Chapter 68

2K 123 34
                                    

[Prince's PoV]

      

5/15

Tenno found out that we killed his child! He was so furious! He took Naruhito with him and we both know for what. Sana maging ayos lang siya...

       

8/2

Ngayon ko nalang ulit ito nahawakan. Mabuti nalang at walang nangyaring masama kay Naruhito. Ilang buwan din kaming naging abala. He did everything to get me out of that place.

        

9/16

They found us!!! Tenno found our hiding place! Naruhito is now fighting with them while he hid me in the basement! I have to get out of this place!

      

12/8

Wala na si Naruhito. Ako nalang ang meron ako. In order for me to survive, kumapit ako sa patalim... Naging isang bayarang babae ako. I wonder, kung malalaman kaya ito nina papá at ate, mandidiri kaya sila sa akin?

      

1/22

I have to be strong. For myself... and for this child. Kahit na hindi ito kay Naruhito. Ayoko nang pumatay ulit ng isang inosenteng buhay...

        

6/4

Jacq and I met again sa isang market. I found out that she is pregnant. Pero maliit pa ang nasa tiyan niya hindi tulad sa aking parang pakwan na. Ang cute lang naming dalawa.

     

7/1

I was told that my pregnancy is not healthy, I might die. But it's okay. Lalaban parin ako, para sa bata.

      

7/12

Kung sino man ang makapulot ng diary na ito, please do help Jacquelyn.

Jacquelyn Burgos was a friend of mine. She was that evil's favorite toy. If only I could save her before I die...

   

Tahimik kong isinara ang diary ng ina ni Princess nang mabasa ko ang pangalan ni mom. Nasa pangangalaga ko ito matapos niyang mawala, mag dadalawang buwan na.

      

Hindi ko lubos maisip na ito ang dahilan kung bakit marami siyang alam sa pamilya ko. Her mom was trying to help my mom from my evil father.

         

Napakuyom ang mga kamao ko. Alam ko namang hindi mabuting tao ang ama ko at isa ang ina ko sa naging biktima niya. Kaya nga lahat ginawa ko para kahit papaano ay makatulong sa ibang tao.

     

Iyon lang ang tanging paraang naisip ko para kahit papaano ay makabawi sa kasamaang ginagawa ng ama ko.

       

'Pero kung hindi mo pa nakilala si Princess, baka nagbubulag bulagan ka parin sa kasamaan ng ama mo.'

      

Naputol ang mga iniisip ko nang makatanggap ng mensahe galing kay River.

      

Secrets of the MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon