[003]

17 3 0
                                    


"Thank you for those people who believed in our capabilities. Rest assured that we will do our best for the next academic year. I'm just so grateful right now that I can't find the right words to say." pagpapasalamat ko.

Tumigil ako sandali para punasan ang mga luha ko. Mga luha dahil sa kaligayahan. Hinigpitan ko ang hawak ko sa mic dahil kinakabahan ako. I composed myself dahil may sasabihin pa ako.

"Just a minute ago, I doubted myself, my capabilities as a person. When I heard my name being called, I don't know if it's true and if I really deserved it. Don't be afraid to take risks! Don't be afraid of rejections! Because those things mold you to be better. A thought came into my head while walking up the stairs and reminded me that I always have a great God by my side. A quick reminder for every conqueror out there, the God that is always with us, can do the impossible. Have faith and continue believing in Him, Philippians." pahuling-bati ko sa schoolmates ko habang nakangiti. Pinalakpakan naman ako ng schoolmates ko bilang tugon.

Parang naging sermon na ata yung ginawa ko. But that's fine, at least I get to share my thoughts. Hindi ko matanaw sila Amalia mula sa stage dahil sa mga luhang ayaw kong pakawalan.

"Ladies and gentlemen, the newly elected student government officers for academic school year 2015-2016. Give them a round of applause." sabi naman ng emcee.

Naghawak-hawak kami ng kamay at sabay-sabay na nag-bow.

Nang matapos ang event ay madaming lumapit sa amin para batiin kami sa pagkapanalo. Binati rin pala ako ni Ate Dahlia kanina. Mabilis na lang ang naging pangyayari dahil dismissal na rin namin.




"Wala akong pera ngayon! Pinambili ko nga ng boto yung ipon ko. Paulit-ulit nalang." naiirita kong sagot uli kay Jay-jay or si Jeremy dahil kinukulit ako na ilibre ko raw sila kasi nanalo ako.

Halata rin naman sa mukha ni Jay-jay na naiirita na rin siya sa sagot ko. At least, mananahimik na rin siya. Kanina pa yan nag-iingay parang batang inagawan ng candy.

Nasa labas kami ngayon ng school at kumakain ng siomai rice habang nakatayo sa malapit na tindahan. Onti nalang ang mga nakatambay na estudyante dahil maraming nagsipuntahan sa mga malls dahil early dismissal. Ako naman, literal na talaga, wala na talaga akong pera. Napasubo nalang ako ng spoonful mula sa pagkain ko dahil sa naisip kong 'yun.

At sasama pa talaga sila sa akin pauwi sa bahay namin dahil makikikain daw sila. Ang bilin naman sa akin nila mommy ay wala sila ngayong araw dahil may convention silang aatendan kaya naka-day-off sila Manang. Edi walang mag-aasikaso sa amin kung bibisita sila sa bahay.

"...at saka wala sila manang ngayon! Day-off nila kasi nasa convention sila mommy. Pwede naman sa bahay kaso ayoko namang ako rin yung magliligpit ng pinagkainan natin! Pagod ako today Jay-jay." sambit ko habang ngumunguya. Nagpayakap pa ako kay Jay-jay kasi burnt out na talaga ako ngayon.

Tinatap nalang ni Jay-jay ang likod ko para gumaan kahit papano ang aking pakiramdam.

Napahiwalay naman ako saglit sa kanya nang may matandaan ako.

"Ang tagal naman nila Ling-ling! Kanina pa sila ah!" Pagrereklamo ko kay Jay-jay.

Si Ling-ling o minsan ay Ling ay si Amalia. Kit-kit naman ang tawag namin kay Kate. Ginagamit lang namin ang nicknames namin kapag wala na kami sa school.

"Ikain mo nalang 'yan, Andeng. Dadating din yan sila. Napakabagal kasi maglinis ng mga 'yon eh." sagot naman ni Jay-jay. Cleaners kasi tuwing Friday sina Kit-kit at Ling-ling. Ngayon lang sila hindi nagpahintay sa amin sa labas ng room dahil gutom daw ako kahit hindi naman.

"Narinig ko 'yon, pangit!" biglang sambit ni Ling-ling kay Jay-jay. Sinungitan naman ni Jay-jay si Ling-ling dahil doon.

"Oh? Nasan si Kit-kit?" pagtukoy ko naman kay Kate na missing in action.

As You Wish Upon the Stars [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon