Chapter 29

2.6K 127 11
                                    

[Charl's PoV]

          

Malakas ang hiyawan na nagmumula sa basketball covered court nang makarating kami ni Shin.

        

Tulad nang sinabi ko kanina, eksaktong 9 am ay ginising ko siya. Hindi naman ako nahirapan sa paggising sakanya sapagkat alam ko kung papaano ito mapapanangon agad.

        

Mabilis din naman kaming nakarating sa Hillman dahil naka motor lang kami at madaling makakalusot sa traffic.

           

Kasalukuyan kaming sabay na naglalakad ni Shin papasok sa Court. Bitbit niya sa kanang kamay ang paper bag na naglalaman ng sapatos niya samantalang nakasuot na sa ilalim ng tshirt na puti nito ang kaniyang jersey.

        

Nang makapasok, maraming tao na ang nasa loob. May iilang napadako ang tingin sa amin at agad na napapatulala saka natatahimik bago nila sikuhin ang mga katabi nila at ituro kami.

        

Hindi namin pinansin ang mga tingin at agad na naglakad kung nasaan ang 3-A. Agad na tumango sa akin si Shin para magpunta sa bench nila samantalang dumeretso naman ako kung nasaan ang iba naming kaklase. Hindi naman mahirap hanapin ang mga ito dahil kahit na Intramural, mga naka school uniform ang lahat maliban sa mga manlalaro at sa section namin.

        

Nakatulong din na naka distansiya ang ibang mga estudyante sa kumpol ng 3-A.

        

Nang makarating ako kung nasaan sila, agad na sinenyasan ako ni Dan na maupo sa nireserbang space nito para sakin.

     

"How's your game?" tanong ko rito nang makaupo.

        

Kaninang umaga kasi naganap ang laro nila na volleyball na hindi ko na napanood pa dahil nga sa naiwan ako sa black building.

       

"Basic. Mamayang hapon ang second game namin, mama lot," nakangiting sabi nito na agad ko ring ikinangiti.        

        

Nice.

       

Inilibot ko ang tingin sa mga kasamahan. Nakatingin sa direksiyon ko ang kambal na nakaupo sa may likod namin at tila pinag aaralan ang aking mukha. Nang makita nila akong nakatingin sakanila, agad silang umiwas ng tingin. Suot pa nila ang jersey nila.

      

Sina Georgia at Selena naman ay busy sa isang tabi na inaayos ata ang mga inumin at bimpo para sa mga kaklase namim. I couldn't help but smile. These two...

      

"Sana makanood ka na sa second game namin, Ma Lot," nakangiting sabi ng isa ko pang katabi na si River.

       

Nag thumbs up naman ako sakanya na ikinalapad ng ngiti niya.

       

Tinignan ko ang oras sa aking cellphone. Ten minutes before 10. Napatingin ako sa may ibaba kung nasaan ang mga players ng aming section.

      

Nag i-stretching si Kleoff habang nag uusap naman si Shin at Gray na nasa bench bilang substitute kung sakaling may hindi magandang mangyari sa loob ng court. Nandoon din si Prince na nakatingin pala sa akin kaya bahagya akong tumango sakanya.

Secrets of the MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon