33

52 3 0
                                    


Naluluhang hindi makapaniwala na nasa harap ko si Aira ngayon kasama si Daniel. Tatlong araw ko tong hinintay. Napatingin ako sa katabi ko na si Leeron na sobrang seryoso at bumalik ang tingin ko kay Aira.

"N..Nandito ako para humingi ng sorry. Patawad Leeron sa pag-sisi ko sayo at lalong lalo na sa papa mo, patawad nagpagamit ako kay William. Sana mapatawad niyo ako."

Tuluyang bumagsak ang luha ng makita ko tong umiyak. Nagulat ako ng lumuhod ito sa harap namin kaya naman agad ko siyang pinatayo. Naluluhang tumingin to sakin.

"Aira...pinapatawad kita." sabi ko na kinangiti nito. Kaming tatlo ay napatingin kay Leeron, naghihintay na magsalita ito.

"Patatawarin kita basta ipangako mo na Hindi mo na ulit sasaktan si Paupau." sabi nito at madaling tumango si Aira. Niyakap ko si Aira ng sobrang higpit. Tapos na.. Bati na kaming lahat.

Pinapasok sila ni Leeron sa bahay niya at sakto nagluto ng marami si Leeron. Nagkataon lang? o alam niyang pupunta sila Aira dito? bahala na. Ang importante masaya na Kaming lahat.

••

"Itaas mo pa ang kamay mo." utos ni Leeron. Tsk. Back to practice na kami kasi one month na lang magaganap yung kompetisyon. Gaya ng sabi niya tinaas ko ang kamay ko, pinuwesto niya ng tama ang braso ko at ang paa ko.

"Ganyan dapat." sabi nito. "Ngayon labanan mo ako." sabi niya na kinagulat ko. Hala hindi ko kayang labanan siya mas di-hamak na mahusay siya sakin. Master ko siya eh.

Pumuwesto kaming dalawa at hinanda ang sarili namin. Ako ang sumugod kay Leeron at nailagan nito lahat ng sugod ko at nahuli niya ang kamay ko at pinulupot niya yun sa likod ko. Nakaramdam ako ng sakit, binitawan niya rin ang kamay ko at hinarap ako.

"Focus Paupau." sabi nito at muli akong sumugod nasipa ko siya sa tagiliran at ako naman natulak niya ng malakas parehas kaming napaatras. Muli ko siyang sinugod at akmang sasapakin ko ito pero nahawakan niya ang dalawa kamay ko at tinulak muli ako nito malakas.

Sobrang bilis ng galaw niya. Ibang klase.

"Balance. Focus. Patient."

Muli akong sumugod at nasipa siya sa sikmura ba kina-urong niya. Siya naman ngayon ang sumugod sakin na kinakaba ko. Nahuli niya ang kamay ko na balak siyang itulak nagulat ako ng ipagcross niya ang kamay ko sa unahan at ramdam ko likod nito. Nagmapilit akong makawala pero hindi ko magawa, masyado siyang makalakas, nakaramdam ako ng kaba ng mapagtanto ang pwesto namin. Nakayakap ito sakin sa likod.

"Nawawala ka sa Focus." bulong nito sa tenga na kinakaba ko. Ginamit ko ang lakas ko ang nabitawan niya ako. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha ko. Muli akong sumugod at binalak na sipain siya pero nailagan niya yun. Bakit bilis niya?! nasipa niya ako sa balikat. Shit ang sakit non! galit ko siyang tinignan pero seryoso lang ang itsura nito. Galit ko siyang sinugod at nailagan ko ang suntok niya at nagkatyempo ako ng sipain ang dibdib niya. Nagpanic ako ng mapa-upo luhod ito sa sahib habang hawak-hawak ang dibdib niya.

"Leeron! Leeron." nag-aalalang sabi ko pero pinigilan niya ako.

"Okay lang ako Paupau, kailangan ko tong tiisin at sanayin ang sarili ko sa ganto." seryosong sabi nito sakin. Malungkot ko siyang tinignan. Lumayo ako sa kaniya at tumayo siya muli.

Halos isang oras kaming naglaban ni Leeron at sa ngayon kapwa hingal kami nandito na kami sa bahay niya naka-upo sa couch. Kita ko sa mukha nito ang pagod.

"Leeron." tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Pangako hindi kita bibiguin! pangako ko mananalo tayo." sabi ko at inakbayan ako nito at nginitian. Kami nila daniel, Alexander, Cameron, at ako ang lalaban sa darating Shaolin high Martial Arts Competition kami ang representative ng Shaolin high. Hindi na ako makapaghintay na makita ang taong pumatay sa magulang ko, pagbabayarin ko sila.

"Sabi mo yan." sabi ni Leeron at inayos ang buhok kong magulo.

"Leeron pwede bang umuwi muna ako sa dorm?" paki-usap ko sa kaniya. Namiss ko na si aira.

"Ayaw mo na akong makasama?" tanong niya na kinatawa ko. Tsk. Ayaw daw makisama eh lagi nga kaming magkasama. Halos makapalit na nga kami ng mukha eh.

"Hindi sa ganun. Gusto ko lang maka-usap si Aira." paliwanag ko.

"Maka-usap o maki-chismis?"

Muli akong tumawa sa sinabi nito, Baliw talaga tong Leeron nato.

"Oo na makiki-chismis ako." natatawang sabi ko at gulat ako ng pinisil niya ang pisngi ko. Ano naman kayang sumapi kay Leeron. Bat sobrang clingy na ng lalaki nato?

"Bat ang ganda mo?" sabi niya, nagmamadali akong inalis ang kamay niya sa pisngi ko. Nakakahiya ramdam ko nagbla-blush ako. Nakasinghot ba to? o Nakainom?

"Ako maganda? eh mas marami pang maganda sakin dito sa Shaolin high." sabi ko at nagpout.

"Tsk para sakin ikaw ang pinaka-maganda."

Napangiti ako sa sinabi niya at nagmamadali akong hinalikan siya. Kita ko sa Mata nito ang gulat. Wah! ang cute niya ng namula ang pisngi niya. Ako naman ang nabigla ng madali niyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako.

Ramdam na ramdam ko ang saya niya lalo ng tugunan ko ang halik niya. Kumalas ako sa halik at nginitian siya. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko.

"Aalis na ako." paalam ko.

"Babalik ka kaagad ha." seryosong sabi nito.

"Hindi pa nga ako nakakaalis, parang pinababalik mo na ako agad."

"Tsk, I mean bumalik ka ng maaga, magluluto ako."

Kinilig ako sa sinabi niya para na kaming mag-asawa sa set-up namin ngayon. Wah! ano ba tong iniisip ko! Nagmamadali na akong umalis baka kasi piliin ko na lang mag-stay kasama si Leeron.

Nagmamadali akong pumunta sa dorm ko, dati lagi lang ako nandito ngayon minsan na lang ako makapunta sa dorm, si Leeron kasi gusto niya kasama niya ako palagi.

"Aira!" sigaw ko! at nagmamadali itong yakapin ako ng mahigpit.

"Salamat naman pumunta ka dito." masayang sabi nito sakin at parehas kaming umupo sa Kama ko.

"Kamusta?"

"Ito nagiging okay na." sabi niya na kinangiti ko.

"What I mean kayong dalawa ni Daniel? okay na ba kayo?"

"H..Ha? o..okay naman kami." kabadong sabi nito at iniwasan ang tingin ko. Tingin ko time ko na to para intrigahin siya gaya ng ginawa niya sakin kay Leeron.

"Umamin ka nga sakin Aira, mahal mo ba yung daniel na yun?" Seryosong tanong ko at kita na namula ang mukha nito. Nako in love kaibigan ko.

"O..Oo."

"Tsk kaya pala palihim kayong lumalabas noon ni Daniel." pang-iintriga ko kay Aira. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ang best friend ko ay may taglay na landi din.

"Ikaw kasi puro ka na kali Leeron, yung time na yun palihim kaming lumalabas ni Daniel. Total lagi ka namang wala...."

"Lagi akong wala....." takang sabi ko at halos manlaki ang mata ko sa iniisip ko at pati siya. Don't tell parehas kami ng iniisip? "Omo don't tell me." dagdag ko.

"Isang araw lang nag-stay siya sa dorm natin, promise wala kaming ginawa!" defensive na sabi nito na kinatawa ko. Ay iba tong kaibigan ko, well ako nga halos tumira na sa bahay ni Leeron.

"As if naman may pake ako sa kung may nangyari o wala sa inyo. Aira masaya ako para sayo, para sa inyo Daniel alam kong mahal na mahal ka ni Daniel." sabi ko na kinangiti niya.

"Masaya din ako para sayo Paupau, alam kong aalagaan ka ni Leeron. Natatawa tuloy ako pagnaalala ko na dine-deny mo pang wala kang gusto Kay Leeron."

"Aira..." maktol ko.

"Pag-uuwi ka dito lagi kang galit o hindi kaya nakasimangot at alam ko dahil yun kay Leeron." natatawang sabi nito sakin. Bumalik tuloy yung alaala ko kung saan lagi nga akong galit kay Leeron dahil suplado siya, laging seryoso.

Doon ko lang napagtanto na sobrang bilis talaga ng panahon. Yung kinaiinisan ko noon, ngayon iniingatan at minamahal ko na.

Master, Wo Ai Ni. ❤ (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon