CHAPTER 17

9 0 0
                                    

ELLAH MARIE CECILIA

_

The days that I want to last always went by so fast. Umuwi na ang mga kaibigan ko at sumama ako sa paghatid sa kanila sa airport. It was like the time that I went away from them, pero ngayon sila naman. Kahit na nangako sila sa akin na babalik sila, hindi ko pa rin mapigilang isipin na baka hindi na kami magkita pa ulit.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na naging ganito na si Maddel," mahinang sambit ko. Nasa sasakyan na kami pauwi nang maisip ko siya at ang dahilan kung bakit hindi siya pumunta rito.

"All these years, akala ko isa lang siyang maarte, walang pakialam sa ibang tao pero parang buhay na ang fashion," I smirked when I remember the old times. "I even thought she's a man-hater." Tapos matagal na palang may itinatagong feelings kay Rocky.

"There are really a lot of things na hindi pa natin alam, El. Minsan magugulat na lang tayo na ang mga bagay na hindi natin ini-expect, nangyayari."

"But it's not really a big deal of who likes who, right? Natural lang naman iyan, 'di ba? Liking someone?" I mused. "She could've confessed, tho. O kung hindi naman, bakit sa akin niya ibinunton ang galit niya? As if tayo?" I asked incredulously.

Rocky didn't said a thing hanggang sa makarating kami sa bahay. Parang katulad na naman siya noong isang gabi, malalim ang iniisip.

Bago pa siya pumasok sa kwarto niya ay pinigil ko na siya sa kamay. Bahagyang tumaas ang kilay niya sa pagtataka.

"May problema ka ba?" alalang tanong ko.

"No, Ellah. May iniisip lang—"

"Ano ang iniisip mo?" putol ko sa sinasabi niya. He licked his lower lip and looked sideways, pero hindi sumagot. "Now, nagtataka na talaga ako kung ano ang meron, Rocky," I said in a warning tone.

Umiling siya at ngumiti sa akin. "It's just about—"

*Ding—Dong*

*Ding—Dong*

Bumaba kami ng hagdanan para tingnan ang panauhin.

"El, si Agent Langston," anunsiyo ni Ate Sari. Nakasunod sa kanya ang agent na nakasuot ng usual leather-made outfit nito. "Ikukuha ko lang kayo ng meryenda. At saka, tatawagin ko lang si Sir Fonce at Tita Lalyn—"

"No need, Sariyah."

Dumating ang dalawa kong kamag-anak at magalang na bumati kay Agent Langston. Iminuwestra ni Tito Fonce ang sofa. "Let's have a seat?"

Naupo kaming lahat. Si Agent Langston ay sa tabi namin ni Rocky, samantalang sa harapan namin si Tito Fonce at Tita Lalyn. Si Ate Sari ay tumungo na sa kusina.

"I'm here to report something," simula ni Agent Langston at bumaling kay Rocky bago sa akin.

"Of course! May balita na ba kayo sa whereabouts ni Megan?" Tita Lalyn asked dramatically. "It's been what? Almost a month?! Oh no! What if lumabas na pala ng bansa ang babaeng 'yon?"

Tito Fonce gave her a stare kaya tumahimik siya at ngumiti nang bumaling sa akin.

"No Mecca Shagan Cabrieas left the country based on our sources and the family testified to it, too. I'm sure, she's here in the Philippines and whoever that's keeping her, magaling siya sa ginagawa niya."

Maya-maya ay meron siyang nilapag sa mesa. Isang white folder. Bilang malapit ito sa akin ay ako ang unang nagbukas.

"That was sent to me last night to me from a renowned agency. It was said that this can help in the case."

CAUGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon