CHAPTER 16

5 0 0
                                    

ELLAH MARIE CECILIA

_

Mula hapon hanggang gabi ay panay ang kulitan at kamustahan naming magkakaibigan. Sobrang saya ko dahil sa pagdating nila. Para bang ang lahat ng bigat na naramdaman ko ay nabawasan, nakahinga ako ng mas maayos, at nabawasan ang inaalala kong problema.

Sa sala kaming lahat ngayon at nagmo-movie marathon. Katatapos lang naming maghapunan at ang mga bagong kasambahay na ang naghugas ng pinagkainan namin. Si Ate Sari naman ang naghanda ng snacks habang nanonood kami ng isang comedy movie. Madilim dahil nakapatay ang ilaw at ang tanging liwanag ay nagmumula sa TV.

Siksikan din kami sa sofa dahil lima kami. Si Jan, si Rocky, ako sa gitna, si Stacy at si Zufiya. Si Rocky at si Stacy ang nakahawak ng bowl ng chips kaya magkabilaan ang pagkuha ko. Panay ang tawanan ni Stacy, Zufiya, at Jan. Habang kaming dalawa ni Rocky ay parehong tahimik.

Kahit masaya ako ngayon, hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang kalagayan ko. Kaya siguro hindi ko pa magawang tumawa ng kasinglakas ng kanila.

Napabuntong-hininga ako at napasulyap kay Rocky. Tutok na tutok ang mata niya sa TV pero mukhang hindi naman siya nanonood. Parang tulala siya. Gamit ang liwanag mula sa TV ay nakita ko ang paggalaw ng panga niya at pagpikit ng mariin, ilang segundo na akala ko hindi na siya magmumulat pa. Nang bumukas naman ang mata niya ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at muling tumingin sa harapan.

"Rocky," mahinang tawag ko na nalunod sa tawanan ng iba naming kasama kaya hindi niya narinig. Mahina ko siyang sinundot sa braso kaya napalingon siya sa akin. "Okay ka lang?"

Tumango siya at ngumiti bago ibinalik ang tingin sa palabas. I don't know what he's thinking but I know it's bugging him. Gusto ko siyang tanungin pero ang tanging nagawa ko na lang ay hagilapin ang kamay niya na nakahalukipkip at hilahin iyon ng dahan-dahan. Muli siyang napatingin sa akin na takang-taka sa ginagawa ko. Hinila ko pa iyon papunta sa akin at kahit na nagtataka siya ay kinalas niya ang kanyang pagkakahalukipkip at hinayaan ako sa ginagawa. When I finally held his hand, I entertwined our fingers and placed it above my lap. The warmth of his skin suddenly gave me a relaxing feeling kaya napasandal ako sa balikat niya at pumikit, not minding the noisy laughter around us. Greater warmth radiated off him like a heater and I saw myself snuggling even closer.

I may seldomly said it or haven't told him at all, but deep inside me, I am always thankful and grateful for having him in my side whenever I need him. Before Louhan came, he was my saviour. And I hate myself for forgetting about him and only call him when I need his help. Tulong siya ng tulong sa akin pero heto siya, may tinatagong problema. He's sacrificed a lot for me, na kahit problema niya ayaw niyang ipagsabi sa akin para lang hindi na dumagdag pa ang mga alalahanin ko.

I was slowly dozing off to sleep when I heard gossips around me and there was a rough hand softly carressing my hair, like a little string slowly pulling me in oblivion.

"...have an investigator. He's really good in the field and I'm sure, matatapos na kaagad itong kaso niya," Stacy's faint voice.

"But the investigation has already started. Kailangan na lang nating magtiwala," si Rocky.

I heard shuffling around me, then the carressing was gone. The cotton fabric covered my whole torso, replacing that warmth. Now, sleep is really in me and the voices became more faint until they're unclear.

"Stays what if we use your PI to investigate... Maddel?"

"Yeah, that's good idea, Zufiya! I will arrange that tommorow immediately. Kasi pati ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Ellah tungkol sa kanya."

CAUGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon