Chapter 58

2.1K 122 88
                                    

[Dos' PoV]

Muli akong napasipat sa wall clock sa loob ng kuwarto ko at nakitang mag a-alas dies na.

Hindi ko naiwasang makakapa ng pangamba sa dibdib dahil hanggang ngayon, wala pa si Charl.

Magmula nang malaman kong kapatid ko siya, hindi parin maproseso ng sistema ko ang katotohanan. Napabuga ako ng hininga.

Dammit, Dos. Get a grip. Kahit anong tanggi mo, kapatid mo siya. Hindi ba't iyon din ang dahilan kung bakit hindi ka niya kinausap noon?

Mabilis kong pinalis sa isip ang mga boses na gumugulo sakin. Lumabas ako sa kuwarto para sana uminom ng tubig pero agad na natigilan nang makita si Uno na tila hindi mapakali sa sala. He was pacing back and forth with his phone placed on his left ear.

"Damn, Princess. Why aren't you picking up your phone?" he asked furiously.

Pakiramdam ko ay may tumadyak sa puso ko sa narinig.

Mabilis akong napabalik sa kuwarto ko at kinuha ang cellphone para tawagan si Prince. Matagal bago ito nakasagot dahil busy rin ang line nito.

"Where's Charl?" gigil na tanong ko.

Siya lang namana ng puwedeng maging kasama ni Charl hindi ba? Kasi sila.

["I'm not with her. She's not picking up her phone."]

Tuluyan akong napabagsak sa kama ko. His voice may seem calm but I can sense that he's so worried.

Hindi niya pag-aalahanin si Prince nang ganito kung wala lang.

Muli akong lumabas sa kuwarto para sana kausapin si Uno pero agad akong napaatras nang makitang nasa tapat na siya ng kuwarto ko.

"Bakit mo ba kasi iniwan si Princess kanina?!" Tumaas ang tono nito. Mukhang nakaligtaan na rin niya na bawal nang tawaging Princess si Charl.

Napailing ako. Hindi alam ang sasabihin. I was so selfish. Dahil lang sa hindi ko matanggap na kapatid ko siya, iniwasan kong mapalapit pa sakaniya.

"Tangina, Dos! Alam kong may mali kami dahil tinago namin sayo ito ng ilang taon pero alam mo namang noon pa hindi ligtas mapag-isa si Princess!" He brushed his hair with his fingers in frustration bago umalis sa harap ko at lumabas ng condo.

Hindi na 'ko nagdalawang isip pa at lumabas din para sumunod dito.

Patakbo akong sumunod kay Uno nang biglang lumabas sa condo unit niya si Dan na may dalang unan at nakasuot ng pajamas na asul.

Nakangiti itong papunta sana sa amin ngunit nawala ang ngiti niyang iyon nang makitang paalis ako. Tinanaw niya rin ang nagmamadaling bulto ni Uno.

"Anong nangyari?"

Hindi ko na ito tinapunan ng tingin at mabilis na sumunod kay Uno. Nasa elevator na siya kaya mas binilisan ko ang pagtakbo para makahabol.

"Hoy, hala, teka, sama ako!" Sabay pa kaming napalingon kay Dan na humahabol sa amin kahit walang tsinelas at may bitbit pa na unan.

"Anong meron? Bakit kayo nagmamadaling umalis? Nasaan si mama lot?" sunod-sunod na tanong nito habang nasa elevator kami.

Walang sumagot sa amin ni Uno.

Napapakagat ako sa ibabang labi sa dami nang pumapasok na posibilidad sa utak.

Please, be safe. 

Ilang sandali lang ay tumunog na ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. We're about to exit the building nang makasalubong namin si Charl na papasok.

Secrets of the MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon