BILANG ANIM

8 2 0
                                    

SINUBUKAN KO NAMAN

Sinubukan kong limutin ang nakaraan
Ngunit kasalanan bang ito'y sadyang napakatalas
Bumaon ng sobrang baon na 'di ko na mahatak upang maalis ito mula sa pagkakatarak
Tumarak ito sa akin ng sobrang lalim
Mahila ko man paalis itong nakatarak
'di ko pa rin nasisiguro na kung sakali bang matatanggal ko ito
Maghihilom nga bang tuluyan ang sugat na dulot ng sakit simula ng lisanin mo ako
Sinubukan kong talikuran ang hinagpis
Subalit masyado itong mabangis
Sa sakit na nadarama ay gusto ko ng makakalas
Ngunit 'di ko magawang makatakas
Paglisan mo ay masyadong malaki ang iniwang bakas
Sa isipan ay higit na lumamat
Sinubukan ko namang kalimutan ang lahat
Ang sakit sakit na pero 'di ko rin magawang bitawan
Paano ka nga ba makakalimutan?
Sinubukan ko naman
Sadyang mahina lang talaga ako
Dahil tanging ala-ala lamang ay nagagawang durugin ang buong ako.

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon