagtatanong ba yung ginawa ko o pakiki-usap. Wala pa man nangingilid na ang luha ko.

"Tapos na...Ayoko na." seryosong sabi nito. Agad akong napailing sa sinabi niya.

"Hindi...Bumalik ka, Bumalik ka dahil sakin diba?" hinanakit na tanong ko. Wala na akong pake kung magmukhang desperada ako sa harap niya. Ang sakin lang gusto kong malaman ang nararamdaman niya, kung meron pa siyang nararamdaman para sakin.

"Let's break up."

Tatlong salita na tuluyang nagpabagsak ng luha ko.

"B...Bakit?"

"Narealize ko lang, hindi naman talaga kita mahal." deretso na sabi nito na halos ikapira-piraso ng puso ko. Sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Nagsisinungaling ka, alam ko at ramdam ko na mahal mo ako."

"Paupau, nangako tayo sa isat-isa. We won't lie to each other."

Wala man lang ako makitang bakas sa mukha niya na guilty or ano pa mang emosyon.

"Leeron wag mo naman gawin sakin to." maktol ko sa kaniya. Hirap na hirap ako, sobrang sakit na din ng nararamdaman ko.

"Ginamit lang kita at nagpagamit ka. Ginawa ko lang ang lahat para mapasunod kita sa gusto ko at para matapos agad ang pagtuturo ko sayo." nakangising sabi na nito sakin at agad kong naiyukom ang kamao ko sa galit. G...Ginamit? So lahat ng yun palabas lang? agad ako napamaang sa pinagsasabi niya. Ang sama niya.

"Sa tingin mo ba ang katulad ko? magkakagusto sa kagaya mo? your not even my type. Isa ka lang assumera at ilusyanada na para isipin mo na magkakagusto ako sayo----"

Hindi ko napinatapos ang sinabi niya dahil sinampal ko siya. Gago ka Leeron. Ang lakas niyang sabihin na ginamit niya lang ako at ako? assumera at ilusyanada? eh siya nga tong unang nagtapat sakin. Well ngayon alam ko na kung sino at ano ba talaga ang tunay na Leeron. Pinunasan ko ang luha ko at taas noong tinignan siya.

"P..Pasensya ka na ha dahil nag-assume ako! hindi ko nakita na ilusyon ko lang pala ang lahat." galit na sabi ko sa kaniya at tila wala siyang pakielam.

Bwisit ka Leeron!

"Pero ito ang tatandaan mo Leeron Wu, Sa ngayon mahal kita pero itaga mo sa bato kakalimutan ko ang nararamdaman ko dahil ikaw lang naman ang walang kwentang at duwag na lalaki na nakilala ko sa buhay ko!"

Matapos kong sabihin lahat sa kaniya yun, nagmamadali akong tinalikuran siya at muli na naman bumagsak ang luha ko. Naiinis ako. Nagagalit ako. Gusto ko siyang saktan o balian ng buto pero tanga ako eh. Mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kaniya.

'Paupau. Ang tanga-tanga mo.' Pilit ko man na punasan ang luha ko patuloy parin to sa pag-agos. Bwisit.

Bakit ba pagtuwing nanalo ako sa Laban, nangyayari sakin to?! bakit ko kailangan makaranas ng ganto?! ang sakit para bang gusto ko na lang mawala sa sakit.

-----------------------------------------------------------

To be Continued ❤

Master, Wo Ai Ni. ❤ (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon