Chapter 53

2.2K 143 16
                                    

[Grayson's PoV]

"Get a grip, pres."

Kumunot ang noo ko nang magsalita si Prince at agad na binitawan ang pagkakaalalay sa akin. Salubong ang kilay nito at nakakuyom ang kamao.

"Problema mo?" takhang tanong ko rito habang umaayos ng tayo. I admit, pumipintig ang ulo ko dahil sa dami nang nainom. Hindi ko naman kasi inaasahan na halos lahat nang hindi pa nagagawa ng mga ito ay napagawa sa akin ni Ken kaya ako ang kotang kota sa laro.

Speaking of Ken, tinapunan ko ng tingin ang apat na babae sa ilalim ng puno kung saan dinala sila nina Prince at Shin. My memories were a little hazy pero alam kong pinrotektahan ni Ken ang ulo ko mula sa pagkakabagsak kanina. Kami kasi ang magkatabi sa upuan at alam kong alam niyang may tama parin ako ng alak. Nakakainis.

Napansin ko ang paghinga nang malalim ni Prince tanda nang pagpapakalma sa sarili bago ako inilingan.

"Kung kaya mong lumaban, maghanda ka na. Kung hindi pa, maupo ka nalang din sa tabi," sabi nito bago naglakad papunta sa mga nagkakagulo na naming kaklase at mga bagong dating na tao. He sounded so irritated magmula nang maihatid niya si Ken doon sa may puno. Naipilig ko nalang ang ulo ko at mas piniling mag-focus sa sitwasyon namin ngayon. 

I licked my lower lip habang pinagmamasdan ang mga naka paligid sa amin na may dala-dalang armas. Baseball bat, dos por dos at kung ano ano pa. And if I am not mistaken, ang mga ito ang madalas naming nakakabungguan noon.

Sa kabila nang pumipintig na ulo, pinilit kong i-focus ang sarili sa nangyayari sa harapan ko.

"Grayson," napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. I twas Shin. "If you cannot fight, just rest there," tinuro niya ang p'westo ng mga babae. "We'll manange. Nakapag padala na si Ali ng mensahe sa ibang guro para sa back-up natin kung hindi kakayanin."

I stretched my neck bago ngumisi sa kaharap. "Come on, Shin. Hindi ito ang unang beses na makikipaglaban ako nang nakainom."

He returned the smirked on me saka nakisali sa gulo.

Nang makita ko ang isang lalaking papasuntok sa may likuran ni Dan na busy sa pakikipag suntukan sa kaharap, mabilis na hinila ko ito sa damit at patapong binitawan.

He groaned in pain but that did not stop me to do more. I put my left foot on his chest with my weight on it at ngumisi. "Enjoying? Dami niyo, ah? Paano niyo nalaman kung nasaan kami?"

"T-tangina niyo," nahihirapang sabi nito kaya mas diniinan ko ang pagkaapak sa dibdib nito. I leaned down to face him closely. 

"Wrong answer, idiot." Agad akong tumayo nang maaayos. Nang akmang hahawakan nito ang paa ko ay agad ko itong itinaas at buong puwersang ibinagsak muli sa dibdib nito.

He gasped for air.

"Sasabihin mo ba sa akin kung anong koneksiyon mo sa tatlong asungot kanina?" tanong kong muli rito pero busy siya sa paghahabol nang hininga.

Napasundot ako sa tenga ko sa kakahintay ng sagot at nang mabagot, inipon ko ang buhok nito sa kanang kamay ko at itinayo. I punched him on the gut making him spit some blood.

"Kapag kinakausap ka, sumagot ka agad. Ayoko nang pinaghihintay ako."

...

[Kleoff's PoV]

"Pucha!" Malakas na mura ko nang muntik na 'kong tamaan sa mukha nang suntok ng isang lalaking may suot na cestus.

"Kaya pa?" nakangising tanong ni River nang magkalapit kami kakaiwas sa mga 'to.

Secrets of the MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon