004

64 12 23
                                    

Kakatapos lang ng klase at pahirapan pa nga pala bago namin nakuha yung ID ni Archie kay Ms. Fernandez, share ko lang.  Nasa may trese nga pala kami ngayon. Sa may tapat lang ng FEU ang trese at madami kang makikita na estudyante na nakatambay dito after class. Buti na lang at kakilala namin 'yung bantay dito at nakakuha kami agad ng table. 


"8-ball ba? Doubles?" tanong ni Archie. 


"Break mo na dami mong sinasabi," sabi ni Edrian. 


"Kami ni Archie ah," kumuha ako ng tako at tisa. Magaling nga pala magbilyar si Archie at Gab, habang si Edrian bonak naman magbilyar. Ako literal na kalmado lang. 


"Ayusin mo buhay mo Tine 'wag puro pacute," sinamaan ko naman ng tingin si Archie. Siraulo talaga amp. 


"Cute talaga ko, literal." Bireak nama agad ni Archie at may pumasok kaya naman tumira muna si Archie. 


"Sarawat dito," hanggang dito ba naman pangalan niya pa rin ang maririnig ko. 


"Hi baby," pucha napalingon naman ako at nandito nga talaga si Sarawat jusko. 


Tiningnan ko yung nasa tabing table namin sila kasi ang tumawag dito kay Sarawat. From UST pa lang ang mga 'to baka mga dati niyang tropa ang mga ito. Mukhang mga siga 'yung mga tumawag kay Sarawat. 


Nilapit naman ni Sarawat ang mukha niya sa akin, "Mamaya na lang baby punta muna ko sa mga tropa ko." 


"Hindi mo ako baby at never mo ako magiging baby. Tigilan mo ko." 


"Hindi mo sure, Tine." 


Pumunta naman si Sarawat doon sa mga tropa niya kaya naman sinundan ko naman 'to ng tingin. Nakipagkamay pa ito sa mga tropa niya habang binabati ang mga 'to. 


"Man, bakit naman kayo pumunta dito," sabi ni Sarawat at inakbayan naman siya nung kinakausap niya. 


"Ano ka ba Wat para namang ang layo-layo ng UST dito." 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mukha namang mabait 'tong kausap ni Sarawat pero mukhang siga-siga sa kanto. 'Yung mukha nung dalawa ay parang hindi gagawa ng tama, char. Feeling ko hindi 'to pwede maging tropa ni Edrian lalo na 'yung isang kasama nila. 

Dating Sarawat | BrightWin FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon