Kabanata Anim [2]

1.9K 110 9
                                    

NANLALABO PA ANG paningin ni Eurie nang dahan-dahan niyang idinilat ang sariling mga mata, sa pagtitig niya lupang hinihigaan na nagkulay kahel ay agad siyang napadaing nang maramdaman ang kirot mula sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan. Agad naman siyang napasapo sa kaniyang ulo na parang hinahampas sa sakit gamit ang kaliwang kamay, at saka dahan-dahang bumangon gamit ang kanang kamay niyang itinukod at tumutulak sa kaniya. Sa pag-upo niya sa maalikabok na lupa ay agad niyang nadarama ang malamig na bagay sa kaniyang leeg, mabilis niya itong hinawakan at laking-gulat niya nang makapa ang pabilog na metal na nakasuot sa kaniya, kahit na hindi ito gaanong mahigpit ay hindi naman ito kasya sa kaniyang ulo nang subukan niya itong hubarin.

At para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pagkalansing ng kadena at ang marahang pagyugyog nito sa kaniyang leeg nang gumalaw siya, laking-gimbal na lang niya nang malamang nakatali pala siya gamit ang kinakalawang na kadena na nakapako ang kabilang dulo nito sa pader na nagmumukhang purong bato o lupa sa kaniyang paningin, bagay na pumipigil sa kaniya sa paglalakad papalayo. Kasabay nito ay ang pagbaha ng kaniyang alaala bago siya napunta rito, sa masalimuot at kahindik-hindik na karanasan ay nanginig na lang siya at mistulang napipi nang hindi niya malaman ang sasabihin. Aligagang iginala niya ang paningin sa paligid at napag-alaman niyang nasa loob siya ng parang tunnel na lugar, tanging mga sulo lang na nakasabit sa mga pader ang nagsisilbing liwanag sa paligid ang gamit ang apoy nito na walang-hanggang nagliliyab.

"T-Tulong!" sigaw niya nang magkaroon siya ng lakas-loob at boses.

Umalingawngaw ang kaniyang boses sa paligid at paulit-ulit na nabibigkas ang kaniyang sigaw nang maglakbay ito ere, sa narinig niya ay nakumpirma nga niyang nasa isang lagusan nga siya, at dahil dito ay naisip niyang maaaring nasa paanan siya ng bundok na malapit lang sa kanilang kampo, batid niyang naging parte ito ng pagmimina. Muli siyang sumigaw, paulit-ulit, umaasang may makakarinig sa kaniya na maaaring makakasaklolo. Ngunit wala siyang ibang naririnig na sagot kung hindi ang purong katahimikan at ang boses niyang paulit-ulit na umaalingawngaw sa buong lagusan. At ang hindi niya inaasahang maririnig sa gitna ng katahimikan ay ang boses ng lalakeng hindi niya inaakalang dito niya lang pala mahahanap.

"Eurie?"

At mula sa madilim na sulok ng isang lagusan ay biglang dumungaw ang mukha ng lalakeng puno ng galos at pasa; may suot-suot din itong metal na mala-kuwintas sa leeg at may karugtong na kadena. Agad naman siyang nabigla dito at naluha sa nasaksihan, saglit siyang napipi at napatakip ng bibig habang malalim na napapasinghap ng hangin, maraming salita ang gusto niyang sabihin lalo na't may parte ng kaniyang isipan na sinisisi ang kaniyang sarili sa sinapit nito.

"Wreen? I-Ikaw ba 'yan?"

"O-Oo."

"A-Anong nangyari sa 'yo? A-Ayos ka lang ba?"

"M-May humila sa 'kin no'ng huli t-tayong magkasama...kinaladkad niya ako hanggang dito."

"Nasaan bang bahagi ng gubat itong tunnel Wreen?"

"Hindi 'to tunnel...nasa loob tayo ng kuweba Eurie."

Sa simula ay hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, ngunit nang muli niyang inobserbahan ang paligid ay napagtanto nga niyang nasa loob pala talaga sila ng kuweba. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok siya ng kuweba, pero hindi ito ang kaniyang inaasahan o iniisip na magiging senaryo noong siya ay nangangarap pa lang; walang matutulis na stalagmites at stalactites sa kanilang kinalulugaran, at sa kasamaang-palad ay napunta siya rito dahil sa isang lalake na malaking banta sa kaniyang kaligtasan.

"Eurie? Anong problema." Tanong nito nang matahimik siya.

"Wreen sino ang nagdala sa 'yo rito? Nakita mo ba ang mukha niya?" mabilis niyang tanong dito.

"H-Hindi, m-may gas mask kasi siyang suot."

"Gising na pala kayo."

At nanindig na lang ang kaniyang balahibo nang marinig ang boses nito mula kung saan, balisa niyang iginala ang paningin sa paligid at hinahanap ang presensya nito. At sa dulong bahagi ng mala-silid na lagusan na kanilang kinalalagyan ay roon niya namataan ang bulto ng lalakeng gano'n pa rin ang suot; isang itim na hoodie, kupas na maong; at isang gas mask sa mukha. Sa takot niya rito ay agad siyang gumapang paatras, ang puso niya walang humpay sa pagkabog ng malakas nang muling bumaha sa kaniyang isipan ang kilabot ng mga pinagaggawa nito sa kaniyang mga kaibigan. Gusto niya itong sumbatan, atakehin, at paslangin, pero hindi niya ito magawa dahil sa pinangungunahan na siya ng takot sa kapasidad nito at sa kakayahan nitong gumawa ng masama; at alam niya ring mas lalo siyang walang kalaban-laban ngayon dahil nakatali siya.

Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya dahil hinayaan siya nitong mabuhay o makonsensya na lang dahil sa grupo nila ay mukhang dalawa na lang silang natitirang buhay. Sa unti-unting paghakbang papalapit ng lalake ay ramdam niyang para siyang nanliliit sa kinauupuan. Sa puntong ito ay ngayon lamang niya naranasan na marinig ang nakakabinging mga boses niyang maraming dinidikta sa kaniyang isipan sa kung anong gagawin, sa rami nito ay wala siyang magawa kung hindi ang pakinggan na lang ito at matulala sa kung ano nga ba ang magiging desisyon niya. Naghalo-halo rin ang emosyon niyang matinding galit, nag-uumapaw na takot, tuwa nang makita si Wreen, pangamba sa kung ano pa ang mangyayari, at pag-aalala sa mga kaibigan niya na parang sasabog na sa tindi. Hanggang sa namalayan na lang niya na nilagpasan lang nito ang nagwawala niyang kaibigan sa unahan at halatang siya nga ang pinapakay na lapitan nito.

"Lubayan mo siya! Gago! Huwag na huwag mo siyang subukang hawakan! Hayop ka!" asik ni Wreen na nagwawala sa kinalalagyan nito.

Pero nagbibingi-bingihan lang ito at nagpatuloy sa paglapit hanggang sa mapaupo ito sa harap niya, sa titig pa lang nito at reakson ng mata ay alam niyang nakangiti ang lalake sa likod ng suo-suot nitong maskara, "May ipapakita ako sa 'yo Eurie."

"H-Huwag kang l-lalapit!" nanginginig na sigaw niya rito.

At sa unti-unting pagliit ng distansyang namamagitan sa kanila ay ramdam niya ang pagbigat ng ere at ang kahirapan sa paghinga, ang kaninang binabalak niyang saktan ang lalake ay hindi niya magawa nang manaig ang kaniyang takot dito. Nanigas na lang siya sa kaniyang kinauupuan habang walang-tigil sa pagwawala si Wreen sa kinalalagyan nito, pinanood na lang niya kung paano nito hugutin mula sa sariling bulsa ang kumpol ng mga susi hanggang sa pakawalan siya sa kadenang karugtong ng metal na nakapulupot sa kaniyang leeg.

"Tumayo ka at huwag mong subukang manlaban. May lason ang patalim ko, kaya hindi ka magtatagal sa loob ng kuweba." Ani nito ang tulungan siya ng lalake sa pagtayo, "At kayo ni Wreen ang paborito ko, huwag n'yong sayangin ang tsansang ibinigay ko sa inyo."

"Wreen, o-okay lang ako. H-Huwag kang mag-alala.

Wala siyang magawa kung hindi ang maging sunod-sunuran na lang, hinayaan niya lang na balutin nito ang kaniyang mga kamay sa likod ng posas at itulak siya. Sa gabay ng mahigpit na kapit nito sa kaniyang braso ay nagpatangay lamang siya sa lalake nang baybayin nila medyo malawak na lagusan papunta kung saan. Tanging ang mga nakasabit na mga sulo o apoy sa tabi o batong pader ang nagsisilbing liwanag at gabay nila upang aninagin ang paligid, ngunit kahit sa rami ng bilang nito na nakahilera ay hindi pa rin kayang apulahin ng init ang lamig na nadarama niya sa buong katawan. Naging tahimik lang ang unang mga minuto sa kanilang paglalakad at tanging mga tunog ng kanilang yapak sa purong bato at mabuhangin na lupa ang nag-iingay; malutong ang tunog na nagagawa kanilang mga sapatos na humahakbang hangang sa makalipas ang ilang minuto pa ay naglakas-loob siyang magtanong.

"Ilang taon mo na 'tong ginagawa Ranie?" matapang niyang usal na hindi ito binabalingan ng tingin.

"Hindi Ranie ang pangalan ko, Clifford ang totoo kong pangalan. Magmula no'ng tumuntong ako sa edad na labing-walo, ako ang pumalit sa trabaho ni Papa rito sa gubat. Tinatawag niya lang akong Ranie minsan dahil magkamukha raw kami no'ng namatay niyang kapatid."

"Tangina n'yong mga baliw." Asik niya rito habang patuloy pa rin sa pagsunod sa tulak nitong papunta sa dulong bahagi ng lagusan na napakadilim.

"Hindi mo kasi naiintindihan ang ginagawa namin Eurie kaya ka ganiyan, pero balang araw, matatanggap mo rin ito at maaaring magiging bahagi ka pa." saad nito at hinugot mula sa pagkakasabit ang sulo at binitbit ito.

"Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa sa magaya sa inyo."

Natawa lang ito sa sinabi niya, "Nandito na tayo." Ani nito nang marating nila ang madilim na dulo ng lagusan na nabigyan ng liwanag ng sulo na hawak ng lalake.

Missing Bodies [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon