CHAPTER 27

5 0 0
                                    

ELLAH MARIE CECILIA

_

Natapos ko ng basahin ang lahat ng libro ng gabing iyon. At dalawang bagay ang natanto ko. Una, ay ang posibleng pinagmulan ng lahat ng ito. Ang malaking koneksyon ng buhay ni Rogellio Gernani Cecilia at ang ginagawa ni Megan. Ikalawa, hindi pa bumabalik si Rocky na sandaling nagpaalam na kukuha ng pagkain.

Bumangon ako mula sa kama at ibinaba ang Ika-sampung Obra sa bedside table, unti-unting kinakabahan dahil sa pagkawala ni Rocky.

Bumaba ako sa hagdanan at nagpadagdag lang sa kaba ko ang katahimikan at kadiliman na hatid ng kabahayan. Hinanap ko siya sa kusina at isa ang natagpuan ko roon na nagpagimbal sa akin. Si Ate Sari ay naliligo sa sarili niyang dugo habang nakadapa sa mesa. Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko at ang tanging nagawa ko lang ay ang sumigaw na puno ng takot at pighati at napasiksik sa isang sulok ng kusina. Parang muli kong nakita si Kuya Simon o di kaya si Mommy. Para akong mababaliw, hindi alam ang gagawin.

At may isang sulat na hindi ko magawang lapitan at basahin. Gusto ko pero hindi ko kaya dahil sobra akong nanghina.

Hanggang sa bumaba si Tito Fonce at Tita Lalyn at nakita rin ang nangyari. Pero mas nakontrol nila ang emosyon nila. Si Tito ang nagbukas ng sulat at nanlalaki ang matang tumingin sa akin.

Ellah,

ONCE AND FOR ALL, ALL WILL HAPPEN SOON.

Mabilis ang mga pangyayari at hindi ko na gustong bilangin at hintayin. Kinabukasan, habang nababaliw ako sa pag-alala, galit, at takot na lumulukob sa akin, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Maddel.

Maddel:
Wala kang pagsasabihan ni isa dahil mapapahamak ang mga kaibigan mo. Malalaman namin kapag may sinumbungan ka. Bukas, sa tapat ng village niyo, alas otso ng gabi.

Iyon lang at hindi na ako napanatag pa. Hindi ko sinabi kay Agent Langston gaya ng sa text message kaya nawalan na rin ako ng pag-asa at wala sa sariling katinuan habang hinihintay ang mangyayari. Naghihintay ako sa tapat ng village pagsapit ng alas-otso at hindi nagtagal, may isang itim na van na huminto sa tapat ko, at hinila ang walang kalaban-laban at pagod kong katawan. Sa sasakyan na ako nilamon ng kadiliman dahil meron silang itinurok sa akin.

Nagising ako ng tatlong beses. Una ay sa eroplano, ikalawa sa yate, at ikatlo... nalaman ko na kung saan kami papunta. Muli lang ako nakatulog ng nasa bayan kami kung saan ako nakatira.

Hilong-hilo ako at nanghihina dahil hindi ako nakakain ng maayos simula kahapon. Lutang ang pag-iisip ko dahil sa kung anumang gamot na itinurok nila sa akin at malinaw pa sa isip ko ang nangyari kay Ate Sariyah. Nasa kalagitnaan ako ng pagkawala ng malay at pagkagising ng maramdaman ang malakas na pwersang tumama sa mukha ko. Sa sobrang lakas noon ay napabaling ang ulo ko sa gilid, iyon ang posisyong nakagisingan ko. Sa una ay malabo pa ang paligid at hindi ko maigalaw ang aking katawan. Hanggang sa paunti-unti akong makakuha ako ng lakas at naging mas malinaw na ang paligid.

Kulay puti ang pader. Kabinet na gawa sa kahoy. Mga... litrato ng pamilya ko. Nasa bahay ako?!

Bigla ang realisasyon sa akin at animo'y napabalikwas pero ang tanging nagalaw ko lang ay ang aking ulo. Ang paa at ang katawan ko ay nakatali ng isang makapal at makating asul na lubid. Napaangat ako ng tingin at ganoon na lamang ang panlulumo ko nang makita ang apat na tao sa aking harapan. Sinasalamin ang kalagayan ko ngayon. Nakaupo rin sila sa kahoy na silya at merong busal sa mga bibig nila. Ang tanging naririnig ko ay ang hagulgol nila at mga gustong sabihin sa akin pero hindi nila magawa.

Parang dinurog ang puso ko sa nakikita. Bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit kailangang madamay sila? Stacy, Jan, Zufiya, Rocky.

"Megan... MEGAN!!!" I shouted like a mad man.

"Shhh, huwag kang masyadong maingay Ellah. Sige ka, tatakpan ko rin iyang bunganga mo. Gusto mo ba iyon?"

Nasa likuran ko siya at kahit gaano ko man kagustong makita siya ay hindi kayang abutin ng paningin ko ang pigura niya.

Nanginig ang mga labi ko at napatingin sa mga kaibigan ko. They were all staring at me, muffled cries came out of their frantic movements. "I-I'm sorry, I'm sorry! Rocky, I'm sorry. Stacy... Zufiya... Jan... ngghhh, I'm sorry kung nadamay kayo sa gulong ito. I'm sorry!"

Hindi ko sila magawang tingnan. Nagagalit ako sa sarili ko. I dragged them into this. Pinahamak ko sila! This is all my fault! I can never be anymore guilty. Mom, Dad, Kuya, Jace, Ate Sari, my friends... lahat sila nadamay sa gulo na dapat ay para lang sa akin.

I feel very frustrated and guilty. Sana namatay na lang ako! Sana hindi na sila nadamay pa!

"Save your sorries for later. Ngayong nandito ka na, let's start with the game?"

"What the fuck, Megan! STOP THIS ALREADY! Kung gusto mo akong patayin, patayin mo na lang ako ngayon! Huwag mo ng idamay ang mga kaibigan ko, PLEASE!"

Hindi siya sumagot at ang naramdaman ko lang ay ang matalim na bagay na dumaiti sa leeg ko. Bahagya akong nanigas nang maramdaman ang kirot nito habang dahan-dahang pumunta iyon hanggang sa balikat ko. Napapikit ako at lalo lang lumakas ang pagwawala ng mga kaibigan ko.

"Chill," anas ng baritonong boses at tumigil ang pagdaan ng matulis na bagay sa aking katawan. "Hindi ka pa pwedeng mamatay, Ellah."

I know that voice!

"S-Sino ka?"

Tumawa siya ng mapakla at humalik sa pisngi ko na ikadiri ko. "Sino sa tingin mo?"

"P-Prof Martini?"

"Bingo," anas niya at dinilaan ang aking lalamunan. Naiiyak na bumaling sa kabila para iwasan ang pananamantala niya. Susubukan pa sana niyang abutin ako nang sawayin siya ni Megan.

"Huwag na tayong mag-aksaya ng oras, Martini."

"Whatever."

Umalis siya sa tabi ko kaya nagkaroon ako ng lakas na magtanong. "Paanong nasangkot ka rito, Prof. Martini? Paanong naging kasama ka ni Megan?"

"Collins, baby," simpleng sagot niya.

"Collins? Kaano-ano mo si Tita Lalyn? Magkaano-ano tayo?!"

"Stop asking, Ellah. Let's move on."

Pinutol ko ang sasabihin ni Megan. "Laro lang ba ito sa'yo, Megan? Ang daming tao kang pinatay at dinamay! Ano ba ang gusto mong mangyari?!"

"Uhmph!!!"

Namilog ang mga mata ko nang makitang nagkaroon ng tama si Jan sa binti. Natigagal kaming lahat at nagwala sa sarili naming upuan.

"STOP or I will shoot someone again!" babala ni Megan na nagpatigil sa akin. There was a surging pain and confusion overwhelming my system pero mas nanaig ang isip kong huwag isugal ang buhay ng mga kaibigan ko. Nanginginig ang katawan ko habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko na alalang nakatingin kay Jan.

"Good! Okay, Ellah. Gusto mo bang malaman ang pinagmulan ng lahat ng ito? YES or NO? Nakadepende sa sagot mo ang magiging kapalaran ninyo kaya... pumili ka ng mabuti," ani Megan.

"Ano ang karapatan mong magdesisyon kung ano ang kapalaran namin? Tao ka lang, Megan. Ang ginagawa mong ito, may hangganan."

"SHUT UP!"

"Kapag hinatulan ka na, mabubulok ang kaluluwa mo! Pagbabayaran mo ng husto ang lahat ng ginawa mo. Kahit gaano man kapasikot-sikot ng ginawa mo, iisa lang ang bagsak mo. Mananaig ang hustisya at magdudusa ka!"

"I will shoot anyone kapag nagpatuloy ka pa, Ellah. Is it YES or NO?" May bahid na ng pagbabanta ang boses nito.

I stared at my friends. They have a scared expression as they waited for an answer. My answer. I bit my lips and closed my eyes. I don't know what game she's in, but I don't want to play it. Pagod na ako dahil alam ko na kung saan nagsimula ang lahat.

"You will die in vain, Megan. Just like your ancestor, Eliza Cujangco."

Ang tanging narinig ko na lamang ay ang singhapan sa paligid ko at ang pagbagsak ng kung anuman sa sahig.

CAUGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon