CHAPTER 5

9 0 0
                                    

ROCKY ARDENTE

_

"Rocky?" gulat na tanong ni Jan nang makita niya akong nakatayo sa labas ng pintuan ng bahay nila. Maaga pa at halatang kagigising lang dahil nakasuot pa siya ng sando at shorts. "Anong ginagawa mo rito? Himala ang aga mo."

"May problema tayo," matigas na sabi ko na ikanalaki ng mata niya.

"Bakit ano ang nangyari?"

"Tungkol kay Ellah."

Tumango siya ng ilang beses at tila nawala na ang antok sa mukha niya. Ellah's name has became a sensitive topic for us since she left kaya walang dudang ganito ang reaksyon niya. Sinenyasan niya akong pumasok sa bahay niya pero umiling ako. "We need to meet the others, too."

T-in-ext ko si Stacy at Zufiya na pumunta sa Morphis at doon kami maguusap-usap. Dala ko ang motorbike ko, ganoon din si Jan kaya magkasabay kaming bumyahe patungo sa meeting place namin. Our motorbikes overtook the cars in the highway until we were inside the populated town.

Halos labinlimang minuto bago kami nakarating sa Doris' Coffee. Pagkababa ni Jan ay tumabi agad siya sa akin, nakatutok ang tingin niya sa dalawang babae na nasa loob na ng shop.

"Bakit wala si Maddel?" tanong niya.

"I don't trust her anymore."

Magkapanabay kaming pumasok sa shop at nilapitan ang dalawa. Unang nakakita sa amin si Zufiya dahil abala si Stacy sa laptop niya.

"Hi, guys!" bati nito, ngiting-ngiti.

"Hi, Zufiya. Ganda mo!" si Jan habang umuupo silang dalawa.

Maarteng nagpa-cute naman si Zufiya rito. "Telege be? Pero alam ko kung sino ang mas maganda sa paningin mo."

"Sino?"

"Eh di ang girlfriend mo, sino pa ba?"

Kilig na kilig naman si Jan sa pinagsasabi ni Zufiya. Napatingin ako kay Stacy. Magkasalubong ang mga kilay at busyng-busy sa kung anumang ginagawa niya. Her anti-radiation glasses are reflecting the light of her screen. But despite their business, I am always grateful because they are always present when someone needs them.

Umangat ang tingin niya sa akin na para bang naramdaman ang paninitig ko. Her eyes widened when she realized we're already here.

"I'm sorry! Kanina pa kayo?" aniya sabay bagsak pasara ng laptop. She placed it in her bag under the table as well as the other papers.

"Kanina pa, girl!" maarteng sagot ni Zufiya at humigop sa kape nito. Nakita iyon ni Jan kaya nagtawag ng waiter para um-order para sa aming dalawa.

Nang bumaling ako sa kaharap ay malinis na ang mesa—wala ng laptop at bags. Just their cellphones.

Habang hinihintay ang order ay nagtanong si Stacy. "Bakit wala si Maddel?"

"Ahm, she'll come. May gusto lang muna akong sabihin... sa inyo lang tatlo."

Kumunot ang noo nila.

"Tungkol saan?" si Stacy.

"Tungkol sa nangyayari kay Ellah." Tulad ng reaksyon ni Jan ay biglang sumeryoso ang mga mukha nila. There was urgency in their faces—wanting to hear the news. Kaya hindi na niya iyon patatagalin.

"Sa tingin ko, nay kinalaman si Maddel kung bakit kinailangang umalis ni Ellah. Guys, I know we were all friends, but I am sorry kung meron akong tinago sa inyo."

"Maliban sa Iloilo nakatira si Ellah, meron pa?" Zufiya asked.

Tumango ako at napabuntong-hininga. Kinuwento ko ang ginawa kong pagbisita last year kay Ellah noong mga unang linggo niyang pagkawala. Ang pinag-usapan namin ni Ellah, ang dahilan kung bakit umalis siya.

"Oh my God, are you saying that someone is after her life?" tutop ang bibig na sabi ni Zufiya.

Jan shushed her kaya mukhang nakabawi si Zufiya. Stacy remained silent in her seat. She slowly took off her glasses in the table and pursed her lips, more of immersed by her own thoughts.

"Naniniwala akong ganoon nga. Sa lahat ng sinabi niya, iyon na ang pinaka-angkop na sagot na makikita ko."

"Then, why didn't she tell us?" si Zufiya. "Paano natin siya natulungan kung wala naman siyang sinabi sa atin."

Rocky sighed. "Kasi nga kung hindi siya aalis, tayo ang mapapahamak. Some of the threats were about us."

The three of them fell silent. Hindi nila inaakala na ganito ang tunay na dahilan ng kanilang kaibigan. After the death of Ellah's family, they assumed that it went away because she needed space or that her house is making her uncomfortable and miserable. Although, we didn't understand kung bakit ang weird ng mga inaakto niya ilang linggo bago siya umalis. Para bang ginagalit sila. Ngayon, alam na nila kung bakit.

"She wanted to unfriend us to save us, pero hindi niya magawa. Kaya siya umalis," si Stacy na tila nilukob na ng lungkot.

"Hindi talaga niya sinabi sa akin ang totoong dahilan, hindi ko rin alam kung ano talaga ang tunay na nangyari kaya sinubukan kong maghanap ng maaring makabigay sa akin ng impormasyon," patuloy ni Rocky. "Sa bahay ni Ellah, meron akong nakitang mga sulat. Maliit, parisukat, printed ang mga nakasulat. Saka ko lang napatunayan na totoo nga talaga na merong nananakit sa kanya."

Muling nabagabag ang tatlo sa nalaman. "Ibig sabihin, marami pang mga sulat? Death threats?" si Zufiya

Tumango ako. "Tinago niya lahat."

"Anong sabi sa mga sulat?" tanong ni Jan.

"Ilan sa mga nakita ko: bawal magsumbong, layuan daw tayong mga kaibigan niya, I even saw our names there."

"OMG!" palatak ni Zufiya. "That's creepy! So, ibig sabihin ba niyan... kilala tayo ng killer?"

It's time.

Binunot ko ang pulang papel sa bulsa ng jeans na suot at nilapag sa mesa. Nag-unahang kunin iyon ni Jan at Zufiya pero mas nauna si Jan at binasa iyon.

"Fuck," bulong niya.

"Why?" kabadong sambit ni Zufiya. Hindi siya pinansin ni Jan dahil tumingin siya sa akin na may pagkalito.

"Bakit may ganito ka?"

Stacy and Zufiya getting left out snatched the letter from Jan and read it together. The latter let out a shrieked while Stacy's forehead became even more creased.

"Noong isang hapon, pumunta ako sa bahay nina Ellah ay sinundan ako ni Maddel. May pinagtalunan kaming dalawa. Noong umalis siya, nakita ko iyan. Pagkatapos, nagkaroon na ng grassfire na inasikaso ko muna kaya hindi ko siya nakonpronta at naisip ko na kayo muna ang una kong pagsabihan nito."

"Kaya ba hindi mo siya pinasama rito?" galit na tanong ni Stacy.

Tumango ako. "She'll be here in a few minutes. Gusto ko lang malaman kung ano ang masasabi niyo kay Maddel. Noong umalis si Ellah, napansin kong nag-iba na siya."

Zufiya pouted. "It's true. Hindi na nga niya ako sinasama sa mga shoppings niya."

Stacy sighed. "I'll admit, medyo naging busy ako. But I knew something's wrong about her. She kind of get irritable when we talked about Ellah, naging bitchy na rin ang ugali niya noong umalis si Ellah. She was never like that."

"Yeah, she's changed," sang-ayon ni Jan.

"Then, we should confront her. Paano pala kung may kinalaman siya sa pagkamatay ng pamilya ni Ellah? That's a serious matter, right?" Zufiya whispered.

Tumango si Jan.

"Pero kaya ba talagang gawin iyon ni Maddel?" mahinang tanong ni Stacy. "She's our friend, what if masaktan siya sa mga paratang natin? And what if she's not the one doing all of these? What if may nag-uutos lang din sa kanya?"

"Ellah's our friend, too. And that's why we're here, to know the truth from her."

"What truth?"

Zufiya gasped loudly when that voice intruded our conversation. The anger I was hiding a while ago was slowly taking over my system.

Nilingon ko si Maddel at napasinghap siya nang makita ang nagbabaga kong mga tingin. "The truth that only you can give."

Besides confusion, I saw shocked in her eyes. Shock that I knew looks defensive.

CAUGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon