ROCKY ARDENTE
_
"Hey," agaw ko sa atensyon niya. Nakatulala na naman kasi sa labas ng bintana.
Lumingon siya sa akin at bumuntong-hininga na para bang inistorbo ko ang ginagawa niya. "Bakit?"
"Smile ka naman!" birong untag ko pero hindi man lang siya natinag. Hindi ngumiti o kumislot man lang. Bumalik ang tingin niya sa labas kaya lihim na napabuga ako ng hangin.
Okay lang kung hindi ka mag-smile ngayon. Mamaya, magsa-smile ka rin!
Alas nueve ng umaga ay na-discharge na nga ng tuluyan si Ellah dito sa ospital. Hindi pa siya nakakalakad ng maayos kaya binilin na mag-wheelchair na muna siya sa hanggang sa kaya na niya. Alam kong distracted siya sa dalawang bodyguards na nakasunod sa amin. Si Carlos at Mike—malalaki ang muscles at maganda ang tindig. Pawang nakasuot ng itim na jacket at itim na pants. Pansin ko rin ang itim na earpieces na nasa tenga nila. Saan kaya kumuha ng bodyguard si Agent Langston? Sana naman mapagkakatiwalaan ang dalawang ito.
Kanina may tiwala ako, pero dahil sa madalas na iwas at pukol ng mapanuring tingin ni Ellah sa kanila, pati ako napapraning na rin.
Sa sasakyan naman ay nasa unahan ang dalawang bodyguard. Ako, si Ate Sari at si Ellah ang nasa likod, nakatulala na naman sa labas ng bintana.
Nang makarating kami sa mansyon ay ako na ang nagbaba sa kanya sa wheelchair. Si Ate Sari naman ay ibinigay na ang mga gamit namin sa dalawang bodyguards.
"Tara?" senyas ni Ate Sari na tinanguan ko. Tahimik lang kami nang pumasok sa mansyon pero panaka-naka ang tinginan at ngitian namin ni Ate Sari, parehong na-excite.
Dahan-dahang binuksan ni Ate Sari ang pinto.
"WELCOME HOME!~" pakantang bati niya na umagaw sa pansin ni Ellah. Bumuntong-hininga ang huli at pumangalumbaba sa armrest.
Itinulak ko pa ang wheelchair papasok sa malawak at tahimik na bulwagan. Maya-maya lang, mula sa mga pinto at kurtina sa paligid ay nagsilitawan ang masasayang mukha ng mga tauhan sa bahay at sabay-sabay na bumati.
"WELCOME HOME, ELLAH!"
Umalingawngaw ang boses nila sa buong bulwagan at gulat na gulat ang mga mata ni Ellah habang isa-isang tinitingnan ang mga kaibigan namin na nakangiti at papalapit sa kanya. Si Stacy, Jan, at Zufiya.
Nauna si Stacy at mabilis siyang niyakap ng mahigpit, maya-maya'y nag-iyakan.
"Oh my God, we missed you so much!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Stacy at tila ayaw pang kumalas sa pagkakayakap.
I saw Ellah's tears, too. Flowing endlessly in her cheeks. I know, masayang-masaya siya. Na-miss niya rin ang mga kaibigan namin gaya ng pagka-miss namin sa kanya.
Hindi siya nagsasalita at panay ang hagulgol lalo pa ng yakapin na rin siya ni Jan at ni Zufiya.
"Girl, I missed you!" sambit ni Zufiya at nagkasira-sira ang eyeliner nito dahil sa pag-iyak. Impit na tinawanan namin siya ni Jan kaya bumaling siya sa amin. "Anong tinatawa-tawa niyo? Na-miss ko naman talaga siya, ah?"
Pinaharap siya ni Ellah sa kanya at nangingiting pinahid ang eyeliner niya. Nanlaki ang mata ni Zufiya nang makita iyon at pinanlisikan kami ng mata.
"Ang bad niyo!" aniya at naging abala na siya sa pagpupunas ng tissue sa isang gilid. I breathed a relief and glanced at Ellah. Hilam sa luha ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Unti-unti akong bumaba para magkalebel ang paningin namin. I smiled at her at nagulat na lang ako ng niyakap niya ako ng sobrang higpit sa leeg. Nakakasakal ng sobra pero nagalak ang puso ko dahil alam kong masayang-masaya siya ngayon.
BINABASA MO ANG
CAUGHT
Mystery / ThrillerKasabay ng pagtuklas niya sa katotohanan ng tunay na tauhan ni Megan-ang taong sumira ng buhay niya-ay ang pagkahulog ng loob niya sa lalaking nalaman niyang anak ng babaeng iyon. Tapos na ang kanyang pagtakbo, tapos na ang habulan. Nakita na niya s...