"Paupau." tawag sakin ni Aira pero mas pinili ko paring matulog."Paupau!" Sigaw niya sakin. Ano bang problema niya?
"Problema mo?" naiiritang tanong ko at naramdaman kong bumaba siya sa double-deck kaya naman bumangon akong pikit ang Mata.
Antok pa ako. Ang aga-aga pa.
"Paupau, Kanina pa tumutunog yang cellphone mo! hindi pa masyadong naputok ang araw natunog na yan! pwede ba sagutin mo na yang phone mo!"
Agad kong minulat ang Mata ko at kinuha ang phone ko. Kinabahan ako ng makita ang missed calls. 24 missed call lang naman natanggap ko at galing yung kay Leeron. Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang Mata ko ng makitang 7:30 am na. Ang usapan namin 6 am nako lagot na. Muli tumawag si Leeron at sinagot ko yun agad.
"Your 1 hour and 30 minutes late." bungad nito sakin. Nagmamadali akong kinuha ang jacket ko at nagtatakbo sa labas.
"Papunta na."
"Pumunta ka dito sa martial art clubs."
"Ano?!" gulat na tanong ko at binabaan ako ng tawag. Wah! pisti! aga-aga ginagalit ako ng leeron na yun!
I hate him.
Gaya ng sabi niya sakin, nagtatakbo ako papuntang martial art club. Sobrang layo non sa girls dormitory. Hingal na hingal na ako kaya tumigil muna ako sa pagtakbo at ng mabawi ko ng ang lakas ko muli akong tumakbo pero Hindi ko inaasahan na may mababangga ako na studyante. Parehas kaming natumba sa sahig.
Aray ang sakit non! naiinis akong tumingin sa nabangga ko.
"Sorry." paghingi nito ng tawad. Kasalanan ko rin naman bat kami nagkabanggaan kaya nag sorry din ako sa kaniya.
"Sorry din."
"I'm kristan Jaso but you can call me Kris. I'm new in art clubs." pagpapakilala nito sakin at nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko kaagad yun. First time na may magpakilala sakin.
"I'm Paupau. Nice meeting you. Ako din sa art clubs din ako." Masayang sabi ko. Si Kris mukha siyang inosente at baguhan lang sa Shaolin high. Akalain mo parehas pa kami ng hilig. Nasa art clubs din siya. Sobrang gwapo niya lalo na pagnangiti hindi tulad ng leeron na yun...Speaking of leeron nakalimutan ko na.
"Ahmm kailangan ko ng umalis. Bye." sabi ko.
"See you sa art clubs!" sigaw ko muli at nagtatakbo papuntang martial art clubs.
Walang tao kaya naman tahimik akong naglakad may nakita akong court at pumasok ako don. Sa gitna non may pang boxing ring at sa paligid may pang practice sa taekwondo. May mga nakita din akong maninipis na kahoy.
"Your 1 hour and 58 minutes lates."
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Leeron. Malamang sino pa ba.
Nagmamadali akong pumunta sa harap niya. Hindi ko nga nabili mga pinabibili niya eh. Patay ako nito."Leeron...I mean master sorry. Inaamin ko late ako kasi sanay na ako magising ng alas ostso." honest na paliwanag ko.
"Its not excuse. Ngayon pa lang sanayin mo ang sarili mo." seryosong sabi nito. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na magalit sa totoo lang.
"Opo master." walang buhay na sabi ko.
"10 laps."
"Ano?"
"I said 10 laps. Now!" sigaw niya
"Kakatakbo ko lang kanina papunta dito." reklamo ko.
"12 laps."
"Ha? bat mo naman dinagdagan?!" maktol ko.
"14 laps."
"Ito na nga tatakbo na!" galit na sigaw ko at tumakbo na ako. Bwisit ka leeron! sinusumpa kita! Sobrang laki ng lugar nato. Mukhang mahihimatay ako kung 14 laps ang gagawin ko. Haler wala pa akong almusal ni-tubig wala.
Naiyukom ko ang kamay ko sa galit. Habang tumatakbo ako Hindi ko maiwasan murahin sa utak ko si Leeron at least don nakabawi ako. Hanggang sa naka 5 laps ako at hilong-hilo na ako tumigil muna ako sa pagtakbo. Ikakamatay ko ata ang pagtakbo eh.
"Sino may sabing tumigil ka?" masungit na sabi ni Leeron at para wala siyang masabi tumakbo ulit ako. Hanggang sa matapos ko ang 14 laps na gusto niya.
Hingal na hingal akong napahiga sa sahig.
"32 minutes, ang nacomsume mong oras." rinig kong sabi nito pero mas lamang ang kabog ng puso ko ngayon. Ramdam ko ang paglapit nito sakin kaya naman tiningala ko siya. Seryoso itong pinag-masdan ako.
"Ano suko kana?" sabi niya with matching nakakapang-insulto na ngiti. Agad akong napabangon pero agad din ako napahawak sa ulo KO dahil sa kirot non.
"Mukhang suko na." Hindi ko napigilang Hindi magalit sa sinabi niya. Itong leeron nato minamaliit ang kakayahan ko! nakakainis. Tumayo ako at inipon ko ang lakas ko inunat ko ang braso ko at sumapak ako sa tapat ng mukha niya. Alam kong ramdam niya ang hangin dahil sa impact ng kamao ko malapit sa mukha niya. Pasalamat siya Hindi ko dinikit ang kamao ko sa mukha niya pero nakakapagtaka lang ni-kumurap hindi niya ginawa at wala siyang kareact-reaksyon sa ginawa ko. Sumosobra na ang Leeron nato.
"Leeron!"
Nagulat ako ng may ibang tao na dumating. Isang lalaki na nakauniform ng pang martial arts club. Nagulat ito ng makita ako.
Ganun pa din ang pwesto ko yung kamao ko nasa tapat ng mukha ni Leeron nagmamali akong binaba ang kamay ko. Lagot nalintikan na ako. Nakita niya ang ginawa ko kay Leeron. Teka sino ba siya?
"So totoo ang headlines?" natatawang sabi nito habang salit-salit tumingin samin ni Leeron. Nahiya tuloy ako. So nakita niya rin yung walang kwentang headlines na yun.
"I'm Daniel Lim. Kaibigan ako ni Leeron." pagpapakilala nito sakin at tumango ako bilang pag-galang. Hindi ko akalain na may kaibigan pala tong Leeron nato. Akala ko ako lang. Tsk.
"A..Ako si Paupau." Nahihiyang sabi ko.
"May 20 minutes ka na lang para maghanda sa klase mo." sabat ni Leeron. Napatingin ako sa phone ko at tama siya. Shit. Baka malate ako.
"K..Kailangan ko ng umalis." paalam ko kay Daniel.
"Sige lang, I'm hoping na makausap kita ng matagal sa susunod." sabi nito sakin at kinilig naman ako. Well Gwapo siya malakas ang appeal.
"Alis na." seryosong sabi ni Leeron kaya naman umalis na ako. Ang init-init talaga ng ulo ng Leeron na to.
-----------------------------------------------------------
To be Continued ❤
BINABASA MO ANG
Master, Wo Ai Ni. ❤ (Book 1 Completed)
RomanceUlila at mag-isa na sa buhay si Paula Climente/Chou o ma's kilala bilang 'Paupau.' Walang gaanong kaibigan o kakilala dahil kailangan niyang itago ang tunay niyang pagkatao para mabuhay ng tahimik at payapa. Hindi marunong manamit ng tama at walang...