003

78 10 28
                                    

enlo everything, sana okay lang kayo hehe, grabe kinikilig pa rin ako :P 


So here's chapter 3, vote and comment ♡


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


***


"PUTANGINA 6:45 NA MGA BEH!" 


Bigla naman akong napabangon ng marinig ko 'yon kitang-kita ko si Archie na tumatakbo papasok ng cr kaya naman tumakbo rin ako para unahan ito. Malalate pa nga ata sa first day hayop na buhay 'to. 


"HOY AKO MUNA," sigaw ni Archie. 


"HUWAG KA NG MALIGO GISINGIN MO NA SI EDRIAN AT GAB." 


"HANGAL KA WALA NA SI GAB," tanginang Gabrielle 'yan hindi man lang kami ginising. 


Pagkapasok ko sa cr ay agad-agad naman akong naligo, kahit na nasa Tolentino lang ang condo namin ay kinakailangan ko pa ring magmadali. May dalawa pa kasing maliligo, kung maliligo si Archie. Nagshampoo at sabon naman ako agad, pagkatapos ay nagtoothbrush na rin. 


Minsan talaga ang sarap sakalin ni Gab kung hindi ba naman siraulo, iniwan na lang kami at hindi man lang kami ginising. 


Nang matapos ako maligo ay agad akong nagtapi gamit ang aking tuwalya, buti na lang nasa cr lang ang mga tuwalya namin. 


"OH PUTANGINA MO BAKIT NAKABIHIS KA NA?" pagkalabas ko ba naman naka uniform na si Archie. 


"SPEED LANG PRE." Tiningnan ko siyang mabuti hindi man lang nabasa ang buhok niya. Ang tigas ng mukha first day na first day hindi man lang naligo. Walang hiya. 


"Ang baho ng hininga mo putangina mo. Hindi ka na nga naligo, hindi ka pa nagtoothbrush mahiya ka naman sa makakatabi mo mamaya."


"Pre tabi naman tayo eh," sabi nito sa akin. Pumunta naman ako sa cr at kinuha ang tootbrush ni Archie at inabot sa kanya. 


"Huwag ka ng mahiya sa amin pero sa makakatabi mo please lang mahiya ka naman." 


Dating Sarawat | BrightWin FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon