CHAPTER 13

5 0 0
                                    

ROCkY ARDENTE

_

Tatlong linggo ang lumipas at humilom na kahit papaano ang mga sugat ni Ellah. Ngunit sinasabi pa rin ng doktor na kailangan niya pang manatili ng kahit na isa pang linggo para masabing tuluyan na nga siyang magaling.

Alas otso ng umaga. Tapos na siyang maligo, tapos na rin akong maligo at kararating lang ni Ate Sari na may dala na namang prutas. Hanggang ngayon, hirap pa rin akong tanggapin na ang Ate Sari at Manang Tes na nakilala ko ay hindi pala totoo. They were fake and fooled us.

Kinuhanan na ng statement si Olay Montes na siyang nagpanggap na Manang Tes. Hindi niya natakasan ang paghahanap ng team ni Agent Langsyon. Si Rossy Dominguez naman ay natagpuan sa Carles kasama ang kanyang ama. Sinabi ni Ellah na tinulungan siya ni Rossy sa pagtuklas sa pagkatao ni Megan kaya hindi siya hinuli. Kinuhanan lang siya ng statement at binigyan ng seguridad hangga't hindi pa nahuhuli si Megan.

Ang huling sabi ni Agent Langston three days ago ay na-track na naman nila si Megan sa Cagayan de Oro pero nang tingnan nila ang lugar ay wala naman siya roon.

"I already told you this, Ms. Ellah, na may tumutulong sa kanya na magaling sa ganito, crimes and hiding. Kaya nahihirapan kami na i-trace siya kasi kino-confuse kami ng sino mang backer niya. But don't worry, hindi kami tumitigil sa pagtugis sa kanya. She can't leave the country and travelling would be hard for her. We will eventually catch them."

The statement even made Ellah upset. Kahit hindi niya sabihin, halata sa kilos at mata niya. She's back to being silent and her eyes showing no emotion.

I am watching her while the two nurses are bandaging her wounds. Bumaling siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako nginitian man lang. That night when we talked was last time.

"Ilang taon na kayong magkaibigan ni Ellah?" biglang tanong ni Ate Sari sa tabi ko. Nakatingin din siya kay Ellah na pinapasuotan na ng damit.

"Noong first year high school po kami kaya almost seven years na. Actually, magkaklase kami pero hindi niya man lang ako kilala. She was quiet and distant to others."

"Ah, so, paano kayo nagkakilala?"

"I just helped her with her assignment tapos naging magkaibigan na kami. We have other friends, too. Nasa Isla sila ngayon."

"Oo nga, nakuwento niya nga kayo sa akin dati."

Natapos na ang dalawang nurse. Matapos magpaalam sa amin ay lumabas na sila bitbit ang mga kagamitan nila.

"Ellah, gutom ka na ba?" tanong ni Ate Sari habang lumalapit.

"Opo, Ate. Mag-agahan na po tayo."

"Okay, may dala akong kanin at ulam dito. Rocky, kain na tayo," pagaaya ni Ate Sari kaya tumayo na ako.

Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon kaming tatlo doon. Isang lalaking nakasuot ng gray collared shirt at maong pants, military cut ang buhok niya at mukhang ka-edad ko lang.

"Ellah!"

Nilingon ko ang kaibigan ko at hindi man lang siya nag-react sa nakita niya. Para ngang lalo lang naging malamig ang presensya niya.

"Sino ka?" tanong ko sa lalaki at hinarangan siya para hindi makalapit kay Ellah. Sumama ang tingin niya sa akin pero hindi ko pinansin. "Sino ka sabi? Ano ang kailangan mo kay Ellah?"

"I just need to talk to her, so step back."

It caused anger within me. Hindi ko napigilang kwelyuhan siya at kinuwelyuhan niya rin ako pabalik. Nagtatagis ang mga bagang namin habang nanlilisik ang mga mata sa isa't-isa.

CAUGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon