MANLOLOKO
Napakagaling mong manlalaro
Pinalakpakan kita't hinangaan sa mga pinakita mong kahusayan
Napabilib mo ako sa iyong mga galawan na napupuno pala ng kadayaan
Mukhang una palang ito'y iyo nang mapagplanuhan
Mabilis mong paglusob ay hindi ko man lang nagawang paghandaan
Kaya't kaagad mo akong napatumba ng biglaan
Hinawakan ko ang aking tagiliran
Kamay ko'y duguan ko itong pinagmasdan
Sinaksak mo rin ako sa aking likuran,
likuran kung saan nilihis ko lang saglit ang mga mata ko sayo subalit pagharap ko, nakita kitang nakikipaglandian
Sinubukan kong ikaw ay tawagin subalit ako lamang ay iyong trinatong parang hangin
Pinanghawakan ko ang mga katagang iyong pinangakuan
Na hindi mo ako kayang iwan
Na ako'y iyong aalagaan at hindi hahayaang masaktan
Ang bilis mo namang makalimutan
Sa bagay napatunayan ko naman na isa lamang iyong malaking kasinungalingan
Lahat ng katagang binitawan mo ay walang katotohanan
Lahat ng ala-alang ating mga binuo ay lubos na nagbibigay sa akin ng kalungkutan
Kaya't marapat dapat na rin kitang sigurong kalimutan
Paalam ,
Kahit nauna kang nang iwan ng wala man lang pamamaalam .
BINABASA MO ANG
TULA
PoetryMga tulang aking nilikha upang ipabasa sa mga madla Damhin mo ang bawat letra't kataga At kumuha ka ng aral mula sa aking katha. -🤗