K A L U N G K U T A N
Pagod ka na sa iba't ibang dahilan
Nauubos na rin ang mga luha sa kaiiyak
Piniling itikom ang bibig sa kadahilanang wari'y pag nagsasalita ka'y walang nakikinig
Saan nga ba dapat pumanig?
Wala na nga bang karapatan upang ipagtanggol ang sarili
Kung ipagtatanggol mo man ikaw pa rin ang mali sa huli
Patuloy na nga lang bang mag iisip tuwing gabi
Kung anong kulang sa iyong sarili
Halo-halong mga katanungan na kahit anong gawin ay tila hindi mabibigyang kasagutan
May espasyo pa ba sa ginagalawan
Nakikita nila'y puro kamalian
Saan nga ba ang tamang daan
Gulong-gulo
Hindi ko na alam kung saan pa ba pu p'westo
Karapat-dapat pa ba ako
Mananatili pa kaya kung ganito
Paano ko nga ba malalaman ang kasagutan sa samo't-saring palaisipan
Pagod na ako
Dapat pa bang ilaban
Putol na ang banderang pilit kong itinatayo
May paraan pa ba upang ito'y mabuo?
Kung mayroon man, subalit paano?
Saan kakapit kung wala ng kakapitan
Paanong maniniwalang may pag-asa kung wala namang kasiguraduhan
Nakatadhana na nga bang masaktan?
Paano nga ba itong matatakbuhan
Paano nga bang malalagpasan
kung kalungkutan ay ayaw akong tantanan
Na wari'y kahit saang taguan ang aking magtagpuan
patuloy pa rin nito akong susundan.
BINABASA MO ANG
TULA
PoetryMga tulang aking nilikha upang ipabasa sa mga madla Damhin mo ang bawat letra't kataga At kumuha ka ng aral mula sa aking katha. -🤗