Chapter 34

2.4K 124 14
                                    

[Grayson's PoV]

  

"Excited na 'ko," hindi mapakali sa upuang sabi ni Kleoff at pilit na sumisilip sa stage kahit na kami ang nasa pinakaharap.

  

Ramdam ko rin ang excitement ng ibang 3-A dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang Mr. and Ms. Intramural. Nalaman kasi namin kay Georgia na hindi siya papalit kay King dahil personal na nag-chat ito sakaniya sa messenger kagabi na kaya nitong lumahok ngayong araw.

  

"3-A! 3-A!" Napapangisi ako sa upuan ko nang magsimulang mag-ingay ang kambal na kasama ng apat na mga bata sa first row habang nag tatatambol sa bass drum at snare drum na dala nila. Mamaya pa namang 8 pm ang battle of the bands kaya kompleto kaming lahat ngayon dito sa field para sa gaganaping Mr. and Ms. Intramural.

     

Naalala ko rin tuloy kung paanong nanguna sa pinakaharapan ang kambal kahit na may mga iilang estudyante na ang nakaupo at talagang pinaalis ang mga ito para makaupo kaming 3-A. Wala namang umangal sa ibang estudyante lalo na at ang dalawang iyon ay kilalang kilala pa sa huling pagpapadala nila sa ospital na estudyante few months ago.

    

" 'Pag natalo tayo, tambangan nalang natin 'yung mga judges sa parking lot," nakangiting sabi ni Dan at minamasahe pa ang balikat. Sumang-ayon naman ang iba habang napapailing nalang sina Athan.

   

"Hindi pa ba simula?" it was  Green na mukhang excited din. Nilingon ko ang katabi kong si Shin na hindi rin inaalis ang tingin sa stage kaya lalong lumaki ang pagkakangisi ko. This is very interesting. 

   

Ilang saglit lang ay nawala na ang kantang pinapatugtog sa malalaking speaker sa stage. Isang babae at lalaki ang lumabas mula sa backstage. If I am not mistaken, mga guro sila rito sa Hillman. Kapwa nakangiti ang mga ito habang nililibot ang mga mata sa buong paligid. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang pang-uuyam ng mga mata nila nang mapadako sa amin ang mga tingin. 

  

Well, it's not like we need their fucking smiles or acknowledgement.

   

"Good afternoon, ladies and gentlemen!" Paunang bati ng babaeng guro. "Sa ilang sandali nalang ay magsisimula na ang Mr. and Ms. Intramural. Handa na ba kayo?!" 

   

"Ganitong ganito mag-emcee sina Selena at Georgia nung first year high school tayo, ah." Natatawang sabi ni Mike sa amin na ikinatawa ng iilan. Masama ang naging tingin ng dalawang babae sakaniya na tinawanan lang din niya.

   

Malakas na naghiyawan ang mga estudyante na nasa field pero mas dinig na dinig ang pag-aalulong ng kambal. "Ahu! Ahu! 3-A! 3-A!"

  

"Tangina, nakakahiya." Malakas akong napatawa nang magsidatingan ang mga guro namin at iyan ang unang lumabas sa bibig ni Kerr nang makita kung paanong pati ang mga mono blocks na inuupuan ng mga bata ay pinaghahampas nila para makagawa ng ingay.

  

Agad naman silang nagsiupuan sa mga bakanteng espasyo dahil ang section lang namin ang nasa harap ngayon. Wala naman kasing nagbabalak na makalapit sa amin dahil na rin sa reputasyong mayroon kami.

   

"Anong place makukuha natin dito?" Baling ni Alistair sa dalawang babaeng naging mentor ng mga representatives namin.

Secrets of the MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon