SA KABILA NG PAGLABAN KO. PARA SAYO, PINAGLALABAN MO RIN PALA SIYA
Walang sayang sa bawat pagpitik ng kamay sa orasan tuwing kausap kita
Hindi ka pa nabigong ako'y mapasaya
Pasalamat kay bathala dahil ikaw ang siyang, sa akin ay ipinakilala
Kaya't walang alinlangan kitang ipinagmamalaki sa madla
Ngunit isang pangyayari ang sa akin ay lubos na bumulaga
Tumutulol ang iyong ama't ina kung sa ano mang mayr'on sa ating dalawa
Ngunit ako na may sandigang ikaw ay 'di nila maipatutumba
Ipinaglaban kita
Kahit na labag ang magulang mo'y pinatutunayan ko ang dapat
Sinabing ikaw ay iniibig kong tapat
Ngunit isang araw ako'y namulat
Totoo nga ba ang isinisiwalat ng aking isipan
Iyon nga daw ay magdudulot sa akin ng kapinsalaan
Hindi ako nagkamali, nakita ko
Nakita kong masaya ka na sa iba
Hindi 'bat nag usap tayong magpapahinga lang
Hanggang sa maayos na
Ngunit sa kabila pala ng paglaban ko
Nakita at nakasabay kita sa paglalakbay ko
Panandalian kang huminto at ginaya ko rin ito
Hindi pa man ako tuluyang nakatatayo upang tumakbo palapit sayo
Sinabi mo sa akin ang salitang patawad
Patawad kasi ikaw ay mag iiba ng p'westo
P'westo kung saan ang tinatahak kong landas ay lilisanin mo
Ang paglalakbay ko tungo sa kadulu-duluhan ay hindi rin pala kita masisilayan sa hangganan
Kaya't pinosas ko ang dalawa kong paa
Upang pagpunta ko sayo ay hindi na matuloy pa.
BINABASA MO ANG
TULA
PoetryMga tulang aking nilikha upang ipabasa sa mga madla Damhin mo ang bawat letra't kataga At kumuha ka ng aral mula sa aking katha. -🤗