"Bye, Kate!" kaway ko kay Kit-kit na nakaupo sa shotgun seat ng kotse ni Tita Gianna."Ito oh, pasalubong galing sa Batangas." sabay abot ni Tita ng isang paper bag mula sa passenger seat.
"Thanks po." tugon ko naman.
"Asan pala si Pia?" tanong sa akin ni Tita Gianna.
"Maaga po umalis Tita eh. Hindi ko po naabutan." sagot ko naman.
"Ay ganoon ba? Hindi ko kasi siya macontact habang papunta ako dito."
Huh? Saan naman kaya pumunta si mommy? Eh ang sabi niya ay may pupuntahan kami mamaya.
"Sige, Andy. Mauuna na kami. Salamat ha!" paalam ni Tita.
"Welcome po! Ingat po!" paalam ko rin.
Bumalik na ako sa loob para ilatag ang pasalubong ni Tita galing sa Batangas.
Mayroong isang bote ng honey, isang pakete ng tablea at dalawang packs ng kapeng barako. Mayroon ding isang malaking takeout ng bulalo.
Siguro kaya tatawagan sana ni Tita Gianna si mommy ay para isurpresa siya. Paborito kasi ni mommy ang bulalo.
"Manang! May bulalo po!" tawag ko kay Manang dahil mahilig din siya sa bulalo.
"Sige, iinitin ko."
Inabot ko naman sa kanya ang container ng bulalo.
Umupo na muna ako sa kabiserang upuan ng dining set habang naghihintay. Lagpas tanghali na kasi at hindi pa ako kumakain mula ng dumating kami ni Kate mula sa church.
"Daddy, saan pumunta si Mommy?" tanong ko nang mapansing kakababa lang ni Daddy sa hagdanan.
"I was about to ask you the same thing." sagot niya naman kaya nagulat ako.
"Manang Marites, alam niyo po ba kung saan pumunta si Pia?" tanong ni Daddy kay Manang na iniinit na ang bulalo.
"Hindi ko siya naabutang umalis, Geoffrey." sagot ni Manang.
"About last night, nag-away po ba kayo?" tanong ko kay Daddy na nagtitimpla ng kape niya.
"Just a little misunderstanding, Andy." walang-ganang sagot niya.
"Okay." maikling tugon ko.
"Don't worry. She'll be home later." paninigurado ni Daddy. Tumango naman ako.
Oo nga, uuwi 'yan si Mommy! May plano pa kaming pumunta sa paborito naming spot.
Pagkatapos ay kumain na kami ng tanghalian.
Habang naghihintay kay Mommy, pumunta ako sa vintage room namin. Dito nakalagay ang mga koleksyon ni daddy ng vinyl records at mga antique na gamit ni mommy.
Yung photo albums ay dito rin nila nilagay.
Umupo muna ako sa malaking upuan at kinuha ang pinakamalapit na album na makukuha ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Si Ate Eryn, ang president ng student government.
"Lyrica, we have to talk about the upcoming Year-End Party." bati niya kaagad sa akin.
Magaling mamuno si Ate Eryn kaya napakaseryoso niya minsan.
Napatayo naman ako dahil sa gulat. Dahilan para mahulog ang album na nasa lap ko kanina.
Mamaya ko nalang 'yan aayusin.
"Oh right! I almost forgot. Do we have to make an urgent meeting?" tanong ko sa kanya habang palabas na ng vintage room.
BINABASA MO ANG
As You Wish Upon the Stars [ON HOLD]
FantasyLyrica Andromeda Aquino has always been known as the daughter of one of the most popular businessmen in the nation. To be independent, she decided to stand up and use her voice to defend what's right and just. Yet, behind the brave aura she has, she...