So eon kinikilig pa rin talaga ako hehe, kahit na ang dami ko ng napanood na bl series huhu :(( Enge po ng Tine at Sarawat :>
Dedicated to @timoteeth ♡
Here's chapter 2, vote and comment mwa!!
***
Nasa kotse ako ngayon at papunta kaming Manila ngayon kasama ko si mommy at ihahatid niya ako ngayon. Pagkatapos kasi nung nakaraan ay umuwi kaming magkakaibigan sa kanya-kanya naming bahay kinabukasan. Bukas na nga pala ang pasok namin at makikita ko na naman ang mga kupal kong kaibigan. Nasa may Cainta na kami ni mommy, buti na lang at hindi masyadong traffic. Maya-maya ay may biglang tumawag sa kanya at agad niya naman itong sinagot, nakaconnet naman sa ang phone niya sa kotse.
"Hello," sabi ni mommy habang naka focus sa pagdadrive.
"Nasan na kayo? Nasa Manila na kami ni Edrian," mommy pala ni Edrian ang tumawag.
"Nasa E. Rodriguez na kami," siraulo amp E. Rod daw eh nasa may Santolan pa lang kami. Alam niya kasing maiinis si Tita Miranda kapag sinabi niyang malayo pa kami.
"Nako kilala kita Sophia, wala ka pa sa E. Rod 'wag mo akong pinagloloko ha!" natawa naman ako kasi parehong-pareho sila ni Edrian na ayaw pinagiintay.
"Pwede wait? Ang aga-aga binubwiset mo ako Miranda."
"Malapit na rin daw sila Ava at Gabriella epal ka talaga kahit kailan eh no," si Tita Ava naman ang mommy ni Archie at si Tita Gab ay mommy ni Gabrielle, malamang.
"Sino ba kasing nakaisip na magmeet tayo ha? Ayokong-ayoko pa naman makita 'yang mukha mo, habang tumatagal lalo kang pumapanget sa paningin ko," hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya naman tumawa ako nang malakas na narinig pala ni tita.
"HOY 'WAG MO NGA AKONG SINISIRAAN ANDYAN PALA SI TINE."
BINABASA MO ANG
Dating Sarawat | BrightWin FF
FanfictionSarawat asked you to have 10 dates with him, will you take the risk of falling in love? --- Credits to @MizzyFantasia for the book cover ♡