Ikalawang linggo ng Abril ay tuluyang nakauwi ang magkapatid na Clarlyn Ems Cecilia at Fonce Cecilia—parehong kamag-anak ni Ellah.Bitbit ang kani-kanilang maleta habang tinatahak ang daan palabas ng airport, pawang nagmamadali para muling makita ang kanilang pamangkin na nangangailangan ng kanilang mga tulong.
Sumakay sila ng isang taxi at agad na binigay ang address ng mansyon. Tahimik lang silang dalawa habang tinatahak ang mainit at matrapik na daan pauwi. Malamig-lamig ang aircon na umiikot sa loob ng sasakyan habang pumapailanlang ang mahinang OPM song sa radyo ng sasakyan.
Malayo ang tingin ng nakababatang kapatid ni Fonce, na animo'y may malungkot na tumatakbo sa utak nito. Nakamasid ang mala-tsokolateng mata nito sa labas ng bintana ng sasakyan habang hinihipan ng mabining hangin sa maliit na siwang bintana ang kulay pula at matuwid na buhok nito.
Napabuntong-hininga si Fonce at humawak sa balikat nito. "Em, huwag kang mag-alala, mahuhuli rin natin ang gumawa nito sa pamilya natin."
Lumingon sa kanya ang kapatid at malungkot na ngumiti. "Iniisip ko lang si Ellah, Kuya. Hindi ako makapaniwala sa nangyaring ito sa pamangkin natin. I couldn't even imagine how she went through all of this."
"Ako rin naman, hindi makapaniwala. Pero bilib din ako sa batang iyon, hindi sumuko sa kabila ng lahat nangyari sa kanya. And to think that she's the most affected victim among us."
Tumigas ang ekspresyon ni Lalyn. "Ramdam ko ang kagustuhan niya na maghiganti ng sobra para sa pamilya niya. When I heard her during our conversation, I felt that she's experienced more than I just heard," mahinang saad nito at muling tumingin sa labas ng bintana.
Ganoon din ang ginawa ni Fonce—tumingin sa labas at inisip ang kawawang pamangkin at ang masamang sinapit ng kanyang pamilya. He, too, can't even imagine the anger that he'll feel if that would happen to his life. Masakit na sa kanya na bilang kapatid at tiyuhin, ano pa kaya kay Ellah na anak at kapatid?
Fonce, after almost ten years of not being home, still memorized the way to their village. Tumigil ang taxi sa tapat ng guardhouse at lumabas mula roon ang isang lalaking nasa edad trenta, nakasuot ng puting t-shirt at itim na slacks. Meron ding nakasabit na baril sa holster nito at may hawak pa na batuta.
Iba na pala ang bodyguard dito? isip ni Fonce. Noon ay ang mabait at magalang pa na si Mang Benji ang kilalang guwardiya ng village. Kaya nagtataka si Fonce kung bakit iba na ngayon.
Bago pa ito kumatok sa bintana ay binuksan na ni Lalyn iyon na katulad lang din ang iniisip kay Fonce. Mabilis na pinasadahan sila nito ng tingin bago ngumiti.
"Good afternoon, Ma'am, Sir! Ako po si Royjan," bati nito. "May gusto po ba kayong bisitahin sa village na ito?"
"No, meron kaming bahay dito," ekspleka ni Lalyn.
"Pero ayos lang po ba na mag-log kayo? For security measures lang po."
Iritang ikinumpas ni Lalyn ang kamay. "We're not visitors. May bahay kami—"
Piniligan ni Fonce ang kapatid. "Sure, pakibilisan lang. Nagmamadali kasi kami."
Ngumiti ang guwardiya at mabilis na kinuha ang logbook sa pwesto nito. Nang bumalik ay nilahad kay Lalyn na nagmamadali nitong finill-upan. Parang pinasadahan lang ng kamay nito ang lagdaan dahil sa bilis ng pagsusulat. Ganoon din si Fonce at maingat na ibinalik iyon sa guwardiya.
Kumakamot na nagpasalamat ito at hinayaan ng pumasok ang taxi na sinasakyan nila.
Hindi na tinanong pa ni Fonce ang kapatid kung bakit naging aburido ito bigla. Malamang ay gustong-gusto na nitong makita ang pamangkin.
BINABASA MO ANG
CAUGHT
Mystery / ThrillerKasabay ng pagtuklas niya sa katotohanan ng tunay na tauhan ni Megan-ang taong sumira ng buhay niya-ay ang pagkahulog ng loob niya sa lalaking nalaman niyang anak ng babaeng iyon. Tapos na ang kanyang pagtakbo, tapos na ang habulan. Nakita na niya s...