Chapter 55

2.3K 137 54
                                    

[Uno's PoV]

"Intruders."  

My cousin, Princess Charlotte King, is one of a kind.   

Hindi dahil sa 43 weeks siyang dinala sa sinapupunan ni tita. Hindi rin dahil sa pagkapanganak sakaniya at namatay ang mama niya, hindi man lang siya umiyak.

On her first birthday, we have yet to hear her first word.  

That same goes for her second and third birthdays.

We thought she was a mute. Kaya pina-check-up namin siya. Only to find out na walang problema sakaniya. It's just that Princess did not want to talk at all.

Her first word was 'intruders'. 

She was four years old that time.

Nagulat kami nina mom, dad, tita Gold at lolo. Nandito kami sa sala ng bahay. Katatapos lamang tumanggap ng pitong bagong kasambahay at limang bagong guards.

"Princess?" alanganing tawag ko sa pangalan niya. Nakaupo lang siya sa one-sitter gold sofa rito habang hawak ang coloring book nito. 

Inalis niya ang tingin sa coloring book at tumitig sa mga mata ko. I am intimidated, I admit. I am two years older than her but she was giving this different kind of aura.

"Euno," deretsong tawag niya sa pangalan ko. "We have intruders," she continued.

"Baby, what do you mean by that?" mom asked her. However, Princess did not spare her a glance. Sa akin lang nakatutok ang mga inosente nitong mata.

Hindi pa namin naintindihan kung anong meron sakaniya no'n. Hanggang sa ikapitong buwan magmula nang una siyang nagsalita.

"Euno, a thief." Hatinggabi nang kumatok sa kuwarto ko si Princess. Nang pagbuksan ko, iyan ang sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit nadala ako nang hatakin niya ang kamay ko. Inilagay pa niya an hintuturo sa labi nito senyales na huwag akong mag-ingay. Dinala niya ako sa isang bahagi ng bahay. Office ni lolo.

Bahagyang nakasiwang ang pinto kaya sumilip kami.

Isa sa tinanggap naming kasambahay noong nakaraan ang nandoon at may hinahalungkat na kung ano sa loob.

"A thief." Tumingala sa akin si Princess at pabulong na sinabi iyon bago mahinang bumungisngis. "I told you. There are intruders."

Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko.     

Sa sobrang kaba, mabilis kong hinatak si Princess para makapunta sa kuwarto nila mom. Alam kong nabulabog namin sila pero nagawa ko paring sabihin ang nangyari.

Hindi namin nahuli ang katulong na iyon dahil pagdating namin sa office, wala na siya at hindi na ulit namin nakita. Nawawala rin ang ilang mamahaling kagamitan doon.

"There are more of them here." Lahat kami ay napalingon kay Princess na nakatayo lang hindi kalayuan sa amin habang nag-uusap sa office ni lolo.

Nasabi ko rin sakanilang si Princess ang nagsabi sakin tungkol sa katulong na iyon.

Lumakad si lolo sakaniya. "Can you tell lolo more about them, Princess?" pa-baby talk na pagkausap ni lolo.

Secrets of the MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon