Chapter 37

2.3K 120 11
                                    

[Elli's PoV]

                

Hindi ko alam kung malas ba 'kong si Emp ang kasama ko o malas ako kasi si emp ang kasama ko sa 3-2?

                    

Hindi naman ako nag-expect na makakasama ang kakambal ko pero mas lalong 'di ako nag-expect at iniiwasan ko talaga maisip na si emp ang makakasama ko.

                 

I sighed in hopelessness. This would have been much better if I got paired with Selena. That woman may be loud but at least, she would not mind me doing any monkey business with other students here.

             

Or maybe, with that new student. Suddenly, I felt the corner of my lips lifted at the mere thought of the new student, Charlotte King.

            

Hindi siya maingay, pero hindi rin ganoon katahimik. I mean, makakausap mo siya at kaya kang sabayan sa mga trip mo. Hindi rin nakatulong na kaya niya kaming makilala ng kakambal ko. Ahh, how I wish I could spend more time with her. I'm so curious about her.

        

"Hey, Shiiin~ May girlfriend ka na ba?" Naputol ang pag-iisip ko tungkol kay Charl nang marinig ko ang isang ipit na boses malapit sa akin.

             

Bored na tinapunan ko ng tingin ang katabing si emp na pinapalibutan ng mga babae ng 3-2. Simula nang pumasok kami rito, naagaw na niya ang atensiyon ng mga babaeng ito.

            

Emp remained silent. He was busy reading some papers. Kahit nung may prof kami kanina, hindi naiiwasang mapasulyap ang mga babae sakanya.

             

I sighed again. This is so boring. Bukod sa sobrang tahimik ni emp, hindi rin ako puwedeng gumawa ng kalokohan habang nandiyan siya. Sana lang talaga iba ang kasama ko rito.

             

"Shin, pansinin mo naman kami." Nararamdaman ko ang unti-unting pagnipis ng pasensiya ko. Ayoko sa lahat ng babae ay yung ganito kakulit.

              

O dahil nasanay lang ako sa mga babae sa 3-A? Kahit nung first day namin nung first year, hindi ganito mapilit sa mga lalaki ang mga babae sa'min.

                 

Shit. Why am I even comparing those girls to these girls?

           

Mabilis kong iniling ang ulo at nag-isip kung anong magandang gawing trip kapag nakawala na ako sa mga mata ni emp.

             

...

          

[Dillie's PoV]

            

"Ano ang buong pangalan ni Kapitan Tiago?" Agad na isinulat ko sa 1/2 lengthwise kong papel ang sagot.

           

It was Angielyn, our Filipino teacher, who suddenly conducted a surprise quiz for everyone. Swerte pa nga ng mga 3-3 dahil mukhang naaral na nila ang libro ni Rizal na Noli Me Tangere dahil kahit mukhang nagulat sila dahil sa surprise quiz nga naman, may naisasagot sila.

Secrets of the MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon