CHAPTER 25

9 0 0
                                    

RUSHIYA LANGSTON

-

Nilabanan ko ang masarap na tulog at ang magandang panaginip kaya nagising ako. Siguro hindi lang din iyon ang nagpagising sa akin kundi ang malambot na bagay na nasa labi ko, gumagalaw at pabalik-balik.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang pagmulat ko ay may mukha sa aking harapan, na sa sobrang lapit ay halos maduling na ako. Dahil sa gulat ay naitulak ko siya na agad kong pinagsisihan dahil umatake ang sakit sa balikat ko.

"Ah, shit!"

Inikot ang tingin ko sa paligid at natagpuan kong wala ako sa kwarto ko.

Tumayo ang lalaki at may suot siyang itim na maskara na nakatakip sa itaas na parte ng kanyang mukha. Humalukipkip siya sa harapan ko at bahagyang ngumuso ang labi na namumula at mamasa-masa pa.

"Sino ka? Anong ginawa mo sa akin?!"

Hindi siya sumagot at parang batang umingos na tumingin sa kabilang direksyon. What the heck? What is his deal?

"Ikaw ba ang tumulong sa akin kanina?" tanong ko pero hindi na naman niya sinagot at padabog na umalis ng kwarto.

"HOY!" tawag ko pero hindi na siya lumingon man lang. Kinalma ko ang sarili ko habang hinihintay na bumalik siya.

Nakabenda ang balikat ko. Hindi na rin ako nakasuot ng leather attire ko kanina at napalitan ng cotton shorts at sando. Whoever that man is, tinulungan niya nga ako. Pero obvious na wala yata sa katinuan ang isang iyon. Halikan ba naman ako habang natutulog at iwan dito na parang batang nagdadabog. TSK. Pervert and childish. But I can't deny that he's my savior back there in the parking lot. Without him, siguro ay pinagpipyestahan na ang katawan ko ngayon sa agency.

Aish, asan na ba ang lalaking iyon? Ang dami ko pang tanong, lalo na tungkol kay Agent Parker. Pero umabot lang yata ang isang oras at hindi na bumalik ni anino ng lalaki. Pinilit kong bumangon at indahin ang sakit sa aking balikat. Halos sampung minuto bago ko nagawang makabangon mula sa kama. Nakayapak lang ako at ramdam ko ang lamig ng sahig.

Hinanap ko ang switch ng ilaw dahil hindi ako makakita ng maayos dahil lamp shade lang ang tanging pinagmumulan ng ilaw dito. Lumabas ako ng kwarto at nabungaran ang sala. Nakabukas ang ilaw kaya agad kong nakita ang mga gamit at damit kong nakapatong sa center table. Lumapit ako roon at chi-neck ang mga gamit ko. Kumpleto pa naman. Pati baril ko nandito.

Hinanap ng mata ko ang lalaki kanina pero wala na talaga siya. Umalis na ba siya at iniwan lang ako kahit na walang sinasabi?

Napadako ang mata ko sa isang bagay na nakapatong din sa mesa. Isang maliit na USB at merong keychain na blue panda.

Merong flatscreen dito sa sala kaya pinlug ko doon ang USB at pinanood ang anumang laman noon. Ilang segundong puro itim lang ang makikita pero maya-maya ay parang inayos ang camera at nag-steady iyon sa isang direksyon. Maya-maya ay lumitaw ang lalaki. May suot na itim na T-shirt at itim na pants. Naka-boots din siya ng itim at higit sa lahat, itim na maskara. Siya ang lalaki kanina. Nahigit ko ang hininga sa hindi maipaliwanag na dahilan lalo pa ng ngumiti siya bigla.

"Hi, baby Rushie! I prepared this just for you kasi ayokong nahihirapan ka sa kasong hinahawakan mo. Kahit na sinabi na nila sa aking huwag na kitang tulungan, ginawa ko pa rin. Kasi gusto kita! Anyway, manood ka lang ah? At saka pagkatapos, hulihin mo na si Megan. Para magkita na tayo! Okay?"

Nagthumbs-up pa siya na para bang magkaharap lang kami. Napangisi ako dahil sa kakulitan niya. Does this mean he's that PHALSEI agent who kept helping me?

Maya-maya ay tumayo na siya at sa likuran ay may hinawing malaking tela. Namilog ang mga mata ko nang makita si Agent Parker na nakatali sa isang upuan. May busal ang bibig niya at halata sa mukhang pinahirapan ng sobra. Bugbog-sarado siya, puno ng dugo at pasa sa katawan.

"OOPS, huwag kang maaawa sa kanya, baby Rushie, ah? Kailangan ko lang kasing gawin ito para kumanta siya."

Kinuha niya ang busal sa bunganga ni Agent Parker at hindi man lang ito umatungal o nagwala. Para bang takot na takot. Is this even the same outstanding agent in our agency?

Pumunta ang lalaki sa likuran ni Agent Parker at hinawakan ang magkabilang balikat nito. Napapiksi ang huli at nagsimulang manginig. It's getting really obvious, he tortured him.

"Okay, Agent Reese Parker. Tumingin ka sa camera at sasagutin mo ang mga tanong ko. Maliwanag ba?"

"O-Oo..."

"Ang hina naman, hindi kita marinig. Pwedeng... pakilakas?"

"ARGH!!! OO!"

Pamilyar sa akin ang reaksyon nito. Wala sa sariling napahawak ako sa mga balikat ko at naramdaman ang sakit doon.

"Okay, GOOD! Unang tanong, nasaan ngayon si Mecca Shagan Cabrieas?"

Hindi agad nakasagot si Agent Parker sa mabigat na tanong na iyon. Maya-maya ay pumalahaw na naman siya na para bang sinaktan kahit na wala namang ginagawa ang lalaki. Wala nga ba?

"N-Nasa Isla Mariana siya ngayon."

"Nasaan sa Isla Mariana?"

"S-Sa bahay ng mga Cecilia."

Natigagal ako sa narinig.

"Bakit tinutulungan mo siya kahit na dapat ay alagad ka ng kabutihan, Agent Parker?"

"Si Megan... ex-wife ko siya."

Walanghiya! Ang lakas ng loob niyang magbigay ng payo sa akin kahit na wala ni katiting na maganda sa love life niya.

"Ano ang pinaplano niyong gawin? Magtago habang buhay at mis-lead ang baby Rushie ko?"

"Hindi. Papatayin niya si Ellah at gagamitin niya ang pera niya at ako para linisin ang pangalan niya."

"Too bad, hindi na iyon mangyayari dahil mahuhuli ka na ni baby Ruhie ko."

"Sino ka ba? Bakit tinutulungan mo si Agent Langston? Galing ka ba sa PHALSEI—argh!!!"

"BAWAL TANONG."

Ilang segundo matapos niyang pumalahaw ay ngumisi siya sa camera, sa akin.

"Agent Langston, hindi ka magtatagumpay—ARGH!"

"Huwag mong kausapin ang baby Rushie ko—"

"BABY RUSHIE? DAMN! Ni hindi nga nagpapahawak iyan sa lalaki tapos magiging baby mo siya? You're just wasting your time on that spinster!"

BANG!

Natutop ko ang bibig ko nang sa isang iglap ay may tama na ng baril sa balikat ni Agent Parker. Napaubo siya ng dugo at halos maglupasay kung hindi lang siya nakatali sa upuan.

Lumapit ang lalaki sa camera at ibinalik ang baril sa kung saan man sa likuran niya. Tinuro niya ang camera na para bang nagtatampo.

"Is it true? You're going to be a spinster?"

Kumunot ang noo ko dahil mas napatunayan ko lang kung gaano siya ka-childish. But I had to admit that after his merciless interrogation, he's not what he really appears to be right now. He's one hell a dangerous man.

"Hindi ako papayag! After your case, I will make you mine! You heard that? I WILL MAKE YOU MINE," sigaw niya na nagpakabog sa aking dibdib. The hell is he saying?

"Anyway, you're welcome!"

Sumaludo pa siya at ngumiti bago nilapitan ang camera at humalik doon. Saka lang tuluyang natapos ang video.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga na para bang kanina pa ako hindi nakahinga ng maayos. Ilang minuto pa bago ko natanto ang dapat kong gawin. Hinanap ko ang cellphone ko at tinawagan kaagad ang number ni Ellah. Pero hindi ko siya makontak. Wala akong makontak sa bahay nila.

"Damn..."

Has it started?

CAUGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon