BILANG ISA

23 3 0
                                    

INIWAN KITA KAYA'T INIWAN MO RIN AKO

sinubukan ko lang naman iwanan ka
Dahil akala ko pipigilan mo ako
Ang sakit na,
Hinahanap ko lang naman yung lambing mo
Ngunit sa relasyon palang ito
Bawal pala akong mapagod
Sapagkat noong panahong napagod ako napatunayan kong wala lang ako
Dahil hinayaan mo lang,
Hinayaan mo lang akong bumitaw sa pagkapit sayo
Aminado akong iniwan kita
Ngunit 'di ko inakala
Ang lahat ng aking nakita
Nakita ko kung gaano mo pinagsawalang bahala lang ang lahat
Na para bang noong umuulan ay hinayaan mo lang akong mabasa
Wala na ba talagang pag asa?
Ang dating tayo'y sana ay maisalpa pa
Dahil aking sinta,
mahal pa rin kita kahit na sobrang sakit na.

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon