Chapter 43

2.2K 124 28
                                    

[Charl's PoV]

           

"Sana next time, buong 3-A naman," nakangiting sabi sakin ni Athan habang naghihintay sa mga kaklase namin na pumasok.

        

Kaming dalawa lang kasi ang maagang pumasok ngayong lunes kaya kami palang ang tao. He even cleaned the classroom dahil  sa naiwan itong makalat nung Biyernes. Minsan nga iniisip kong baka marami ng ipis, daga at ahas dito.

           

Ang tanging nagawa ko lang ay iusog usog ang mga upuan dahil hindi naman na niya 'ko pinatulong pa kanina. He said he could do it just fine and so I let him be.

            

Ngayon, nakaupo nalang kami at nag k-k'wentuhan. Napag-usapan namin 'yung mga photos na in-upload ng mga itlog sa IG at nasabi nga niyang sana sa susunod na pagkakataon, buong 3-A naman ang magpupunta roon. Mayroon nga ring in-upload si Prince, 'yung kaming dalawa lang pero nag photobombing pala ang mga itlog sa may likod kaya hindi masyadong naging issue sa klase.

         

I just smiled at him. Ang gaan lang kasi niyang kausap. He's giving me a vibe that is similar to Uno. Brotherly-like vibe.

           

He was looking intently at me. "May I ask you a question?"

              

"Hmm?"

           

"Nalaman ko lang kina Kleoff na inalok ka pala ni Pres na maging Muse. Napag isipan mo na ba kung tatanggapin mo kung sakaling ikaw ang may pinakamaraming papel na  boto na makukuha?" He was very cautious with his words. Napabuntong hininga ako. Mukhang ipinapangampanya na nga ako ng mga itlog.

              

Nakipaglaban ako sa tingin niya. "I also heard about you being close with the first muse. Do you disagree with Grayson, then?"

                 

It took him a while before answering. "To be honest, I don't want any other woman to take the position of the muse. I believe that only Ken is suitable to be called as 3-A's muse. However, I trust Grayson's judgment. If he believes that you are suitable, then I 'll accept it," he said seriously. Halata sa tono niya ang hindi pagsang ayon sa kagustuhan ni Gray pero mas piniliniyang intindihin at tanggapin ito.

          

I smiled a little. "That sucks." He raised his eyebrow at me. "Naiintindihan ko kung paano umiikot ang sistema sa 3-A. Ang mga pinipili niyong maging 'leaders' ay ang mga taong pinagkakatiwalaan niyo at tingin niyong may kakayahan na pamunuan kayo. However, I think that you guys have failed to consider na tao rin ang mga taong niluluklok niyo." My smile faded. "They are bound to make decisions na k-kuwestyunin niyo. They are bound to make decisions na ikapapahamak niyo. "

          

"Kapag nangyari 'yon at nanatili kayong tahimik, they will break. Sinong may mali? Sila? Not really." Hindi magiging epektibo ang pamamahala ng mga officers ng 3-A kung lahat ay magiging sunud-sunuran lang sa bawat desisyon nina Shin at Grayson. They are supposed to be leaders, not rulers.

          

One thing I have noticed sa klase nila simula nung pumasok ako sa 3-A, pinapakinggan naman nina Grayson at Shin ang mga suhestiyon nila pero mas nananaig ang pakikinig nila sa kagustuhan ng dalawa.

Secrets of the MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon