007

123 11 0
                                    

May pasok nga pala kami kahapon, sobrang boring. May katabi akong paulit-ulit akong kinukulit parang aning lang eh tapos 'yung mga tropa ko ayun inaasar pa rin ako kay Sarawat. Lumipas lang ang araw na para bang walang nangyari char. 


Nag-lesson lang ang mga teacher tapos ako natulog lang ata. Wala pa naman masyadong pinapagawa yung ibang subject teacher kaya medyo chill lang except sa Media Information Literacy na may performance task na agad na kailangan ipasa next week.


Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa may bandang UE para pumunta sa roma at doon kami nagbilyar. Sobrang chill lang eh wala namang pasok bukas, Friday naman bukas at wala kaming pasok. Medyo demonyo pa naman ang mga 'to. Oo nga pala, nagyaya nga pala uminom si Archie at lahat kami ay hindi pumayag lalo na si Sarawat na todo iling pero parang gusto din, weirdo. 


9:30 na nga pala ng umaga ngayon at nasa condo kaming lahat pati si Sarawat. Binigay ni Edrian sa amin yung script na gagamitin namin para sa shooting. Nandito nga pala kami sa sala at nagsisiksikan 'tong si Sarawat dikit nang dikit kahit tinutulak ko siya palayo ang kulit eh. 


"Oh ayan 'yung script na gagamitin natin at ipapasa natin kay miss," sabi ni Edrian at inabot sa amin ang mga scrip pagkatapos ay umupo na siya sa lapag. 'Yung mga may ari ng bahay nasa lapag ng bahay habang itong si Sarawat ay nakatabi sa akin at sinisiksik ako. Paano ba naman nasa gitna namin ni Archie si Sarawat tapos 'tong si Archie naman ginigitgit si Sarawat pucha. 


"Tumigil nga kayong dalawa," umayos ako ng upo at tiningnan si Archie at Sarawat. "Para kayong mga bata."


"Edi doon ka sa lapag umupo epal ka," sabi ni Archie at siniko naman siya ni Sarawat. Hindi ako umalis sa pagkakaupo kasi mas komportable naman talaga umupo sa sofa 'no. 


"Aralin niyo ng dalawa 'yan Sarawat at Tine ayusin niyo ha, tingnan ko muna 'yung battery kung full charge na," sabi ni Gab at pumasok sa room. 


"Oh bakit kaming dalawa lang ba?" tanong ko. 


"Wala ka talagang alam 'no? Wala ka kasi 'non. Cheer cadets ka pa ha," sinamaan ko naman ng tingin si Edrian. Akala mo naman talaga, sakalin ko siya eh. 


Biglang lumabas si Gab sa kwarto namin, "Hindi pa full eh aralin niyo muna yung script tapos practice then shoot na tayo later." 


Sinumalan ko ng basahin 'yung script na binigay ni Edrian sa amin kanina at mukha namang normal 'tong ginawa nila ni Archie. Dalawang pages lang 'to kasi short film lang naman ang pinapagawa sa amin ni miss. Mag-aacting din naman pala sila pati si Gab. Kinakailangan pala na makita ang lahat sa film, malay ko ba. 


"OH PUTANGINA BAKIT GANYAN YUNG DULO?" tanong ko kasi kakaiba 'yung nabasa sobrang cringe po. "SINO BA NAGSULAT NITO HA?" 


"Kami, bakit?" tanong ni Archie sa akin. 


"Tangina mo bakit naman ganto line sa dulo?" pinakita ko kay Archie 'yung nasa dulong part at nilipat naman ni Sarawat 'yung kopya niya ng script sa next page at tawang-tawa ito ng nabasa niya 'to kaya siniko ko ito at tumigil siya sa pagtawa. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating Sarawat | BrightWin FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon