[004]

25 0 0
                                    


"Surprise!!!" bati naman ng mga tao sa akin pagkatanggal ng piring na nilagay sa akin ni Ling-ling.

Edi kunyari nagulat ako.

Naglalaro kasi kami kanina ng Marco Polo, eh ako raw ang taya. Umabot pala ang paghahanap ko hanggang lanai kaya hindi ko napansing may celebration nung pagpasok namin kanina sa bahay. Nasa likurang bahagi kasi ng bahay namin ang lanai.

Nandun sila Manang, mommy, daddy, Kars, Kit-kit, Jay-jay at iba ko pang mga close friends. Lahat sila nakangiti sa akin. Marami sa kanila ay may hawak na camera at nakatutok sa akin. Artista na ata ako, ma.

Mayroong mga dekorasyon sa pader at nakapaskil ang balloons na nagfoform ng words na 'Congratulations Andy'. Meron namang long table sa gitna at may boodle fight na nakahain doon.

"AH!" sigaw ko naman nang marinig na late pumutok ang confetti popper. Si Perry, ang kaklase ko, ang may hawak noon. Nasa kanang bahagi ko pala siya kaya hindi ko napansin kanina.

"AY!" sigaw ko pa ulit dahil may late na pumutok na confetti popper na mula naman sa kaliwang bahagi ko. Galing naman 'yon kay Gideon, kaklase ko na naman. Napaform naman ang labi niya ng isang pilit na ngiti—halatang may maling ginawa.

"Nasurprise ako doon." sambit ko habang nakangiti at nakadikit ang dalawa kong kamay.

Doon lang.

Nag-yey naman ang iba bilang tugon.

"To start the celebration, magdasal muna tayo." pagbati naman ni mommy.

Si mommy na ang nag-lead ng prayer.

Nang matapos ito ay naghudyat naman si daddy na "Kainan na!"

"Saglit! Wear plastic gloves muna." pagpigil naman ni Kars habang may hawak siyang box ng plastic gloves. Hay. Kahit kailan nga naman Kars, ang hygienic mo talaga.

Nagsipilahan naman ang mga friends ko para humingi sa kanya ng gloves. Sila mommy lang naman ang matatanda dito. The rest ay mga kaklase at kaibigan ko na.

Nakatingin lang ako sa kanila habang naka-cross ang dalawa kong kamay.

"Ito naman si Perry at Gideon. Iyon na nga lang ang trabaho ay hindi pa nagsabay." reklamo naman ni Ling-ling sa dalawang nagkamali kanina habang nakapila.

"Si Perry kasi!" sisi naman ni Gideon.

"Anong ako?" tugon naman ni Perry.

"Hindi ka sumunod sa countdown." sagot naman ni Gideon.

Hala. Sige. Magsisihan pa kayo.

"Sige! Magsapakan kayo ah! Ako referee!" sigaw naman ni Kit-kit sa kanila.

Napaayos naman ng tayo sa pila ang dalawa.

"Oh! Ayan! Baka kasi wala kang balak pumila." abot naman sa akin ni Jeremy ng plastic gloves.

"Para sa akin nga 'yung celebration tapos pipila pa ako." pang-aasar ko namang sagot sa kanya habang sinusuot ang binigay niyang gloves sa akin.

"Aba syempre! Gutom tayong lahat dito. Attitude ka ha!" pagtataray niya naman sa akin kaya napatawa ako.

Pagkatapos no'n ay kumain na kami at nag-karaoke. Nagpakasaya hanggang lumubog ang araw dahil, sa wakas, tapos na ang hell week namin.

As You Wish Upon the Stars [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon