006

56 11 24
                                    

Kamusta naman 'yung recent episode mga mare, nawindang ba kayo? Kasi ako oo. Sana all na lang talaga HAHAHAHAHA! Wash your hands and stay safe!!


Medyo maikli nga po pala ang chapter na 'to hehe. Enjoy reading, vote & comment! 


***


"Teka lang pre magtitimpla lang ako ulit," dahan-dahan namang tumayo si Archie sa pagkakaupo sa lapag at nasagi niya pa 'yung isang pulutan kaya naman nagkalat ang mga laman nito sa lapag. 


"Mag-ingat ka naman pre," sabi ni Edrian habang pinupulot 'yung mga nalaglag na tsitsirya at binabalik sa lalagyan. Napailing na lang ako sa ginagawa nito, ang dugyot. 


Napunta ang atensyon ko sa dalawang magkatabi na si Man at Gab na nagtatawanan. Napahilot na lang ako sa aking sentido ng makita ang ginagawa nitong dalawa. Pinupulot ni Man 'yung ibang nahulog at ibinibigay kay Edrian, ito namang si Edrian ay tuwang-tuwa pa na kinakain 'to. Ganon din naman ang ginagawa ni Edrian, pulot sabay bigay kay Man. Pareho ata silang nag-gagaguhan. 


Yumuko ako at kumuha ng isang pirasong tsitsirya at hinagis kay Gab kaya napalingon ito sa akin. 


"Ano bang problema mo? Gusto mo bang magsuntukan tayo?" tanong nito sa akin at akmang tatayo pa pero natumba siya, nahihilo na siguro. Buti na lang at napapagitnaan siya ni Man at Boss. Mababa kasi ang tolerance ni Gab pagdating sa alak. 


Panglimang bote pa lang namin ng gin, low budget kasi kami ngayon. Tamang timpla lang kami ng gin. Pangalawang araw pa lang ng pasok namin pero parang lahat kami ay wala ng pero o sadyang tinitipid lang namin ang sarili namin sa alak. Mura o mahal na alak, pareho lang naman ang epekto na malalasing kami. 


"Kapag ikaw nagdrunk call or text kay Claire papalayasin kita sa condo siraulo ka," sabi ko kay Gab na ang sama-sama ng tingin sa akin. 


"Gusto ko 'yang naisip mo. Nasaan ba ang phone ko?" kinakapkapan ni Gab ang sarili niya at hindi niya mahanap ang phone niya kaya naman dinuro niya si Man pagkatapos ay dinuro niya naman si Boss. "Saan niyo tinago phone niyo? Kayo ha?" Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. 


"Nasaan phone ni Gab?" tanong sa akin ni Sarawat na prenteng nakahiga sa kama niya ngayon. 


Bahagya kong tinanggal ang kumot na nahihigian ni Sarawat at pinakita ang phone ni Gab na tinago ko. Kinuha ko 'to kanina nung nagcr si Gab alam ko kasing kapag natamaan 'to tatawagan o itetext niya si Claire. Paano siya magmomove-on kung hindi niya tutulungan ang sarili niya. 


"Siraulo ka talaga," sabi ni Sarawat sa akin na feeling close amp. 


"Game game," sabi ni Archie nang makabalik na 'to sa pwesto namin. 


Nagsimula na kaming umino ulit at magkwentuhan. Kitang-kita namin ni Sarawat kung gaano kataas ang itinataas ni Archie kapag shot na ni Edrian at Gab. Sobrang nakakatawa kasi kapag 'tong dalawa ang nalasing. 

Dating Sarawat | BrightWin FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon