[001]

57 6 0
                                    

ANDROMEDA

"Anak, gising na." bati sa akin ni mommy sabay tapik sa aking braso para magising ako mula sa malalim kong tulog.

"Hmm."

Naramdaman ko ring umupo siya sa tabi ko.

"Malelate ka na sa pasok mo sa school." gising niya pa sa akin.

"Hmm." napalipat naman ako ng direksyon kasi tinatamad ako bumangon. Sa totoo lang.

"Babangon ka o kikilitiin kita?" tanong niya pa sa akin.

"Ma!" tugon ko nang simulan niya na akong kilitiin. Nakakairita kaya!

"Bumangon ka na kasi, Andy!" sigaw niya sa akin.

"Ito na nga! Ito na!" sabay upo sa tabi ng kama.

Nakakainis kasi. Ika nga nila, guluhin mo na ang lahat 'wag lang ang taong tulog.

"Miting de Avance mo ngayon. Baka nakakalimutan mo, anak." pagpapaalala sa akin ni mommy.

"Ay! Oo nga pala! Shocks! Wala pa akong script! Nakatulog ako kagabi kakagawa ng projects, ma!" sambit ko sa kanya. Muntik pa akong maiyak.

Napakuha ako sa cellphone kong nasa side table lang ng kama ko.

Inaayos naman ni mommy 'yung mga schoolworks na natulugan ko sa kama.

"Ala-una pa lang naman, Andy." pagkasambit niya noon ay nakita ko na rin sa ang lockscreen na Thursday, 1am pa nga lang.

Alas sais pa ako aalis para pumuntang school kasi mag-aayos pa kami ng auditorium. Vice-President ako ngayon ng student government sa Philippians International Academy kaya marami rin akong inaasikaso maliban sa acads ko at campaign week.

Napasulyap naman ako kay mommy. Nakangiti siya sa akin at dahil doon, napangiti rin ako pabalik.

"Thank you!" sambit ko sa kanya sabay yakap. Niyakap niya naman ako pabalik.

Kahit kailan talaga, life saver si mommy. Lumuwag naman ang yakap niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Oh siya! Ituloy mo na 'yung ginagawa mo. Nakwento mo kasi kanina sa hapunan na hell week mo ngayon tapos kasabay noon ay ang campaign week niyo." sabi niya.

"Nabanggit mo ring hindi mo pa nagagawa 'yung final script mo para mamaya kasi impromptu lang yung sa room-to-room campaign niyo pero alam mo namang lahat ng mga kailangan mong sabihin ay nabanggit mo. Galingan mo, anak. Alam kong kaya mo 'yan." pag-encourage sa akin ni mommy nang nakangiti at may pa-thumbs up pa siyang nalalaman.

"Umagang-umaga pinapaluha mo naman ako, ma!" pagpunas ko ng mga luhang naipon sa mata ko. Natawa naman siya bilang tugon.

"Remember, I am and I will always be proud of you." sambit niya pa at saka siya tumayo. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niyang iyon.

"Thank you mommy! I love you!" pahuling-bati ko sa kanya bago siya lumabas ng kwarto ko.

Binalik ko sa side table 'yung phone ko para mabawasan ng distractions. Tumayo naman ako para kumuha ng papel at ballpen sa bag ko at pagkatapos ay umupo na ako sa upuan ng study table ko para simulan na ang script ko para mamaya.

Hay. Miting de Avance na naman.

Thursday, 3pm na ngayon. Nakatalikod ako ngayon at nakasuot ng shades. Wala lang, naisip lang namin para makuha yung atensyon ng mga hindi nakikinig.

Nakalugay ang mahaba kong buhok pero kinurl nang pa-beach waves ni Amalia, ang best friend ko, kanina sa backstage. Kakaaral niya lang daw kasi. Ako pa talaga pinagpractice-an niya pero maganda naman.

As You Wish Upon the Stars [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon