Masipag mag-update bcs walang magawa, charns. Gusto ko na mapanood yung episode 1o handa na po ako kiligin HAHASAHAHASH
Here's chapter 5, vote & comment!! ♡ (ps. dont forget to wash you hands & stay safe mga bb)
***
Umagang-umaga ay nagtatawanan kaming tatlo. Nandito kami ngayon sa sala at kumakain ng aming breakfast. 6:20 na nga pala ng umaga at nakaligo na kaming tatlo. Tawang-tawa pa rin kami sa ginawa namin kay Gab kagabi. Napag-usapan kasi naming gagantihan namin si Gab at hindi naman namin alam na may plano na pala agad si Archie.
Sinabihan kami ni Archie na intayin naming makatulog nang mahimbing si Gab. Kaya naman kagabi nung feeling namin mahimbing na ang tulog ni Gab ay kinuha namin ang phone niya na nagchacharge binuksan namin ang phone niya. Binuksan namin gamit ang Face ID niya syempre tapos pinatay namin lahat ng alarm niya. Alam kasi naming hindi nagigising nang maaga si Gab kung walang alarm. Ganti lang para sa hindi paggising niya paggising sa amin kagabi. Nang matanggal nami lahat ay napag-isipan na naming matulog. Hindi ko binalik sa pagkakacharge ang phone ni Gab, alam ko namang buhay niya 'tong phone niya, hehe.
Kaninang 5:50 AM ay nagising si Archie at dahan-dahan niya kaming ginising ni Edrian kaya naman inutusan niya kaming maligo na para habang nagluluto siya naliligo na kami. Kaya ito ngayon tawang-tawa pa rin kami habang kumakain.
"Tangina niyo tumahimik nga kayong dalawa baka magising 'yan si Gab," sabi ni Archie sa amin.
Ang sarap ng sinangag na luto ni Archie may mga hotdog pa ngang kasama 'tong sinangag niya eh. Tapos may itlog at tocino para sa ulam.
"Ubusin ko na ba 'tong itlog at tocino?" tanong ni Edrian na halatang-halata mo naman na nag-eenjoy sa kanyang pagkain.
"Oo pre hayaan mo 'yan si Gab hindi rin naman tayo nakakain ng breakfast kahapon," sabi ko kay Gab at inilagay ang plato ko sa may lababo at dumiretso sa cr para magtoothbrush. Maya-maya ay sumunod naman ang dalawa sa aking at nagtoothbrush, improving na si Archie ah.
6:30 AM na ng lumabas kami ng kwarto at pumila na kami para sa elevator, sira pala yung dalawang elevator kaya hassle. Sana nga matapos na nilang ayusin 'to para hindi na masyadong hassle sa mga estudyante.
"Pre puntahan ko lang si Sarawat," sabi ni Archie sa amin.
"Huwag na pre makikita rin naman natin siya sa school," hindi ako pinansin ni Archie at akmang aalis na nang biglang dumating si Sarawat.
"Narinig ko 'yon baby, good morning sa'yo." Ang linis-linis nga naman nitong lalaking 'to. Walang bahid ng lukot ang uniform at naka shine pa ang sapatos nito napatingin naman ako sa katabi niyang si Archie. 'Yung damit nito gusot-gusto walang bago tapos 'yung sapatos parang inilakad sa putik sa dumi. Jusko.
"Good morning Wat," sabi naman ni Edrian.
BINABASA MO ANG
Dating Sarawat | BrightWin FF
FanfictionSarawat asked you to have 10 dates with him, will you take the risk of falling in love? --- Credits to @MizzyFantasia for the book cover ♡